GORGY RULA
Mukhang umeepek ang Comedy Weekend ng GMA-7 dahil mataas ang rating ng comedy shows nito, lalo na ang kanilang mga sitcom.
Okay pa rin ang rating ng Bubble Gang nung Biyernes, June 10, 2022, na naka-6.4%.
Slight na tumaas ang pilot episode ng Pepito Manaloto: Tuluy-Tuloy Ang Kuwento nung nakaraang Sabado, June 11. Naka-10.6% ito, at 1.1% naman ang katapat na My Papa Pi na pilot episode din ng kanilang book three.
Sumunod ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na consistent sa 12.4% rating.
Nung Linggo, June 12, ay naka-4.1% ang All-Out Sundays, at 2.5% ang ASAP Natin ‘To.
Sumunod ang GMA Blockbusters na 3.9%, at lumaban ang FPJ Da King na naka-4%.
Ang Regal Studio Presents ay naka-4.4%, at sumunod ang Amazing Earth na naka-6.3%.
Pagdating sa primetime, naka-11.9% ang 24 Oras Weekend, at 1.7% naman ang TV Patrol Weekend.
Medyo tumaas ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.5%, bongga pa rin ang Happy ToGetHer na naka-13.4%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay naka-16%, at sumunod ang The Boobay and Tekla Show na kahit late na pumasok ay naka-4.6% pa.
JERRY OLEA
Paulit-ulit ko nang nasabi… waging-wagi ang GMA-7 sa TV ratings lalo na kung weekends, at kung hapon sa weekdays.
Lumalaban kahit paano ay ang mga Kapamilya primetime series na palabas sa TV5 at iba pang platforms mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi.
Nababanaagan na natin ang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Hulyo.
Si Lorna Tolentino na gumaganap bilang Lily, napagod nang lubos sa maaaksyong eksena rito. Kaya ayaw na ni Lorna na mag-aksyon sa susunod na TV series. Sa drama series na lang siya.
Naulinigan nating nag-aanyaya ang produksiyon ng FPJ’s Ang Probinsyano ng major stars para sa kanilang finale. Abangan natin ito!

Ipapalit ba sa FPJ’s Ang Probinsyano ang fantaseryeng Darna ni Jane de Leon? Siyempre, excited dito ang mga kakampink.
Magtatapos na rin ang The Broken Marriage Vow, na tila ini-stretch ang episodes at panay-panay ang flashback scenes.
Nag-iingay na ang Pinoy adaptation ng Flower of Evil, kung saan pumalit si JC de Vera kay Kit Thompson.
Three weeks na rin lang sa ere ang First Lady ni Sanya Lopez, samantalang ikinakasa na ang pag-ere ng Lolong ni Ruru Madrid.
Kailan naman kaya ang Voltes V Legacy? Mauuna pa ba ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters?
NOEL FERRER
Maganda ang magiging TV landscape with Darna and Lolong coming!
Sana, marami pang parating na mga palabas na hindi lang banggaan ng mga Korean franchise kundi mga original material din.
What’s this I hear, meron ding nilulutong may pagka-historical na materyal. Maganda iyan para maibalik ang kahalagahan ng katotohanan sa kasaysayan!!!
Ang exciting din ngayon, it is the project that makes the stars and not otherwise. Mahalaga pa rin ang premium sa mga artista pero nakita na natin na mas binibigyang-pansin na ang materyal.
Kapag ganoon, panalo tayong lahat na audience!!!
