SSN Network ng South Korea at AQ Prime, may hinahandang malaking K-Pop concert sa Philippine Arena

by PEP Troika
Jul 12, 2022
son sang hwan
Mr. Son Sang Hwan, chairman of SSN Network, on big concert of a popular K-pop group: "It is a concert held in partnership with AQ Prime to convey the message that we should work together to save the environment of the Philippines and create an eco-friendly country in the future." With Mr. Son in the right photo are Rodel Fernando (left) and Joseph Severo (right) of AQ Prime.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Bago matapos ang buwang ito ay magsisimula na ang bagong streaming app na AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ.

Read: Tatlong mapangahas na pelikula, mapapanood sa bagong streaming platform na AQ Prime

Abangan na lang daw ang announcement ng bagong promo nila para sa pagbubukas nitong bagong streaming app.

Pero bukod dito, tuluy-tuloy pa rin ang bagong projects ng AQ Prime dahil may isa pang Korean company na makikipag-collaborate sa kumpanyang ito nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño.

May inaayos daw sila ngayon na isang malaking concert ng sikat na K-Pop group na gagawin dito sa atin. Ito raw ang unang pasabog ng AQ Prime at ng SSN Network ng South Korea.

Nakapanayam namin si Mr. Son Sang Hwan, ang chairman ng SSN Network. Sa kanya namin tinanong kung totoo bang ang concert ng BLACKPINK ang inaayos nila.

Hindi pa niya makumpirma sa ngayon dahil under negotiation pa ito. Pero titiyakin daw nilang isang sikat na K-Pop group ito na gaganapin sa Philippine Arena ang concert.

Ang binabalak daw nilang malaking concert na gagawin dito sa atin ayiyung mapu-promote ang pangangalaga ng ating kalikasan, na maging eco-friendly ang buong mundo, lalo na ang Pilipinas.

Sabi ni Mr. Son sa salitang Korean, “It is a concert held in partnership with AQ Prime to convey the message that we should work together to save the environment of the Philippines and create an eco-friendly country in the future.

“It will be held in Philippine Arena, and will invite top Korean idol singers to promote the importance of the environment to the younger generation in the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“MBC Broadcasting station in Korea will also broadcast it.”

Si Mr. Son din ang bumuo ng isang foundation na Primary Certified Emission Reduction o PCER.

Sa pamamagitan nitong PCER, ii-introduce daw nila sa Pilipinas ang ginawa nilang Water Turbine Generator na magpu-provide ng kuryente sa isang lugar.

“A Water Turbine Generator is a power generator that produces electricity by using water.

“It is the most efficient and superior power generator in existence that can replace fossil fuels.

“Water Turbine Generators will convert the Philippines’ power energy into eco-friendly power energy, and make the Philippines a global model country for carbon neutrality.

“It can replace thermal power generation in the Philippines and provide reliable power to islands and mountainous areas with unstable power supply.

“And it can be used to supply the power needed to charge electric cars and electric motorcycles,” saad ni Mr. Son.

NOEL FERRER

Maraming plano ang PCER Foundation sa Pilipinas.

Pahayag ni Mr. Son, “We plan to further expand our environment and cultural exchange business in cooperation with AQ Prime.

“First of all, we will start the business of collecting and recycling discarded waste from the Philippines.

“After that, we will gradually expand to areas necessary for improving the Philippine environment.”

Gagamit din ang nasabing foundation ng cryptocurrency na PCER coin para maibsan ang financial losses dahil sa exchange costs, dollar remittance costs, at foreign exchange losses dahil sa dollar depreciation.

“The PCER coin is a coin that can be acquired only by participating in a practical business that saves the environment,” sabi pa ni Mr. Son.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Nananabik tayo sa pag-ariba ng AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ na nag-grand launch noong Hunyo 4 sa sosing Conrad Hotel.

Present doon ang Korean partners ng AQ, at panauhin pa ang ilang Korean celebrities.

Tuluy-tuloy ang shooting ng mga proyekto ng AQ.

Hopia at asado tayo na rumatsada ang bagong streaming app bago sumapit ang Ghost Month. May pamahiin kasi na ang negosyo o anumang venture na inumpisahan kung Ghost Month ay hindi magpo-prosper.

Ayon sa Department of Health, 10,271 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa mula Hulyo 4 hanggang 10.

“Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,467, mas mataas ng 39 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 27 hanggang Hunyo 3,” post ng DOH sa Facebook page nila nitong Hulyo 11, Lunes.

Kung patuloy na darami ang mga bagong kaso ng COVID-19, makabubuting iwasan muna natin ang paglabas-labas ng bahay.

Swak iyan sa mga streaming platforms gaya ng AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ na tila makikipagkumpetensya sa Vivamax!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mr. Son Sang Hwan, chairman of SSN Network, on big concert of a popular K-pop group: "It is a concert held in partnership with AQ Prime to convey the message that we should work together to save the environment of the Philippines and create an eco-friendly country in the future." With Mr. Son in the right photo are Rodel Fernando (left) and Joseph Severo (right) of AQ Prime.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results