Lani Mercado at Richard Gomez, isinusulong ang rabbit farming

Lasang chicken, walang cholesterol at sagana sa protein
by PEP Troika
Jul 3, 2022
Richard Gomez
Sina Ormoc Rep. Richard Gomez (photo) at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ang ilan lamang sa mga sumusuporta sa pagtaguyod ng rabbit farming bilang lehitimong livelihood project at sagot na rin sa krisis dulot ng pagtaas ng gasolina at mga bilihin.

GORGY RULA

Maraming netizens ang naka-relate sa tweet ni Mylene Dizon na mahigit P4,000 ang ibinayad niya sa gasoline sa kanyang kotse. Ang caption nito, “Ayoko na.”

Kahit napapabalitang magkakaroon ng rollback sa susunod na linggo, mataas pa rin ang gasolina lalo na ang mga bilihin. Kaya ramdam na ramdam na talaga ang hirap ng buhay.

Napag-usapan namin ito sa programa namin sa DZRH nang nakapanayam namin ang Congresswoman ngayon ng district 2 ng Cavite na si Lani Mercado-Revilla.

Rep. Lani Mercado-Revilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla

Kaya bago siya bumaba bilang alkalde ng Bacoor, gusto niyang ituloy ang isang livelihood na sisimulan nila, itong rabbit farming.

Itong rabbit farming daw ang isa sa napag-usapan sa Urban and Ornamental Exhibit nung ipinagdiwang nila ang 10th anniversary ng Cityhood ng Bacoor.

Nakita raw niyang puwede talagang simulan na ang rabbit farming dahil masarap daw ang karne nito at healthy pa ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasama po doon ang tinatawag namin yung pagri-raise ng rabbit as part sa ating pagluluto.

“Puwede tayong mag-raise sa backyard natin. Puwedeng padamihin, mabilis silang mag-produce, e,” pakli ni Cong. Lani.

“Natikman ko ang meat ng rabbit, para siyang manok at saka good source of protein siya at saka walang cholesterol ito. Although, ang cute ng mga rabbit.

“So, tina-try na po namin ang rabbit farming. Dun sa exhibit, pina-try nila sa akin ang rabbit sisig, at pina-try din sa akin ang piniritong meat ng rabbit, saka may gulay. Masarap siya, ha?

“'Tapos, meron pa silang tindang rabbit longganisa at rabbit hotdog. Interesting ito. Sabi ko, ‘Okay ito, ha?’

“Parang magandang livelihood ang pagri-raise ng rabbit. Saka may demand pa ito sa mga Muslim borthers and sisters po natin. Kasi, di ba, hindi sila kumakain ng baboy?

“Madali pang alagaan, at ang kinakain nila, damo lang at saka dayami. Mas okay daw na damo at dayami ang pinapakain sa mga rabbit, e. Very interesting, ito,” dagdag na pahayag ni Cong. Lani Mercado-Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Itong rabbit farming ay ginagawa na pala sa Ormoc City. Naikuwento sa amin ni Cong. Richard Gomez na sinimulan na rin nila sa Ormoc ang rabbit farming.

Ormoc Rep. Richard Gomez

“Kami, ginagawa na namin sa Ormoc yung rabbit farming. In fact, the reason why I have rabbits, I tried rabbit meat, masarap,” bulalas ni Cong. Goma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron nga raw siyang alagang siyam na rabbit sa kanilang bahay at nabanggit daw niya kay Mayor Lucy na susubukan niyang magluto ng rabbit.

“Nung nag-alaga ako ng rabbit… I am going to cook the rabbit. Nung nakita niya [Lucy], 'Huwag mo nang galawin, kawawa naman,'" natatawang kuwento ni Cong. Goma.

Pati sa Nueva Ecija, nagiging uso na rin ang rabbit farming. Ganyan na talaga… kailangang maghanap ng ibang means para mag-survive ang ating mga kababayan.

JERRY OLEA

Noong 2016 ang inauguration ni Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City.

Ginanap iyon sa Ormoc City Astrodome, kung saan noong Hunyo 28, Martes ay ginanap din ang inauguration ni Goma bilang congressman ng ikaapat na distrito ng Leyte, kasabay ang inauguration ng asawa niyang si Lucy Torres-Gomez bilang bagong mayor ng Ormoc.

Six years ago ay inilatag doon ni Goma ang kanyang 10-point priority agenda para sa Ormocanons.

Ipinangako ni Goma sa kanyang constituents, “I will restore the peace and order of our city. To strive hard to make in progressive, and to make our people safe and happy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinulong ni Goma ang mga patakaran at proyekto para sa peace and order, agriculture productivity, food production and fisheries, health, santiation and social welfare.

Kabilang din diyan ang education, trade and investments, good governance, revenue generation, environmental preservation, tourism, and traffic management.

Pagbabalik-tanaw ni Cong. Goma sa kanyang talumpati, “With the restoration of peace and order, progress came easy for Ormoc City. Malls opened up, one after the other in 2017.

“Ormocanons were happy to see the fast-paced progress, and employment was very high in our city.”

Ipinagmalaki ni Goma ang kanyang accomplishments sa iba’t ibang larangan. Tinupad niya ang kanyang mga pangako.

Sabi pa ni Cong. Goma, “Our Agriculture office stepped up to the challenge of making Ormoc food-secure.

“And this was very apparent during Covid-time when we were able to produce our meat and vegetables to our people inspite of border controls, and the distortion of the food supply chains.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipagpapatuloy siyempre ni Mayor Lucy ang mga nasimulan ni Cong. Goma sa Ormoc, at ile-level up pa.

Dagdag ni Cong. Goma, “If you ask me if I have been able to do what I promised you in 2016, I will tell you honestly that yes, I did, but there are still so many things that need to be done.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Ormoc Rep. Richard Gomez (photo) at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ang ilan lamang sa mga sumusuporta sa pagtaguyod ng rabbit farming bilang lehitimong livelihood project at sagot na rin sa krisis dulot ng pagtaas ng gasolina at mga bilihin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results