GORGY RULA
Nakarating sa PEP Troika ang tsismis tungkol sa guwapitong aktor at ang gandarang aktres na girlfriend niya.
Hindi yata nila alam na pinag-uusapan sila ng mga kapitbahay ng guwapitong aktor dahil nasisilip sila, lalo na kapag dumadating doon ang girlfriend na si Gandarang Aktres.
Kaya lang, nagtataka raw sila, bakit hindi bumababa ng sasakyan itong si Gandarang Aktres?
Nandoon lang daw si Gandarang Aktres sa kotse niya at maya-maya, lalabas na si Guwapitong Aktor, at aalis na sila.
Never pa raw nilang nakita si Gandarang Aktres na bumaba at nakipagtsikahan sa pamilya ni Guwapitong Aktor.
May malisya na ito sa mga kapitbahay, na tila hindi nila type ang kadramahan ni Gandarang Aktres.
Dagdag pang tsismis ng ilang kapitbahay ni Guwapitong Aktor, minsan ay nakita pa raw nila sa casino ang ina ni Gandarang Aktres. Minsan lang naman daw nilang nakita ito na naglaro roon na naka-wheelchair pa raw ito.
Bakit kaya hindi tinatantanan ng kung anu-anong tsismis itong si Gandarang Aktres?
JERRY OLEA
Hindi naman mauubos ang datung ni Gandarang Aktres sakaling mag-casino ang kanyang ina paminsan-minsan.
Ipaubaya na natin ang pagliliwaliw na iyon ng naka-wheelchair na ina ni Gandarang Aktres. Masinop at masigasig sa buhay si Gandarang Aktres kaya OK lang na maglustay nang slight ang kanyang ina.
Hindi matutumbasan ng salapi ang aliw na nalalasap ni Mommie sa pagka-casino royale.
At least, hindi naninipa ng slot machine si mommy, ‘no?!
Aba! Yung isang action star na “classmate” ni Mommy, sinipa ang slot machine pagkatapos matalo ng halos P5M.
Ang ending, nag-win daw ito ng P23M!
Naku! Pwede kayang makahingi ng balato kay Action Star?!
NOEL FERRER
Naku, naku, let’s be kind.
Sa likod ng ganitong mga balita, marami namang natutulungan pero tahimik lang itong si Gandarang Aktres, ha!
At yung karelasyon niyang guwapitong aktor, mabait din iyan at matulungin.
Sobra ngang cool and slow to anger. At talagang maasikaso siya.
Sana, kahit maraming Marites sa kanilang relasyon, patuloy pa rin silang maging maligaya sa isa’t isa.
