JERRY OLEA
Heartwarming ang Facebook message ni Danzel Fernandez para sa inang si Sheila Ysrael nitong Hulyo 4, 2022, Lunes ng gabi.

Danzel with mom Sheila Ysrael with his siblings
Post ni Danzel sa kanyang FB page, “Happy Birthday Mama! Thank you for always being there to love and support me, Dana, Daniel, and our seven kulit dogs.
“Now that I am carrying a big responsibility as I embark my political career, I know that I can make you proud, and also make the people proud.
“I will always be here for the family, especially to my younger siblings. I’ll be the Kuya they can look up to and count on.
“I love you, Ma! Happy Birthday. P.S. Maraming salamat kay Ms. Loreta Batas ng Biñan para sa painting na ginawa ng artist niya. Nagustuhan po talaga ni mama yung painting.”

Si Danzel ay isa sa mga bida sa horror movie na Otlum na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.
Nitong nakaraang eleksyon ay nagwagi siyang board member para sa unang distrito ng lalawigan ng Laguna.
Earlier kahapon ay nag-post din si Danzel kaugnay ng kanyang unang Flag Ceremony at Session bilang public servant.
Ani Danzel, “Today marks the start of my office! Ganito pala ang feeling. Handang handa na po ako maglingkod sainyo mga ka-distrito!”
Ang kanyang ama ay si Dan Fernandez, na nagwagi rin nitong nakaraang eleksyon bilang kinatawan ng newly established lone district of Sta. Rosa, Laguna.
Parehong nag-artista ang parents ni Danzel na sina Dan at Shiela.

NOEL FERRER
Ow, all the best, Danzel! Sa murang edad, sana’y taglay mo ang bagong pananaw rin sa politika na magbibigay ng wagas na serbisyo publiko sa mga tao.
Ngayong magiging abala na si Danzel sa pagiging board member ng Laguna, paano na ang kanyang pag-aartista?
Backseat ba muna ito katulad ng kanyang ama para makapag-focus siya sa serbisyo publiko?
GORGY RULA
Medyo naaalangan pa noong pumasok si Danzel sa showbiz dahil gusto niyang mag-focus sa pag-aaral at nakahiligan pa niya ang basketball.
Hindi ko na naalala kung natuloy siya noon sa GMA Artist Center, dahil ginawa na niya ang Otlum, at nanalo pa siya roon sa 35th PMPC Star Awards for Movies bilang New Movie Actor of the Year, katabla si Ryle Santiago para sa Bakwit Boys. Ang New Movie Actress of the Year noon ay si Sanya Lopez para sa Wild and Free.
Pero hindi na rin nakatapagtaka na pinasok na ni Danzel ang pulitika dahil kailangan na rin sa kanilang pamilya. Yun na rin ang ginagawa ng ilang political families, ginu-groom ang mga anak nila sa larangang ito.
Ang babata na nga ngayon ng mga bagong pulitikong nanalo. Sila na ang susunod na magsisilbi sa bagong henerasyon ng public servants.
Ang curious lang ako kung ano ang pinagkakaabalahan ni Shiela Ysrael, dahil ang tagal na rin niyang hindi napapanood sa TV at pelikula. Wala ba siyang balak magpaka-active uli sa pag-aartista?
Kailangan pa ngayon ng mga mother roles sa dami ng mga drama series na nagsimula, kagaya ng A Family Affair ni Ivana Alawi.
