Watch Now

Pambawi ng Vivamax ang Secrets sa pambibitin at pa-tweetums ng Breathe Again

by PEP Troika
Jun 11, 2022
Tony Labrusca, Ariella Arida, Janelle Tee, Benz Sangalang
Bitin ang mga mahihilig sa sexy scenes sa mga bida ng "Breathe Again" na sina Tony Labrusca at Ariella Arida (left photo). Pero sa "Secrets," bawi naman sa paseksihan sa stars nitong sina Janelle Tee at Benz Sangalang (right photo).
PHOTO/S: Vivamax PR / Jerry Olea

JERRY OLEA

Pa-tweetums ang tatlong bida ng pelikulang Breathe Again na nag-streaming umpisa Hunyo 3, Biyernes sa Vivamax.

Nakasuot ng boxer short at pantalon sina Tony Labrusca at Ivan Padilla sa love scenes. Bitin din ang mga tung-tung at barako kay Ariella Arida. Kumbaga, yung acting skills ang pambenta nina Ariella, Ivan at Tony sa Breathe Again.

Ang palaban doon sa hubaran ay si Jela Cuenca.

Breathe Again

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumawi-bawi ang Vivamax sa bagong pelikulang nag-streaming nitong Hunyo 10, Biyernes, ang Secrets na idinirek ni Jose Javier Reyes.

Pwetmalu sina Felix Roco at Benz Sangalang, at parehong may pa-boobey sina Janelle Tee at Denise Esteban.

Napabalita naman noon pa na nag-plaster sila sa maseselang eksena.

Sa pelikulang Pusoy na nag-streaming umpisa Mayo 27 sa Vivamax ay “kinain” ni Baron Geisler ang paa ni Janelle. Sa Secrets ay si Benz naman ang kumain sa paa ng beauty queen turned sexy actress.

Umikot ang kuwento ng Secrets kay Leo (Felix Roco), na nagbakasyon sa isang resort sa probinsya kung saan caretaker ang tiya niyang si Elena (Sherry Lara) at asawa nitong si Rading (Ku Aquino).

Kachuk-chakan ni Leo si Felina (Denise Esteban) na nagtatrabaho sa kalapit na resort.

Kasabayan ni Leo sa pagbabakasyon ang tatlong taon nang magkasintahan na sina Janine (Janelle Tee) at Christian (Benz Sangalang).

Tumatak sa akin ang usapan tungkol sa trabaho ni Leo sa Dubai, United Arab Emirates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LEO: Pag bakasyon, umuuwi ako ng ‘Pinas.

CHRISTIAN: Bakit, ano bang trabaho mo?

LEO: Engineer. Electrical. Wala sa itsura, ‘no?

CHRISTIAN: Bakit, ano bang itsura ng engineer?

LEO: Hindi tulad neto. Sabi ng mga kaibigan ko sa Dubai, mukha daw akong callboy, e.

CHRISTIAN: Wala akong nakikilalang callboy, e, kaya hindi ko alam kung anong itsura.

LEO: Ganito daw ang itsura. Mukhang k-nt-t-ro.

Kung sa Breath Again ay kalmado ang dagat sa mga eksena ng scuba diving nina Tony at Ariella, dito sa Secrets ay nagngangalit lagi ang mga alon ng karagatan.

Mapuwersa ang sinematograpiya ng Secrets, at sa mukha ng mga beteranong sina Ku at Sherry ay basang-basa ang agam-agam sila sa mga nangyayari.

May mga lihim na nabunyag sa istorya, pero meron ding mga tanong na naiwan.

Mas mapangahas pa rin ang Live Show (2002) ni Direk Jose Javier Reyes, na tinampukan nina Klaudia Koronel, Hazel Espinosa, Ana Capri, Paolo Rivero, Simon Ibarra, at Martin Gonzalo bilang mga torera at torero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, ang susunod na handog ng Vivamax ay ang pelikulang How To Love Mr. Heartless.

