PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donita Nose at Tekla, nagkapatawaran na; balik-tambalan na ulit?

Donita Nose explains how she and Super Tekla started communicating again.
by PEP Troika
Published Jul 10, 2022
Donita Nose, Super Tekla
Donita Nose ibinahagi ang masinsinang usapan nila ni Super Tekla higit apat na buwan mula nang buwagin nila ang kanilang DonEkla tandem: "Nag-usap kami, na parang, 'O, ano?' 'Ikaw, ano, gusto mo ba?' So, ayun... Kasi at least, alam ko na willing na siya, di ba? Andun na yung eagerness niya na gawin yung work."
PHOTO/S: @donitanose Instagram

JERRY OLEA:

Inihayag nina Donita Nose at Super Tekla ang pagkabuwag ng kanilang tambalan noong Pebrero 18, 2022 sa YouTube channel nilang Donekla in Tandem.

READ: Donita Nose to Super Tekla: "Number one nating problema, katamaran mo."

Pero nitong nakaraang campaign period, nagsanib-pwersa sila muli sa mga raket.

Friends na uli sila?

"We do usually naman po ano, parang… ayan, pag may mga events," sambit ni Donita sa kiddiecon ng Sing Galing Kids nitong Hulyo 9, Sabado, sa Mesa restaurant ng Vista Mall-Taguig.

"Dun, magkasama kami. Magkasama kami talaga. Meron kasing talagang mga clients na nire-request pa rin, Donekla.

"Oo, parang mas gusto pa rin nila, ganun. So parang… being professional, parang kahit na medyo dati, nagkasamaan kami ng loob, parang…

"Work pa rin kami. Once na nasa stage kami, we are Donekla. Pero kung pagkatapos nun, may sarili siyang mundo, OK lang.

"Parang ganun. So… pero ngayon kasi, medyo OK kami. Nag-uusap na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabalik iyung friendship nila ni Super Tekla?

"Ahh, ako naman kasi, siya lang naman ang inaantay ko. Madalas. Na parang, 'Ayusin mo ‘to! Ayusin na natin ‘to, ganyan-ganyan,'" mabining wika ni Donita.

"Gusto ko, siyang yung mag-offer sa akin na parang, 'OK, teh. Halika na! Mag-ano na tayo!' Ganyan.

"Kasi at least, alam ko na willing na siya, di ba? Andun na yung eagerness niya na gawin yung work.

"Kasi, pag once ako na naman, 'Halika na,' pipilitin mo siya, tapos wala pa pala siyang gusto, o hindi niya gusto, wala ring mangyayari.

"So, parang… antayin kita. 'Sige, pag OK ka na, just tell me.' Ganyan, wala nang ano."

Posible pa bang mabuo muli iyong tandem nila sa pagba-vlog? Mabilis na sagot ni Donita, "Actually, nag-usap na kami ngayon. So, we’re going back na.

"Nag-usap kami, na parang, 'O, ano?' 'Ikaw, ano, gusto mo ba?' So, ayun.

"Nung birthday ko, andun siya actually. June 29, iyong vlog na inilabas ko," pagngiti ni Donita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And then, nag-usap kami that time na parang, ‘Gusto mo ba?' 'O, sige!' 'O, ayusin na natin ‘to. Parang ganun."

May birthday gift ba si Super Tekla sa kanya?

Napangiwi nang slight si Donita, "Actually, hindi na nga importante… wala naman, ever since!

"Ilang years na ba kaming magkaibigan? Wala talaga!"

Sa Hulyo 16, Sabado nang 6:00 p.m. mag-uumpisa sa TV5 ang Sing Galing Kids. Kasama rito ni Donita Nose bilang Sing Masters sina K Brosas at Randy Santiago.

Ang panel of Sing Galing Kids Jukebosses ay binubuo nina Jona, Gloc-9, Morissette, at Ethel Booba. Arkidia Ates sina Queenay at Mari Mar Tua.

Kasali rin sa show ang mascot na si Genie, pati na sina Zendee, Yoyo, at Tyronia.

NOEL FERRER:

At least, magandang balita ang pagbabalik-tambalan nina Donita Nose at Super Tekla. Iba rin talaga ang chemistry nila at tunay silang high strung na magkaibigan.

Sana nga, maayos na nila ang personal nilang pagkakaibigan. At malay natin, iyan kasi ang sukatan natin sa isang mahusay at mabuting tao—pantay-pantay, at talagang mahusay na gawa at mabait na naturaleza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And yes, you don’t cancel or leave friends. Ang totoong kaibigan, laging nandiyan lang para sa atin. Ang mga nawawala, they become "other people."

GORGY RULA:

Magkaiba talaga ng personalidad sina Donita Nose at Super Tekla. Mas pursigido si Donita sa kanyang trabaho, talagang kinakarir niya ang lahat na ginagawa niya, at hindi nagpapabaya, naka-focus sa kanyang career.

Aminado siyang mas magaling at mas sikat si Tekla kesa sa kanya. Kaya alam niyang kapag nagkakaroon sila ng conflict, siya ang madalas na lumalabas na kontrabida.

Bilang matalik na kaibigan, hindi binitawan ni Donita si Super Tekla nung panahong nadidiskaril ang buhay nito. Madalas kasing naliligaw, dahil sa mga pinapasukan niyang problema.

Pero nandiyan si Donita na sumasalo sa kanya. Kaya nga nagawa nila itong Donekla in Tandem na vlog at nag-hit naman.

Kung magkakabalikan silang dalawa para sa kanilang vlog, sana mabalik iyung dating magandang rapport nilang dalawa at kumportable na uli sa isa’t isa. Tiyak na si Donita naman ang magpapatakbo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero siguro, hayaan din niyang magbigay ng suggestion si Tekla at mag-isip kung ano ang magandang pasabog sa kanilang vlog.

Dito naman sa Sing Galing ay kitang-kita ang magandang samahan nilang lahat. Swak na swak ang tatlong Sing Masters, at nagsusuportahan. Walang sapawan.

Dito sa Sing Galing Kids, kinukuwento ni K Brosas na si Donita ang madalas na kontrabida sa mga bata. Kahit sa mga drama-dramahan nila, galit ang mga bata kay Donita na siyang tumatayong "evil stepmother" nila.

Abangan daw ang isang episode na sobrang nadala ang bata sa pagdadrama nila, at matagal bago ito naka-move on sa matinding galit kay Donita.

Nag-e-enjoy silang lahat at nakikita naman sa programa. Abangan natin ang pagsisimula nitong biritan ng mga batang singers sa darating na Sabado, July 16 ng 6:00 p.m. sa TV5.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donita Nose ibinahagi ang masinsinang usapan nila ni Super Tekla higit apat na buwan mula nang buwagin nila ang kanilang DonEkla tandem: "Nag-usap kami, na parang, 'O, ano?' 'Ikaw, ano, gusto mo ba?' So, ayun... Kasi at least, alam ko na willing na siya, di ba? Andun na yung eagerness niya na gawin yung work."
PHOTO/S: @donitanose Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results