Mga Balo director Adrienne Vergara may himutok sa online showing ng Virgin Labfest plays

by PEP Troika
Jun 25, 2022
adrienne vergara mga balo
Adrienne Vergara on extrajudicial killings: “Malapit po kami sa Pinyahan, sa Quezon City, sa may Teachers Village. Isang street, may pinatay na balut vendor. Then sa kabila, meron din. Yung ganun, hindi pa tapos ang wake, may pinatay na naman. Grabe po. Grabe po!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Na-enjoy ni Adrienne Vergara ang pagdidirek sa dulang Mga Balo, na akda ni Ma. Cecilia de la Rosa.

Kasama ang Mga Balo sa Set A ng Virgin Labfest 17: Hinga na ipinalabas noong Hunyo 16, 2022, Huwebes, sa Tanghalang Huseng Batute ng Cultural Center of the Philippines, Pasay City.

Naunang idirek ni Adrienne ang dulang Titser Kit ni Jobert Landeza para sa online edition na Virgin Labfest 16: Kapit noong Hunyo 2020. Siyempre, iba na ang experience pag onsite at may live audience.

“Grabe yung ano, iba po yung physical intimacy,” sambit ni Adrienne nang makausap namin noong Huwebes sa CCP.

“Yun yung nawala sa… yun yung parang na-miss namin noong online. Tapos, iba e. Kaya pansinin niyo po, wala kaming projections.

“Lahat, hawak. Pati set, hawak. Pati yung sound, dyine-generate nang physically.”

Nakakapagod para sa tatlong artista na sina Alon Segarra (Manunulat), Pau Benitez (Balo 1), at Skyzx Labastilla (Balo 2) ang pagganap sa dula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Adrienne, “Ha! Ha! Ha! Ha! Parang yung touch, yung human touch, sobrang nag-crave kami.

“Tapos, lalo pa ngayon, ang tema namin, about EJK, mga red-tagging. Masyadong malapit. Masyadong… ano, parang… ramdam na ramdam mo siya.”

Malapit kay Adrienne ang kuwento ng extra-judicial killings.

“Yun pala, yung mga nanay at asawa, andun po sila!” pagtuturo ni Adrienne sa mga babaeng nawalan ng anak o mister dahil sa EJK.

Dagdag ni Adrienne, “Ever since naman po, sumasali-sali po ako sa RESBAK. So yun, malapit sa akin yung advocacy na yun.

“Kasi, walang due process. Yung ganun-ganun na lang. Kahit sa community namin, andami ding patayan.

“Malapit po kami sa Pinyahan, sa Quezon City, sa may Teachers Village. Isang street, may pinatay na balut vendor. Then sa kabila, meron din.

“Yung ganun, hindi pa tapos ang wake, may pinatay na naman. Grabe po. Grabe po!”

Nagwagi si Adrienne na best supporting actress sa 67th FAMAS para sa pelikulang Dog Days (2018). Memorable din ang pagganap niya bilang nars na si Lilibeth sa pelikulang Bliss (2017) na pinagbidahan ni Iza Calzado, sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas enjoy na ba siya sa pagdidirek kesa sa pag-aartista?

“Na-miss ko pong umarte!” bulalas ni Adrienne.

“Kami ni Marco [Viaña, co-festival director], pag nagkakasalubong kami, ‘Ahmmn, perform na tayo!’ ‘Kailan?!’ Ha! Ha! Ha!”

Kasama sa Set A ang Walang Bago Sa Dulang Ito na idinirek nina J. William Herbert Sigmund Go (teacher ni Adrienne sa pagdidirek sa Philippine High School for the Arts) at Tess Jamias (VLF 17 festival co-director).

Ang teacher ni Adrienne sa acting na si Shamaine Centenera-Buencamino ay nanood naman sa TDR (Technical & Dress Rehearsal) ng Mga Balo.

Itatanghal muli ang Set A ng VLF 17 ngayong Hunyo 25, Sabado ng 2:00 p.m. at 7:00 p.m. sa CCP.

Ang online streaming ng 12 one-act plays ng VLF 17 ay nakatakda sa Hunyo 30-Hulyo 10 sa Ticket2Me.

GORGY RULA

Sinusundan ni Adrienne ang mga yapak nina Laurice Guillen at Bela Padilla — mahuhusay na aktres na nagdidirek!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Himutok ni Direk Adrienne sa Facebook nitong Hunyo 24, Biyernes, “Last rehearsals for #MgaBalo before our closing shows this Saturday! (Huhu kasabay ng Pride!)

