PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez on Ruffa Gutierrez after MFF 1994 scam

Aiko Melendez, hindi naisip na idemanda si Lolit Solis.
by PEP Troika
Published Jun 22, 2022
Aiko Melendez, Ruffa Gutierrez
Aiko Melendez (left) on Ruffa Gutierrez: "Wala namang nagbago sa amin ni Ruffa. Magkumare kami. Ninang siya siya ni Marthena and ninang ako ni Lorin. We still talk when we can."
PHOTO/S: @aikomelendez / @iloveruffag Instagram

JERRY OLEA

Ngayong Hunyo 22, 2022, Miyerkules, ang ika-28 anibersaryo ng 1994 Manila Film Festival (MFF) scam.

Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz

Sa awards night na ginanap sa Ramada Hotel, ipinagsigawan ng presenter na si Miss Mauritius Viveka Babajee na ang winner sa kategoryang best actress ay si Ruffa Gutierrez para sa pelikulang Loretta.

Noong gabi ring iyon ay nilinaw ni Mayor Alfredo Lim na ang totoong best actress ay si Aiko Melendez para sa Maalaala Mo Kaya: The Movie.

Ka-contemporary ni Aiko sina Ruffa at Carmina Villarroel bilang Regal Babies noong late ‘80s. Magkaibigan sila mula noon hanggang ngayon.

"Wala namang nagbago sa amin ni Ruffa. Magkumare kami," pahayag ni Aiko nitong Hunyo 22, 2022, Miyerkules ng umaga, via Messenger.

"Ninang siya ni Marthena and ninang ako ni Lorin. We still talk when we can. Sayang nga, hindi kami natuloy, magkikita kami dapat.

"Happy ako dahil hindi pinagbago ng panahon at situation ang friendship namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marthena ay supling ni Aiko sa ex-husband niyang si Martin Jickain. Si Lorin ay anak ni Ruffa sa ex-husband niyang si Yilmaz Bektas.

Ang umaming mastermind ng 1994 MMF Scam na si Manay Lolit ay kaibigan ng manager noon ni Aiko na si Douglas Quijano.

Read: Lolit Solis looks back on Manila Film Festival 1994 scam she masterminded

"OK rin kami ni Manay Lolit pag nagkikita kami. I pay my respect sa kanya," saad ni Aiko.

"Kasi, even nung filmfest, yung mga lawyers namin, sabi magsampa ng kaso. Pero ako ang nag-insist nun na di magsampa dahil na rin sa respeto ko kay Manay Lolit.

"And I’m sure she appreciates that. Kasi, kahit ano man ang nangyari, di ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya."

Nagwaging konsehal si Aiko Melendez sa ikalimang distrito ng Quezon City nitong nakaraang halalan. Ang kasintahan niyang si Jay Khonghun ay nanalo namang congressman sa unang distrito ng lalawigan ng Zambales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itutuloy pa ba ni Aiko ang pag-aartista sa TV at pelikula?

"Mag-aartista pa rin ako. Under ako kay Ogie Diaz. May inaayos siyang soap opera sa akin and projects," pagbabalita ng multi-awarded actress.

"Pero dapat, yung project, hindi siya magiging hadlang sa sched ko bilang public servant. Kaya need ng matinding handling ang pag-aayos ng sched.

"Kasi, kailangan ko rin ang pag-aartista to keep me sane."

NOEL FERRER

Maganda ang takbo ng buhay ni Aiko at alam mo na she is in a good place, kasi markado ang mga roles niya sa TV at nanalo rin siya sa politika.

Wagi rin siya sa personal na buhay at maayos ang pakitungo niya sa ama ng inaanak ni Ruffa na si Marthena, na kasama ng tatay nitong si Martin Jickain noong Father’s Day celebration, at present din sa nakaraang birthday nito.

Parang si Nanay Lolit din, in a good place, kaya walang makakatinag sa kanya kahit meron siyang napipitik paminsan-minsan sa social media.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

It seems like everyone from that MMFF scam has rightfully moved on.

GORGY RULA

Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga eksena nung 1994 MFF awards night kung saan sinamahan ko pa noon si Nanette Medved.

Hanggang sa mga hearing ay hindi ko makakalimutan ang mga eksena. Hindi natapos ni Aiko ang unang salang niya sa witness stand dahil hinimatay siya bigla.

Katabi ko pa noon si Mommy Elsie ni Aiko na nataranta nang biglang pinanawan ng ulirat ang kanyang anak. Hindi naman natsismis na buntis si Aiko nung hinimatay siya, dahil ang pinag-uusapang buntis noon ay si Gretchen Barretto.

Halata nang malaki ang tiyan ni Gretchen nang dumadalo ito sa hearing. Hindi siya pinasagot ng kanyang abogado nang diretsahan siyang tinanong ng defense lawyer sa witness stand kung siya ba ay nagdadalantao.

Hindi ko rin makalimutan ang isang tagpo sa hearing kung saan si Ruffa Gutierrez naman ang pinaupo bilang witness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang kasamahan natin sa panulat na pinaalis ng courtroom dahil may dala-dala silang placard na sumusuporta kay Ruffa. Na-reprimand ang entertainment reporter na si Boy Romero dahil bigla siyang nag-cheer kay Ruffa pagtawag dito.

Pati ang inyong lingkod ay tinawag din ng korte para mag-witness sa kasong Obstruction of Justice na isang kasong isinampa kay Manay Lolit. Nagkandautal-utal ako sa pagsagot sa paulit-ulit na tanong ng prosecution.

Hindi ko alam kung nakatulong ang pag-upo ko roon sa pagkaabsuwelto kay Manay Lolit. Nagmistulang show talaga ang courtroom tuwing may hearing. Pero bigla silang tinaob at natahimik ang lahat nang inamin na ni Manay Lolit ang lahat na nangyaring MFF scam.

At bago dumating ang pagbaba ng resolution ay pumayag na siya sa bargaining plea para matapos na ang pagdinig ng kaso.

Nasentensiyahan siyang "guilty" sa kasong estafa, pero hindi siya nakulong dahil nag-file siya ng parole at halos linggu-linggo ay nagri-report siya sa Parole and Probation Administration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami pang nangyari, hanggang sa nabuo ng GMA-7 ang longest-running showbiz-oriented talk show na Startalk.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez (left) on Ruffa Gutierrez: "Wala namang nagbago sa amin ni Ruffa. Magkumare kami. Ninang siya siya ni Marthena and ninang ako ni Lorin. We still talk when we can."
PHOTO/S: @aikomelendez / @iloveruffag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results