Angelica Panganiban at Gregg Homan, babae ang magiging anak

by PEP Troika
Jun 12, 2022
Angelica Panganiban
Gregg Homan
Angelica Panganiban at Gregg Homan, napaluha sa tuwa at sinabing "answered prayer" ang kanilang ipinagdasal na baby girl. Ang kabuuan ng kanilang gender reveal ay mapapanood sa kanilang The Homans YouTube vlog na pinamagatang "Baby Sex Reveal" na in-upload kahapon, Sabado, June 11, 2022.

GORGY RULA

Kuwelang-kuwela si Angelica Panganiban sa huling vlog nilang The Homans kasama ang partner niyang si Gregg Homan.

Papunta sila sa kanilang gender reveal party na dinaluhan ng ilang miyembro ng pamilya.

Sa mga close friends ni Angelica sa showbiz, si Glaiza de Castro ang dumating kasama ang asawa nitong si David Rainey.

Habang nasa kotse sila, pinagtripan nina Angelica at Gregg kung ano ang ipapangalan sa kanilang baby.

Sabi ni Angelica, para naiiba, try nila ang Watch Me Whiff, at tawa sila nang tawa.

Nagtagal sila sa joke na naiisip daw nilang ipapangalan ay Halalahi Halalahoo para bumagay raw sa apelyidong Homan.

“Ang gandang bata, ‘no? Pero ganun ang pangalan. Ilalagay ko dun sa hospital, bago ako manganak… ano po pangalan ng baby, Halalahi Halalahoo Homan.

“Paki-check nga, nasaksakan na ba ng Epidural iyan? Hindi pa po.

“Doc, lucid po ako. Halalahi Halalahoo Homan,” natatawang hirit ni Angelica at kinakausap pa ang tiyan niya na tinatawag sa ganung pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Gregg, triple H kung Halalahi Halalahoo Homan. Sinasabi pa ni Angelica na tuturuan niyang kumanta ang anak niya, pero gay lingo ang lyrics.

“Tuturuan ko siya paano maglambing sa tatay,” bulalas pa ng aktres.

May naisip pa si Angelica na pangalang Walaitu Homan, at sinasabayan nila ito ng tawa.

Ang saya-saya nila sa kanilang gender reveal na napaka-intimate at simple lang.

Angelica Panganiban
Gregg Homan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pagdating na sa ultrasound na isiningit sa vlog na yun, hindi na nila napigilang maiyak nang nalaman nilang baby girl ang ipinagbubuntis nito. Girl pala ang gusto ni Gregg, kaya emotional din itong napayakap kay Angge.

“Overwhelmed!” sabi lang ni Angelica na naluluha na rin.

May ilang kapamilya nila na naka-blue na damit, na obvious baby boy ang type nila. Pero masaya na ang lahat at napatili si Glaiza nang na-reveal ang color pink sa hiniwang cake nina Angelica at Gregg.

Angelica Panganiban
Gregg Homan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang saya-saya nilang lahat dahil yun daw talaga ang ipinagdasal nina Angelica at Gregg.

“Answered prayer. Yun talaga ang pinagpi-pray ko,” masayang pahayag ni Angelica.

Angelica Panganiban
Gregg Homan

Tuwang-tuwa pa ang aktres kapag naririnig niya sa ultrasound ang heartbeat ng kanyang anak.

“Ang saya pala pag narinig mo na,” sabi pa ng Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ang unang episode ng The Homans vlog sa YouTube ay “Getting To Know THE HOMANS” na in-upload noong Mayo 23, 2022. Naka-1.3M views na ito.

Ang ikalawang episode na “Cooking with THE HOMANS” na inilathala noong Hunyo 1 ay lampas 1M views.

Itong ikatlong episode na “Baby Sex Reveal” ay Hunyo 11, Sabado pinost. As we write this, lampas 126K views na ito, at inaasahan nating aabot sa 1M views in due time.

Nababanaag sa mukha ni Angelica ang lubos na kaligayahan sa kanyang pagdadalantao.

Wala siyang bakas ng pagsisi na iniwan agad-agad ang sitcom with Piolo Pascual na My Papa Pi.

Naalala ko tuloy si Jennylyn Mercado, na itinigil ang taping sa Kapuso series na Love. Die. Repeat noong Setyembre 2021 dahil sa “medical emergency.”

Ang pralala e 2022 na itutuloy ang taping ng nasabing series kung saan katambal ni Jennylyn si Xian Lim.

Noong Nobyembre 15, 2021 ay nagpakasal na sina Jennylyn at Dennis Mercado. Abril 25 iniluwal ni Jennylyn ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghahanda na ba si Jennylyn para bumalik sa taping ng Love. Die. Repeat?

NOEL FERRER

Congratulations kina Angelica at Gregg!

Matagal nilang hinintay ito at alam nating gagawin nila ang lahat para lumaki ang bata nang may tamang pangangalaga na puno ng pagmamahal.

You deserve the best, mga kapatid!!!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban at Gregg Homan, napaluha sa tuwa at sinabing "answered prayer" ang kanilang ipinagdasal na baby girl. Ang kabuuan ng kanilang gender reveal ay mapapanood sa kanilang The Homans YouTube vlog na pinamagatang "Baby Sex Reveal" na in-upload kahapon, Sabado, June 11, 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results