PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Minions rules North America box office; Thor opens in PH

Minions: The Rise of Gru, humamig agad ng $125 million.
by PEP Troika
Published Jul 6, 2022
minions rise of gru chris hemsworth
Minions: The Rise of Gru (left) grossed $125 million on its long weekend opening in North America; Thor: Love and Thunder, starring Chris Hemsworth (right), opens in Philippine cinemas today, July 6, 2022.
PHOTO/S: Twitter

JERRY OLEA

As expected, nanguna sa takilya ng North America nitong July 4th long weekend (Hulyo 1-4, 2022) ang bagong bukas na Minions: The Rise of Gru.

Tinatayang humamig agad ng $125M sa takilya ng U.S. at Canada ang nasabing computer-animated comedy, na sequel ng Minions (2015) at bale panlimang entry sa Despicable Me franchise.

Andaming tsikiting ang nakasabay ko sa panonood nito noong Hulyo 2, Sabado ng hapon, sa Glorietta 4 Cinema.

Tuwang-tuwa sila at tawang-tawa sa antics ng 11-anyos na si Gru (boses ni Steve Carell) at ng Minions (boses ni Pierre Coffin). Napahagalpak ako sa butt exposure ni Gru!

Mas malakas itong Minions: The Rise of Gru kesa sa Lightyear. Umabot na sa $216.9M ang worldwide gross nito, ika-11 sa pinakasakalam ang global gross this year.

Ang Top 3, so far, sa worldwide gross ngayong 2022 ay Top Gun: Maverick ($1.1B), Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($953.1M), at Jurassic World Dominion ($831.4M).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Not surprising, di ba?

Ang pito pa sa Top 10 ng worldwide gross this year ay The Batman ($770.8M), Water Gate Bridge ($626.6M), Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ($405.2M), Sonic the Hedgehog 2 ($401.9M), Uncharted ($401.7M), The Bad Guys ($244.5M), at Too Cool To Kill ($217.3M).

Kumusta na kamo ang worldwide grosses ng iba pang banyagang pelikula na nag-showing recently sa lupang hinirang?

Heto… The Lost City ($190.8M), Lightyear ($190.5M), Death on the Nile ($137.3M), Elvis ($118.3M), The Roundup ($97.5M), Everything Everywhere All At Once ($91.7M).

Magpapayanig na ngayong Hulyo 6, Miyerkules, sa mga sinehan ng bayang magiliw ang marvelous film na Thor: Love and Thunder.

Sa tingin ninyo, may matitira pa kayang sinehan para sa Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez?

Ang Thor: Love and Thunder ay direct sequel ng pelikulang Thor: Ragnarok (2017), at ika-29 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU).

Astig na astig ang trailer ng Thor: Love and Thunder, at swak na swak ang paggamit dito ng kantang "Sweet Child o’ Mine." Solid!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siyempre pa, bida rito si Chris Hemsworth bilang Thor, isa sa Avengers, dating hari ng Asgard. Sa pelikulang ito ay dumaranas ng midlife crisis si Thor.

Ang pangunahing kalaban dito ni Thor ay si Gorr the God Butcher (Christian Bale). Tampok din dito sina Valkyrie (Tessa Thompson), Sif (Jaimie Alexander), Korg (Taika Waititi), Zeus (Russell Crowe), at ang ex-girlfriend ni Thor na si Jane Foster/Mighty Thor (Natalie Portman).

Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), “Nothing screams adventure like thunder, axes, and butchers. Who will win? Who will lose? “Find out in Marvel Studios’ #ThorLoveandThunderPH. NOW SHOWING IN CINEMAS! Get your tickets now!”

NOEL FERRER

Sana nga, marami ang manood ng Thor: Love and Thunder ngayon.

Nang makausap ko ang partner theater operators natin, nananalangin silang magtuluy-tuloy na ang pagbabalik ng mga kababayan natin sa sinehan.

Among our local producers, nasa wait and see mode pa rin sila sa paglalabas ng mga sine nilang nasa baul. Ito yung mga natapos na bago pa ng pandemya. Tuma-timing kumbaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OK naman daw na simula ang Ngayon Kaya at pinupuri nila ang lead stars nito sa tiyaga nilang mag-promote at maghikayat ng block screening, pero limitado pa rin ang audience.

Ang Metro Manila Film Festival talaga sa December ang inaasahan nilang magbabalik ng sigla at saya ng panonood ng pelikula sa sinehan ulit.

Hintayin lang natin ang lineup ng unang apat na pelikulang magiging official entries ng ating pinakamalawak at matagal nang MMFF sa Biyernes.

May pag-asa, promise, na bumalik ang saya — iyan ang sabi ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines.

GORGY RULA

Hindi ko na nakikita sa mga sinehan ang Ngayon Kaya nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Nakakalungkot dahil lalo tuloy natatakot ang mga producers nating magpa-book ng pelikula nila sa sinehan.

Ngayong si Tirso Cruz III na ang mamumuno ng FDCP, itutuloy pa kaya niya ang sinimulang campaign ni Ms. Liza Diño-Seguerra na “Nood Tayo ng Sine”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gagawin din kaya niya ang Pista ng Pelikulang Pilipino at baka makikipag-cooperate na ang mga theater owners?

Reead: Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño

Sana mabalik na ang interes ng mga manonod sa local films natin bago pa dumating ang Metro Manila Film Festival. Inaasahang mas maganda at malalaking pelikula ang sasali sa naturang filmfest para makakabawi na ang ating movie industry.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Minions: The Rise of Gru (left) grossed $125 million on its long weekend opening in North America; Thor: Love and Thunder, starring Chris Hemsworth (right), opens in Philippine cinemas today, July 6, 2022.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results