GORGY RULA
“Fake news!”
Ito ang reaksiyon ng ilang taga-Kapuso network nang ipinorward ko sa kanila ang artcard ng The Voice Kids na may logo na ng GMA-7.
Ikinagulat nila ang kuwentong ito gayung wala pa namang official announcement mula sa GMA Network.
Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, nasa GMA-7 na raw ang franchise ng The Voice. Karamihan sa mga napagtanungan namin ay hindi na sumagot.
May ilang nagsabing matagal na raw nila itong narinig pero wala pa silang alam kung tuloy na at kung anong unit ang magpu-produce nito. Wala pa raw silang alam kung meron na bang production staff na hahawak nito.
Pero ang ikinaloka nila, meron nang lumabas na si Xian Lim daw ang maghu-host ng The Voice Kids at mananatiling mentor pa rin si Bamboo… at may Sarah Geronimo pa!
Sa totoo lang, maganda ang lineup ng mentors kung matutuloy ang dalawa at dagdag pa sina Julie Anne San Jose at Pops Fernandez.
Pero wala pa raw talaga at hindi nila alam kung saan ito nanggaling. Mga fans daw ang gumawa ng artcard na kumalat sa social media.
Ang latest lang na nasagap ng PEP Troika, si Xian daw talaga ang gusto nilang mag-host nito. Sinabi naman ni Xian nung bagong lipat pa siya sa Kapuso network na gusto sana niyang subukan din ang hosting sa GMA-7.
Medyo haba-habaan na lang natin ang pasensya at lalabas din ang official announcement kapag na-finalize na ang lahat.
JERRY OLEA
Four weeks lang sa ere yung unang serye ni Xian bilang Kapuso, ang False Positive with Glaiza de Castro.
Nag-finale ito noong Mayo 27, 2022.
Setyembre last year natigil ang lock-in taping ng seryeng Love. Die. Repeat nila ni Jennylyn Mercado, at wala pa tayong balita kung kailan ba talaga ito itutuloy.
Anong petsa na?! Andami nang ginagawa ni Dingdong Dantes kaya logical na kay Xian ipagkatiwala ang pagho-host ng The Voice Kids, just in case.
NOEL FERRER
I don’t think si Xian Lim ang magho-host nito.
No offense meant but feeling ko at nararapat lang na si Dingdong Dantes ang mag-host nito. Aside from he is doing well as Family Feud host, si Dingdong ang tunay na tatay na mas gamay ang pakikitungo sa mga bata.
Besides, he is a guaranteed bankable artist ng GMA-7 kaya he is really up for this challenging task. Wanna bet?!
