JERRY OLEA
Halatang lumaki ang boobs ng isang singer-actress na tampok sa isang event noong nakaraang weekend.
“Mukha na talaga siyang buntis,” sabi ng kaibigan naming nakapanood sa performance ng mahusay na singer-actress.
Nagdiyeta at nag-workout kamakailan ang mahusay na singer-actress para sa isang pelikula. Pero matapos ang shooting niyon, obvious na nadagdagan muli ang kanyang timbang, hanggang sa lumutang ang bali-balitang nagdadalantao siya courtesy of her non-showbiz boyfriend.
Handa ang mahusay na singer-actress na aminin ang kanyang kalagayan. Batid iyon ng mga malalapit niyang kaibigan, maging ng mga bossing sa kanyang TV network.
Ibang-iba ang panuntunan ni mahusay na singer-actress kumpara sa isang maalindog na aktres, na inililihim ang iniluwal na supling maging ang pagmamahalan nila ng isang kilalang personalidad.
Angkop na angkop sa maalindog na aktres ang pamagat ng kanyang TV program!
NOEL FERRER
MAGALING na aktres? Saan sila magaling? Baka sa pagbuo ng supling? At baka sa paglilihim?
While lagi nating sinasabi na every child is a blessing, sana’y may matutunan ang mga artistang ito na unahin muna ang pagpapakamagaling sa sining kaysa sa paggiling-giling!
GORGY RULA
Naku, Sir Noel! Kung ikumpara naman itong singer-actress kay maalindog na aktres, mas may talent naman ang una.
Masuwerte lang itong si maalindog na aktres na nabigyan ng magandang break, at nandiyan ang suporta ng karelasyong kilalang personalidad.
Saka mas gusto ko ang attitude ni singer-actress dahil hindi niya kayang magkunwari. Ilalabas at ilalabas niya talaga kung ano ang totoo.
Kaya abangan na lang natin kung kailan niya aaminin sa publiko ang tunay niyang kalagayan. May narinig kasi kaming baka i-announce na niya next week ang buong katotohanan.
Kung true itong kalagayan niya ngayon, baka ipakilala na rin daw niya ang non-showbiz na karelasyon. Tingin ko, suportado siya rito ng dating ka-love team na napakabait naman.
Isa kaya si dating ka-love team sa kukuning ninong pagdating ng baby?
Huwag na natin pangunahan. Hintayin na lang natin kung ano talaga ang totoo!
