NOEL FERRER
The call time of the National Artists and their three to five guests, with the required RT-PCR test and antigen test on the day itself, sa Malacañang nitong Hunyo 16, 2022, Huwebes, ay 1:00 p.m.
Siyempre, hinahanap ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa conferment ceremony, pero hindi siya nakadalo as per doctor’s orders. Siya ay kinatawan ng mga anak na sina Ian, Matet, Kenneth, at Kiko.
Isang icon ng Film and Broadcast Arts ang pinarangalan posthumously—ang teacher kong si Marilou Diaz-Abaya na kinatawan ng anak niyang si Marc Abaya.
Si Marilou ay binawian ng buhay noong 2012 dahil sa stage four breast cancer.
Pinagpugayan din bilang National Artists sina Agnes Locsin (dance), Salvacion Lim-Higgins (represented by her son Mark), Gemino Abad, Fides Cuyugan-Asensio, and Antonio “Tony” Mabesa (represented by his cousin Ma’am Oca).
Ang aming guro na si Ricky Lee, na binigyan ng gawad para sa Film and Broadcast Arts, ang nagbigay ng mensahe sa ngalan ng mga pinarangalan.
Aniya, "Gusto naming ialay ito sa ating mga kababayang patuloy na tumatangkilik at nagsisilbing inspirasyon sa amin at sa lahat ng mga artista upang lalo pa naming pagbutihin ang paglilingkod sa sining ngayon at maski sa anong panahon, sa kapakanan ng tao at higit sa lahat, sa katotohanan."

Light moment sa pagtitipon ang napansin ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang tattoo ni Nicole Laurel Asensio, singer na apo ni Fides. Tinanong ni Digong si Nicole kung saan nito ipinagawa iyon. Nagbiro si Digong na gusto nitong magkaroon din ng ganoong tattoo.
Pagkatapos ng seremonya ng paggawad ng karangalan sa Malacañang, magkakaroon ng tribute sa mga National Artist sa CCP sa June 29, 2022.
GORGY RULA
Sayang at hindi personal na natanggap ni Ate Guy ang paggawad bilang National Artist. Pero nakakapag-alala rin dahil matagal-tagal nang hindi nakikita ang original Superstar, at wala tayong balita kung meron siyang ginagawa sa ngayon.
Gaano kaya kalubha ang karamdaman niya para hindi siya payagan ng doktor na lumabas?
Kinukulit namin ang ilang taong malapit sa premyadong aktres, pero wala pa rin silang sagot. Sana pumuwede na si Nora sa gagawing tribute sa kanila sa CCP.
Samantala, ang GMA-7 ang isa sa masaya sa iginawad na parangal kay Sir Ricky Lee. Kaagad nila itong binati pagkatapos in-announce ang talaan ng National Artists.
Si Sir Ricky ang Content Development consultant ng karamihan ng prime-time series ng GMA Telebabad kagaya ng First Lady at Bolera na consistent na mataas ang rating.
JERRY OLEA
Kapansin-pansin din ang absence ni Lotlot de Leon. Hindi niya sinamahan ang mga kapatid. Nakakapag-alala ang kalagayan ni Nora sa ngayon.
Nawa’y malagpasan niya ang panibagong pagsubok sa kanyang kalusugan.
Mensahe ni Ian de Leon, "Unang-una, congratulations to our mom for bagging the National Artist recognition.
"And of course, sa mga supporters po, sa mga taong nagmamahal talaga kay Mommy, walang kasawa-sawang pagsuporta, walang kasawa-sawang pag-iintindi, pagmamalasakit, pagmamahal…
"On our mom’s behalf, we are very grateful na hanggang ngayon, nandiyan pa rin po kayo. Grabe talaga! It’s a really, really wonderful blessing. This day is given to us by our Good Lord.
"And again, sa mga supporters, sa mga nagmamahal sa mommy namin, thank you po and God bless us all. God bless us all.
"Again, Ma, congratulations! Mahal na mahal ka namin. We will always be here to support you! And makakaasa po kayo sa amin."
Dagdag ni Matet de Leon, "Deretso na kaming magde-deliver kay Mommy ngayon ng kanyang plaque. Sa mga fans, sobrang salamat po sa inyo sa pagmamahal po ninyo sa mommy namin na walang katapusan.
"Thank you, thank you so much po sa inyo. Mahal po namin kayo."
MARC ABAYA ON MOM MARILOU DIAZ-ABAYA
Para sa National Artist na si Marilou Diaz-Abaya, ang anak niyang si Marc ay inalala ang dedikasyon ng namayapang direktor sa trabaho nito.
"Mom would say, ‘Forget about the award and work again! Keep on working!’
"If you guys are interested, her works are available. Because of ABS-CBN and Star Cinema, they were able to restore some of her films like Moral and Karnal.
"So, I invite you all to check them out, and to see and understand what my mom is all about.
"Like I said at the beginning of this, mom would say, 'Accept the award, smile, and then tell more stories!’"

RICKY LEE
Nagpasalamat naman si Ricky sa mga taong naniwala sa malaking ambag niya sa paggawa ng dekalidad na mga pelikula.
"Siyempre, sobrang pasasalamat sa lahat ng tumulong, nagpuyat, nagpakabaliw, nataranta para gawin ito para sa akin.
"Nakausap ko nga yung isa sa Board of Trustees kanina, ako daw ang pinakamaraming sinabmit na dokumento. Nalula sila sa dami.
"Sabi ko, 'Trabaho yun nung mga tumutulong sa akin, sumusuporta at mga kaibigan."
Inaasam ni Ricky na maparangalan din ang iba pang talentadong artists.
"Sana! Andami-daming artists, di ba, na may karapatan, worthy na maparangalan!” bulalas ng multi-awarded writer.
"And maybe yung iba sa kanila, mas worthy pa kesa sa akin. So, andami-dami nila. And kung minsan, yun na lang appreciation ang nakukuha nila. Kasi, ang hirap ng buhay na maging isang artist.
"And they’re so generous. Ibinibigay nila ang buong puso at isipan nila at kaluluwa sa atin. Dine-drain nila ang sarili nila.
"So, we can be generous also sa kanila. Yun man lang, maski na yung karangalan.
"Of course, maganda yung material na bagay na ibinibigay. Pero yung karangalang maibibigay sa kanila, sana’y maibigay sa kanila long bago sila mamatay! Para ma-enjoy nila yung appreciation ng mga tao.
"It’s not really per se the karangalan, but the meaning of the karangalan. Na ibig sabihin, ina-appreciate ng sambayanan, ng mga tao, ang kanilang ginagawa."
