GORGY RULA
Tuloy na tuloy na ang pag-aartista ng anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha.
Kasama ang 4-year old daughter ng mag-asawa sa bagong sitcom na pagbibidahan nila.
Ipinost ni Pauleen sa kanyang Instagram account ang title na Love, Bosleng & Tali, at ang nasa caption nito ay “Soon.”
Nakumpirma ng PEP Troika na magpu-produce ang MZet ng sitcom para sa Net 25. Ito nga raw ang Love, Bosleng & Tali na sisimulan pa lang nila.
Hindi pa sila nakapagsimulang mag-taping, pero mas excited ang mag-asawa sa partisipasyon ng kanilang unica hija.
Alam nilang maglalaro lang si Tali sa set, pero sumusunod daw sa instructions, sabi ni Pauleen.
Mas mabuting kasama nila sa taping kesa maiiwan ang bagets sa bahay.
Nakikita naman nilang nag-eenjoy si Tali sa ginagawa niya.
JERRY OLEA
The family that works together, stays together.
Noon pa man ay naggi-guest na si Tali sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga, kaya hindi na siya naninibago sa harap ng kamera.
Abangan natin ang pampamilyang sitcom na ito ng Net 25!
NOEL FERRER
Parang ganito na ang trend ngayon sa TV. Pami-pamilya. Pasayahan. Pagandahan ng kuwento.
Excited tayo sa project na ito nina Bossing Vic, Poleng at Tali.
Lagi kong sinasabi, sa ganitong mga projects, panalo ang audience!