Sa Hunyo 17 ang streaming ng pelikulang ito nina Sue Ramirez at Diego Loyzaga, sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Sa Hunyo 24 naman ang Vivamax streaming ng Virgin Forest ni Direk Brillante Mendoza. Tumatalakay ito sa illegal logging at sa mga pokpok na akyat-bundok.

Tampok sa Virgin Forest sina Angeli Khang at Sid Lucero, na nagbida sa Silip sa Apoy ni Direk Mac Alejandre.

Nasa Virgin Forest din sina Vince Rillon, Alma Moreno, Julio Diaz, Markki Stroem, Kat Dovey, Rob Guinto, at Micaella Raz.

Sa Hulyo 1 naman ang Biyak nina Angelica Cervantes, Albie Casiño at Quinn Carillo, sa direksyon ni Joel Lamangan. Co-stars nila sina Vince Tañada, Maureen Mauricio, Jim Pebanco at Melissa Mendez.

Nasa website na ng Vivamax ang teaser ng Scorpio Nights 3 ni Direk Lawrence Fajardo.

Yung galawan nina Mark Anthony Fernandez, Christine Bermas at Gold Aceron sa teaser ay reminiscent ng ilang eksena nina Orestes Ojeda, Anna Marie Gutierrez, at Daniel Fernando sa orig na Scorpio Nights (1985) ni Direk Peque Gallaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa teaser, “The Pinoy cult classic is back. Muling sisilip…”

Nasa Scorpio Nights 3 rin sina Sheree Bautista, Alisson Smith, Julio Diaz, Aica Veloso, Amanda Avecilla, Gabe Pineda, Lander Vera-Perez at Conan King.

GORGY RULA

Napatutok ako sa unang bahagi ng pelikulang Secrets dahil okey ang daloy ng kuwento at magandang pakinggan ang mga dialogue. Maayos ang pagkasulat siyempre, dahil Direk Joey Reyes naman yan.

Kahit manipis ang kuwento, okey na sa akin dahil magagaling sana Sherry at Ku, pati si Felix Roco. Surprisingly, okey rin iyung Denise Esteban.

Ang dalawang bidang sina Janelle Tee at Benz Sangalang lang ang medyo nakukulangan ako. Okey pa naman itong si Janelle dahil naiiba-iba ang itsura niya, depende sa role na ginagampanan.

Janelle Tee, Benz Sangalang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Benz din na bukod sa maganda ang katawan, okey ang boses niya na bagay sana sa pandrama. Kapag nakikinig ka lang sa dialogue, makukuha ang atensyon mo sa ganda ng boses ni Benz.

Kapag silang dalawa na ni Janelle ang nasa eksena, mapapabuntung-hininga ka na lang, kasi, nakukulangan ako. Halatang kinakabisado ni Benz ang dialogue kaya hindi natural ang dating.

Kulang sa timing si Janelle, kaya kapag kaeksena nila si Sherry Lara, lamon na lamon sila—to think na pipi ang papel ni Sherry!

Kapag magaling ang acting ng mga artista, okay na ako kahit mababaw ang kuwento. Makukumbinse ka kasi kung natural na natural ang atake sa role na ginagampanan nila.

NOEL FERRER

Interesado ako sa Secrets ni Direk Joey Reyes dahil ipinagmamalaki niya rito si Felix Roco.

Felix Roco

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang nahihilig sa "Secrets" at "Lihim" si Direk dahil naalala ko, di ba’t may pelikula rin siya sa Cinemalaya na tungkol din sa mga secrets pero medyo wholesome naman iyun—ang Mga Mumunting Lihim (2012) nina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Janice de Belen at Agot Isidro.

At least, iba-ibang level talaga ng lihim ang tina-tackle ni Direk Joey sa kanyang mga obra.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bitin ang mga mahihilig sa sexy scenes sa mga bida ng "Breathe Again" na sina Tony Labrusca at Ariella Arida (left photo). Pero sa "Secrets," bawi naman sa paseksihan sa stars nitong sina Janelle Tee at Benz Sangalang (right photo).
PHOTO/S: Vivamax PR / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results