GORGY RULA:
Ilang araw na lang, matatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, at ewan ko kung ano ang masasabi ninyo sa ginamit niyang pangampanya noon na pagsugpo sa droga.
Marami naman ang nagsasabing malaki ang nagawa ng anti-drug campaign niya, dahil ang dami rin namang apektado at nabawasan daw talaga ang problema sa droga lalo na sa mga probinsya.
Pero ngayon ko lang nalaman na isa pala sa apektado ng kampanyang ito ng ating Pangulo ay ang isang magaling at premyadong aktor.
Nakarating pala sa naturang aktor na nasa watch list siya ng PDEA at sobrang natakot siya dahil sa mga nababalitaang natotokhang noon.
Biglang natauhan si magaling at premyadong aktor, napag-isip-isip niyang panahon na ring magbago.
Kaya isinabmit niya ang sarili sa rehab, at matagal-tagal ding hindi siya nakikita.
Ang ilan sa mga nababalitaan nating nanggaling sa rehab ay bumabalik pa rin sa dating bisyo, at parang wala namang nabago.
Pero iba itong kay magaling na aktor dahil ang laki talaga ng ipinagbago niya.
Iyung dating sakit siya ng ulo sa mga taping at shooting, ngayon ay gustung-gusto na siya ng production staff.
Katatapos lang ni aktor ng isang drama series, at pinaghandaan pala siya ng production staff ng programang iyun na baka magkaproblema sila. Ang dami na raw kasi nilang nababalitaan tungkol sa attitude ng naturang aktor.
Nagulat sila na sobrang cooperative nito at hindi talaga sila nagkaproblema.
Kaya tiyak na sunud-sunod ang mga trabahong ibibigay sa kanya, dahil bukod sa walang attitude, napakagaling pang umarte.
At least, may nabago palang buhay itong kontra-droga na kampanya ni Pres. Digong.
Agree po ba kayo, mga ka-Troiks?
READ: Gandarang aktres pinapili si hunk aktor: ako o si yayamaning bading?
JERRY OLEA:
Nainterbyu ko recently ang mahusay na aktor at siya mismo ang nagbanggit na nalulong siya dati sa droga.
May mga nakapagpa-inspire sa kanya upang talikuran ang bisyo, at mahalin nang lubos ang kanyang trabaho.
“I had substance abuse problems when I was, like, in my mid-20s,” pag-amin ng mahusay na aktor.
Para nga raw siyang nawala sa Earth, at matagal bago siya naging ganap na malaya sa droga.
Aminado ang mahusay na aktor na umiinom pa rin siya ng alak, “But I don’t do drugs anymore.”
Hindi lang naman ang mahusay na aktor na ito ang nalulong sa bawal na gamot.
Bago pa naging presidente si Digong ay meron nang mahuhusay na artista ang napariwara sa droga.
Ang iba sa kanila ay kumapit sa Panginoon upang makapagbagong-buhay.
NOEL FERRER:
Naku, dati nang balita ang pagkalulong ng aktor na iyan.
Diyan kaya siya humuhugot ng galing niya sa pag-arte.
Buti, nakaalpas siya sa bisyo at hindi natokhang.
