PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis remembers the late Rudy Fernandez and Douglas Quijano

Lolit on Douglas: ""Alam niyang irita ako sa mga gaka, ine-entertain niya!"
by PEP Troika
Published Jun 15, 2022
Lolit Solis, Rudy Fernandez, Douglas Quijano
Lolit Solis (left) on Rudy Fernandez (center): "Alam niyang irita ako sa mga gaka, ine-entertain niya! 'Hoy! Tsu-tsu-tsu-tsu, mga gatecrasher iyan!' 'Naku, hayaan mo na…' Napatunayan ko na talagang mabait siya."
PHOTO/S: Jerry Olea / CTTO

JERRY OLEA

Nalulungkot si Manay Lolit Solis tuwing ikalawang linggo ng Hunyo.

Hunyo 7, 2008 pumanaw ang alaga niyang si Rudy Fernandez dahil sa kanser.

Hunyo 13, 2009 naman namatay ang best friend niyang si Douglas Quijano, na isa ring talent manager at kasabayan niya sa showbiz.

"Sad month ko ang June," sabi ng 75-anyos na si Nay Lolit nang makatsikahan ko nitong Hunyo 14, 2022, Martes ng hapon, sa SuperSam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

"E, pag ganitong edad ka na, nilu-look back mo yung kagagahan mo nung bata ka pa.

"Naalala ko nung nag-uumpisa pa lang kami ni Douglas sa showbiz, wala kaming pera pareho, wala kaming pamasahe. Mula Avenida, lalakad kami. Ang gusto niya, ihahatid ko siya sa bahay niya sa Sta. Mesa.

"Tapos, mag-isa akong maglalakad pabalik sa Lardizabal sa Sampaloc!

"Sabi ko, 'Di ba, Douglas, dapat pagdating natin sa Legarda, split na tayo?'

"'Hindi, 'no?! Dapat hatid mo 'ko!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gagawin ni Douglas, kukuwentuhan ako nang kukuwentuhan hanggang makarating sa bahay niya. Tapos ayun, akong si gaga, mag-isa nang maglalakad pauwi."

Nami-miss ni ‘Nay Lolit ang kabaitan at pangungulit sa kanya ni Rudy, na kilala rin sa palayaw na Daboy.

Napabuntong-hininga si ‘Nay Lolit, "Iyang si Daboy ang artistang madaling makatanda ng mga name.

"Tapos, kagalit ko si Anthony Solis at yung mga gaka [gatecrasher]… tapos, ini-entertain niya!

"Alam niyang irita ako sa mga gaka, ine-entertain niya! 'Hoy! Tsu-tsu-tsu-tsu, mga gatecrasher iyan!' 'Naku, hayaan mo na…'

"Napatunayan ko na talagang mabait siya. Yung mga gaka na pumapasok sa presscon, sumusugod, pinababayaan niya.

"Isa pang ikinaiirita ko sa kanya, minsan, every minute, tumatawag siya. Tumatawag, nangungulit. Walang respeto sa telepono. Tawag nang tawag! Kahit anong oras!!!"

At ngayon, iyon ang nami-miss niya kay Daboy.

Teka, nakatanggap na ba siya ng imbitasyon sa GMA Thanksgiving Gala para sa 72nd anniversary nito na gaganapin sa Hulyo 30, 2022 sa Shangri-La The Fort?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tumikwas ang kilay ni 'Nay Lolit, "Hindi! Ayaw nila! Ikinahihiya ako ng GMA! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Hindi naman siguro siya ipinatanggal ng kampo ng isang aktres sa listahan ng mga imbitado, ‘no?!

"Lagot siya sa akin! Sasabunutan ko siya oras na malaman ko na pina-cancel niya ako! Ha! Ha! Ha! Ha!" mataginting na halakhak ni ‘Nay Lolit.

NOEL FERRER

Nakaka-miss si Tito Douglas. Marami siyang itinuro sa atin sa pamamagitan ng pagpapakita ng maganda at masayang halimbawa ng kahusayan at mabuting pakikipagkapwa-tao.

Si Daboy naman, yung quiet but effective leadership niya ng Actors’ Guild ang tumatak sa akin. Yung siya ang tagapamagitan dahil isa siyang napakabuting tao.

Ganun talaga yun, sa huli, maaalala ka sa maganda mong ambag sa industriya at mabuti mong pakikipagkapwa-tao.

Nakakasenti lang maalala ang mga taong nauna na sa atin. Sana, patuloy nila tayong gabayan!

GORGY RULA

Ilang taon nang lumipas nang pumanaw sina Kuya Rudy at Tito Dougs, hanggang ngayon ay nami-miss pa rin kasi ni Manay Lolit ang tawag nila sa telepono tuwing umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Tito Dougs ang regular talagang katsikahan ni Nay Lolit, at si Kuya Rudy naman ay para makitsismis lang.

Bukod pa riyan, tanging si Kuya Rudy ang nakakapag-prank kay Manay Lolit at lagi niya itong pinagtitripan noon. Ang hilig pa raw ni Kuya Rudy na intrigahin ang kanyang manager na hindi naman napipikon.

Kilalang-kilala na ni Tito Dougs si Manay Lolit, kaya hindi raw niya kayang magsinungaling sa kanyang best friend. Hanggang ngayon ay dala-dala pa ni Manay Lolit ang mga natutunan niya kay Tito Dougs.

Ang ibang taga-showbiz na malapit din kay Tito Dougs ay hindi raw nila kayang mairita kay Manay Lolit dahil alam nila ang closeness ng dalawa. Alang-alang kay Tito Dougs, pinapalampas na lang nila ang kalokahan ni Manay Lolit.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis (left) on Rudy Fernandez (center): "Alam niyang irita ako sa mga gaka, ine-entertain niya! 'Hoy! Tsu-tsu-tsu-tsu, mga gatecrasher iyan!' 'Naku, hayaan mo na…' Napatunayan ko na talagang mabait siya."
PHOTO/S: Jerry Olea / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results