PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abdul Raman, sobrang thankful kay Dennis Trillo

Abdul Raman, laking pasalamat sa Kapuso network para sa tuluy-tuloy na trabaho
by PEP Troika
Published Jun 11, 2022
Abdul Raman
Kapuso actor Abdul Raman, sobrang thankful kay Dennis Trillo at mga Kapuso stars na tumulong sa kanyang inang na-stroke: “Si Kuya Dennis, ang laki-laki po ng contribution niya, at marami pa pong ibang mga Kapuso stars na tumulong talaga." (@aboodyboi Instagram)

GORGY RULA

Masayang ikinuwento sa PEP Troika ng Kapuso young actor na si Abdul Raman na nakaka-recover na raw ngayon ang kanyang mommy pagkatapos nitong ma-stroke nung nakaraang taon.

Abdul Raman

Nakatsikahan namin si Abdul sa nakaraang mediacon ng bagong sitcom niyang Tols, at nagpapasalamat siya dahil nakakapagsalita na raw at papagaling na ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She’s fine. She’s recovering now.

"Medyo halted po ngayon, kasi we’re waiting for the doctor’s ano… kasi may mga kailangan pa po siyang pagdaanan.

"Pero nakapagsalita na po, although medyo hirap. Nag-progress po,” kuwento ni Abdul.

Thankful siya dahil hindi raw siya pinabayaan ng GMA-7. Sunud-sunod na ang trabahong ibinibigay sa kanya.

Ginagawa niya raw noon ang Legal Wives nang inatake ang kanyang ina, at tuluy-tuloy na ang mga gastos para sa treatment nito.

Mabuti at pagkatapos ng Legal Wives, may mga guestings pa siyang ginawa at sinundan pa ito ng Raising Mamay kung saan inilunsad ang loveteam nila ni Shayne Sava.

Habang iniere pa ang Raising Mamay, may kasunod agad siyang sitcom, itong Tols na magsisimula na sa June 25 ng 7:05 pm sa GTV.

Pero ang isa raw sa talagang gusto niyang pasalamatan na tumulong sa kanya ay si Dennis Trillo.

Nakukuwento raw niya noon kay Dennis sa set ng Legal Wives ang pinagdaanan ng kanyang ina, at kaagad na inabutan daw siya ng tulong para sa mga gastusin sa hospital.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si Kuya Dennis, ang laki-laki po ng contribution niya, at marami pa pong ibang mga Kapuso stars na tumulong talaga.

“Grabe! Nakaka-touch po talaga si Sir Dennis. Gusto ko pong maging kagaya ni Sir Dennis,” bulalas ni Abdul.

NOEL FERRER

Ngayong nasa Tols si Abdul kasama sina Kelvin Miranda at Shaun Salvador, paano na ang loveteam nila ni Shayne Sava na hindi naman kasama sa naturang sitcom?

“Malalaman po yan sa episode 12 ng Tols. Magpapakita po dito si Shayne, at very welcome po siya sa future guestings sa season 2, di ba?

“I think we really have a bright future kaming dalawa, as loveteam po,” sabi ni Abdul.

JERRY OLEA

Mahirap ang kalagayan ng stroke survivor. Magastos ang rehabilitation. Kailangan ng ibayong disiplina upang maging maayos ang kalusugan… lalo pa’t may pandemya.

I should know dahil na-mild stroke ako noong Disyembre, at anim na araw akong na-confine sa UST Hospital. Lubos ang pasasalamat ko sa mga tumulong sa akin upang matustusan ang mga gastusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya saludo ako kay Dennis Trillo at sa iba pang dumamay kay Abdul nang ma-stroke ang ina ng young actor.

Kabilang sa mga kaibigan kong stroke survivors din na nakakuwentuhan sina Monica Herrera, Calvin Murphy Neria at Mark Louie Atienza. Second life na namin ito.

Nai-refer pa ako ni Monica sa Facebook public group na BST Atbp (Beat Stroke Together Atbp), kung saan nagsusuportahan ang mahigit isang libong stroke survivors. Salamat din po sa lahat ng tumutulong at nagmamalasakit sa BSTies!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Abdul Raman, sobrang thankful kay Dennis Trillo at mga Kapuso stars na tumulong sa kanyang inang na-stroke: “Si Kuya Dennis, ang laki-laki po ng contribution niya, at marami pa pong ibang mga Kapuso stars na tumulong talaga." (@aboodyboi Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results