PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beaver Magtalas of Star Hunt headlines Genius Teens

Beaver Magtalas: "Dun po ako sa third day nakuha, mga 100 kami dun."
by PEP Troika
Published Jun 23, 2022
Beaver Magtalas, Genius Teens
Showbiz newbie na si Beaver Magtalas, sobrang excited na maipalabas ang debut film niyang Genius Teens: "Nung third day po nag-shortlist…dun po ako sa third day nakuha, mga 100 kami dun," sabi pa niya tungkol sa dinaanan niyang audition process.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Genius Teens poster

GORGY RULA:

Impressive ang trailer ng sci-fi action-fantasy movie na Genius Teens na prinodyus ng Utmost Creatives Films at dinirek ng Italian director na si Paolo Bertola.

Tampok dito ang mga bagong mukha na mga kabataan. Maayos ang pagkagawa ng mga special effects nito. Sana nga, isinumite na lang nila ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sinimulan nila ang pelikula nung 2019, at nagpa-audition sila noon ng mga batang gaganap sa apat na main characters.

Halos 500 na mga bata ang nag-audition at isa sa masuwerteng napili ay ang produkto ng Star Hunt na si Beaver Magtalas, 16, mula sa Nueva Ecija.

Ang Star Hunt ay ang audition caravan ng ABS-CBN na naglalayong magdiskubre ng bagong talents.

"Nung third day po nag-shortlist…dun po ako sa third day nakuha, mga 100 kami dun," kuwento ni Beaver tungkol sa pagsali niya sa Genius Teens.

Nakatsikahan namin siya sa SuperSam restaurant nung nakaraang Sabado, June 18, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thankful si Beaver na napasama siya sa napiling magbida; at nagustuhan niya ang role niya rito bilang si Hopper, ang batang may power sa teleporting.

Pagkatapos ng audition at na-finalize ang buong cast, kaagad sinimulan ang shooting na karamihan ay kinunan sa Nueva Ecija.

Pero natigil ito nang pumasok na ang pandemya nung 2020, at nung 2021 lang sila nag-resume, kaya medyo malaki na ang mga bata.

"Yung hitsura ko nga po is medyo malayo na po sa film. Sabi ko nga po, baka sa premiere night, hindi na nila ako makilala,” dagdag na kuwento ni Beaver.

Ibang experience raw talaga sa kanya itong first movie na nagawa niya, at isang magaling na Italian director pa raw ang nag-handle sa kanila.

"Nung na-experience ko po nakakasama ko ang mga tao, nakita ko po kung gaano sila ka-professional and kabait.

"The effort po that they put into the art, parang super fan po siya para sa akin. Kaya lalo po akong nagkagusto sa art na ‘to," saad ni Beaver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakaroon ng premiere night ang Genius Teens sa darating na Sabado, June 25 sa SM Megamall. Sa KTX ang streaming nito na magsisimula sa July 15.

Genius Teens

HOT STORIES

JERRY OLEA:

Nagsyuting din sa Nueva Ecija ang fantasy adventure na Magikland, na kalahok sa MMFF 2020 (online edition).

At least, kilala natin ang mga bida sa Magikland na sina Miggs Cuaderno at Elijah Alejo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Andami ring kilalang artista na supporting cast members ng Magikland. Andiyan sina Cherie Gil, Mylene Dizon, Jaclyn Jose, Bibeth Orteza, Jun Urbano, Jackielou Blanco, Rowell Santiago, Wilma Doesnt, Agot Isidro, Katrina Halili, Paolo Contis, Adrian Alandy, Gabby Eigenmann, at Ryan Eigenmann.

Itong Genius Teens, kay Beaver Magtalas lang nakasalalay?

Ang special effects at production values ba ng Genius Teens ay malapit-lapit man lang sa Magikland, o kaya sa sandamukal na fantasy movies at series na mapapanood sa Netflix?

May tulog ba ang Stranger Things, Umbrella Academy, Shadow and Bone, The Witcher, o Sweet Tooth sa Genius Teens na iyan?

Sana, i-promote na muna nang lubos si Beaver at co-stars niya para makilala sila, hindi iyong basta na lang ipapalabas ang movie nila gayong hindi pa sila pasok sa kamalayan ng mga manonood.

Syanga pala, ang ama ni Beaver na si Alvin Magtalas ay tumatak kay Tito Gorgy bilang isa sa mga kalahok sa Ginoong Filipinas 1990, ang unang edition ng male beauty pageant na in-organize ni Dr. Lito de la Merced.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Dok Lito nitong Hunyo 23, Huwebes via Messenger, “Si Alvin Magtalas ang nanalong Ginoong Inosente na ang prize ay introducing sa film na Inosente ng Double M Films.

“Ang namayapang film producer na si Mike Miranda mismo ang nag-abot kay Alvin ng tropeo sa PICC Plenary Hall.”

NOEL FERRER:

Magsisimula na ang mga pulong sa pagpili ng mga lahok sa MMFF 2022 bukas sa pangunguna ng ating mahal na si Tita Boots Anson Roa-Rodrigo.

Welcome lahat ng script submission. Pagkatapos ay may finished film submission din.

Sana nga ay maraming magagandang entries for every member of the family dahil inaabangan na naman ang MMFF na siyang magpapasigla ulit sa tumamlay na resulta sa takilya sa mga sinehan.

Sana, sana talaga, makabangon na ulit ang ating mahal na industriya!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie na si Beaver Magtalas, sobrang excited na maipalabas ang debut film niyang Genius Teens: "Nung third day po nag-shortlist…dun po ako sa third day nakuha, mga 100 kami dun," sabi pa niya tungkol sa dinaanan niyang audition process.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Genius Teens poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results