PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gandarang aktres pinapili si hunk aktor: ako o si yayamaning bading?

Love triangle ito!
by PEP Troika
Published Jun 18, 2022
Blind item, actress, actor, action star
Pinadalhan si gandarang aktres ng mga resibo ng matatamis na pinagsaluhan ng boyfriend niyang hunk actor at ng isang yayamaning bading,

JERRY OLEA

“Heaven has no rage like love to hatred turned, nor hell a fury like a woman scorned.”

Linya iyan sa dulang The Mourning Bride (1697) ng English playwright na si William Congreve.

Relate na relate diyan ang yayamaning bading na nahumaling sa kakisigan ng isang hunk actor.

‘Tsura ni Laura Monteverde (karakter ni Alona Alegre) sa pelikulang Hawakan Mo at Pigilan ang Kahapon (1984) o ni Rosita Monteverde (karakter ni Lorna Tolentino) sa pelikulang Maging Akin Ka Lamang (1987)!

Generous ang yayamaning bading at kung anu-ano ang iniregalo sa hunk actor. Meron pa silang friendship ring na mamah, hindi mumur.

Pa-girl ang fantasia ng yayamaning bading, na kesyo sinusuyo siya ng dakilang mangingibig. Ito naman kasing hunk actor ay sinasakyan ang kahibangan ng yayamaning bading, at nakikipagharutan dito kahit sa liwanag at may mga saksi.

Gumuho ang ilusyon ng yayamaning bading nang mapabalitang nagkakamabutihan na ang hunk actor at ang gandarang aktres na kayumangging kaligatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang pinagsakluban ng langit at impyerno ang damdamin ng yayamaning bading, lalo nang tinalakan siya ng gandarang aktres.

Nalamuyot nang lubos ang lalamunan at balun-balunan ni yayamaning bading kaya ipinadala niya sa gandarang aktres ang mga resibo ng matatamis na pinagsaluhan nila ng hunk actor.

Natigalgal ang gandarang aktres. Muntik nang bumaliktad ang kanyang bituka. Pinapili niya ang hunk actor dahil ayaw niya na may kahati.

Iwinaksi ng hunk actor ang isinisigaw ng kanyang utak. Pinili niya kung sino ang lubos na nakakapagpaligaya sa kanya, ang dilag na sadyang mahalimuyak.

Nawindang ang yayamaning bading. Sing-and-dance siya ng “Laban-laban, bawi-bawi” a la Sexbomb Dancer. Isinauli ni hunk actor ang friendship ring at iba pang regalo ni yayamaning bading.

Patuloy na nagpuyos ang kalooban ng yayamaning bading, at hindi maatim na siya’y sawi habang ibinabando ng magsing-irog ang wagas nilang pagsinta.

Nagbulay-bulay ang yayamaning bading at tinimbang na mabuti ang susunod na hakbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang tumatagal ay nagnanaknak lalo ang sugat sa kanyang puso, kaya nagpasya si yayamaning bading na magdamay-damay sila sa lumbay at siphayo.

Itinaya ng yayamaning bading ang kanyang kahihiyan. Di bale nang matupok ang puson niyang marupok, basta mawarat ang pag-iibigan ng hunk actor at gandarang aktres.

Masaklap ang inani ng yayamaning bading, pagka’t ayaw ng gandarang aktres na magmukhang talunan.

Pinagtakpan ng gandarang aktres ang kahinaan ng hunk actor. Nagsalo ang hunk actor at gandarang aktres sa malinamnam na hapunan, at nagbunyi sa alak na pula.

Pula ang kulay ng ngitngit at paghihimagsik, pero ito rin ang kulay ng pag-ibig.

NOEL FERRER

Ipaglaban ang pag-ibig. Lawakan ang pang-unawa.

Bakit kaya hindi tumulad o makinig sa payo ng isa pang nagmamahal sa aktor itong si yayamaning bading? Tahimik lang, nasa background, cool, ayaw ng iskandalo. Ang paniniwala ng kaibigan ng Troika na nagmamalasakit sa hunk actor lalo na sa career nito—dadaan ang iba’t ibang bilat, pero ang pagtitinginan nila ay mananatili. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Sa totoo lang, naaawa ang ilang kabadingang sumusuporta kay hunk actor dahil basta-basta na lang siya binabawian ng mga baklitang ito na kaagad niyang ibinabalik para matapos na at hindi na lumala ang gulo.

May isang mahabaging bading na wagas at walang halong kahayukan sa laman ang pagtulong at pagmamahal niya kay hunk actor.

Tinalakan niya si hunk actor na bakit pumayag siyang isauli ang mga iniregalo ni yayamaning bading? Bakit hindi raw niya gamitin ang linya ng boylet sa dyowang bading sa programa ni Senator Raffy Tulfo na, “Ibalik mo rin t-m-d ko!”

Mabait kasi si hunk actor, na hindi abuso sa paghingi kay yayamaning bading. Buong-puso namang iniregalo sa kanya, kaya tinanggap niya.

Kaya kahit ganun ang ginawa sa kanya nitong yayamaning bading, meron pa ring patuloy na sumusuporta sa kanya at ipinaglalaban pa ni gandarang aktres ang kanilang pag-iibigan.

Ito na lang ang pinanghahawakan ni hunk actor, ang pagmamahal ni gandarang aktres, pati ang mahabaging bading na patuloy na sumusuporta sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya lang, minsan ay narinig ko kay mahabaging bading na tinatawag niya si gandarang aktres na "Linty Amor."

Tanong ko kay mahabaging bading: bakit?

"Parang linta kung makakunyapit kay hunk actor!” tili ni mahabaging bading.

“Hindi kaya parang linta ang kapit ng pag-ibig niya kay hunk actor?”

Inirapan na lang ako ni mahabaging bading!

Read Next
Read More Stories About
blind item, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinadalhan si gandarang aktres ng mga resibo ng matatamis na pinagsaluhan ng boyfriend niyang hunk actor at ng isang yayamaning bading,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results