“Nanghihinayang pa rin ako kasi opening shows ang ire-release online. E usually mage-evolve at magi-improve pa yan 3rd or 4th show (nangangapa pa sa unang shows)

“sayaaaaaang! Sana nag-allot pa mga 2 weeks after last show bago mag online like last 2020 para makapamili ng best show na iimmortalize huhu.

“Oh wellz! Happy naman may new discoveries pa ring umusbong sa rehearsals. May onting tinweak at tinest din and it all made much more sense waaah!

“Yun ang kagandahan sa cheter no? Dahil sa 'live-ness' at pagiging 'present' niya, nago-grow constantly yung work. Kaya andun pa rin yung kaba/excitement sa unpredictability ng each performance. May life siya on its own, ang ganda.”

Nag-throwback si Adrienne sa pagtatrabaho niya before sa HK Disneyland.

Aniya, “Sa Disneyland dati sinabihan kami na may mga tao na once lang makakapanood ng show (hindi lahat afford bumalik or minsan pategibamz na sila last moments of their lives na nakakabisita sa Disneyland). Kaya treat each show as the best.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tama naman and super agree here. Pero yung show kasi namin dun 4 months everyday namin nirehearse plus 1st day of rehearsals, nakaready na set, lights, music, choreo, videos, kami na lang kulang talaga.

“De numero rin onstage para consistent sa lahat ng shows (very kapitalista rin in a way hahaha, finished product na). Plakado na lahat pati makeup.

“Once mag-open, bawal na magdagdag or mag-change or else irereport sa office (kilala na sino lagi pinapatawag sa office wahahaha). May nakakalusot pa rin pero super minor changes di mo mahahalata unless frequent watcher ka…”

Iba ang sitwasyon ng HK Disneyland sa theater industry ng Pilipinas.

Dagdag ni Adrienne, “Aside from sold out agad mga tickets ng VLF, hindi rin naman lahat e afford manood nang paulit-ulit at dumayo ng CCP.

“Nagmahalan pa lahat ngayon, pahirapan sa pag commute at yes may pandemya pa. Super gets (kahit ako walang pambili ng ticket din now). And yaaaasss sobrang naging malaki rin contribution ng audience sa opening shows ha. Noted ang lahat ng ito!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya super happy sa VLF bilang laboratory festival siya. Para talaga kaming mga mad scientists lahat na nageexperiment.

“Para kang dumaan sa isang corridor tapos per lab room iba-iba test results hahaha! Yung iba smooth-sailing umaayon lahat, yung iba naaksidente pa pero fluke ang lumabas, totally different pero bongga ng kinalabasan, yung iba sumasabog yung room wahahaha! Ang sayaaaa!

“May room to fail, may room to bloom. May nagaaway pero mas maraming lumalalim na samahan. Kaya personally yung performances treated as works-in-progress pa rin talaga. Kaya hmm treat each show as your best (mapa-2nd show or last) pero make room pa rin to grow?

“Wahahaha nahilo na rin ako hahahaha! Nagmonologue na naman miss na ring umarte char hahahaha!

“Di pa ako nasesepanx ha. Mga bukas pa siguro or next week magsisink-in hahahaha!”

NOEL FERRER

I’m watching Adrienne’s play today! Hahabulin ko talaga bilang suporta dito sa magaling kong artistang ito na isang ganap na direk na rin sa teatro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Balita ko, manonood din si Direk Jerrold Tarog mamaya, kaya exciting!

Hinihintay ko ring maipalabas na ang launching film ni Adrienne (Yenyen ang tawag namin) sa Regal Films sa direksiyon ni Direk Joey Reyes.

Pagkatapos ng Virgjn LabFest, nililimi ni YenYen kung ano ang susunod na hakbang nila ng sinta niyang si Sig Pecho na isang magaling ding theater director.

Ako, sana may magandang acting project ulit kung saan magtatatak ulit si YenYen , di ba, Ate Judith?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Adrienne Vergara on extrajudicial killings: “Malapit po kami sa Pinyahan, sa Quezon City, sa may Teachers Village. Isang street, may pinatay na balut vendor. Then sa kabila, meron din. Yung ganun, hindi pa tapos ang wake, may pinatay na naman. Grabe po. Grabe po!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results