NOEL FERRER
Masayang nag-FB Live ang kaibigan nating Divine Diva Zsa Zsa Padilla while exploring the City of Nis sa Serbia.
Maganda at makaluma ang pagkaka-describe niya sa Serbia, isang landlocked country sa Southeastern and Central Europe, located at the crossroads of the Pannonian Plain and the Balkans.
Nung una, maraming nagtatanong, tulad ni Tito Gorgy, kung girl ba o boy si Aleksa—na mapapangasawa ng anak ni Zsa Zsa na si Zia Quizon.
Read: Anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Zia, ikakasal na
Sabi ko, boy na boy — kasi mismong Presidente nila dun, ang pangalan ay si Aleksandar Vucic, kaya palasak ang pangalang Aleksa doon.
Sinundo si ZsaZshing nina Zia at Aleksa at ang tatay ng huli sa airport, at nag-travel ng three hours papunta sa City of Nis.
Read: Zsa Zsa Padilla arrives in Serbia to attend daughter Zia Quizon’s wedding
Jet lagging pa ang kaibigan nating ZsaZshing kaya jog-kete-jog daw siya para maka-adjust sa place.
Ipinakita niya ang kuwarto niyang sana ay kasama roon si Karylle, kaso mo, nataong magsasanib-puwersa na ang It's Showtime at TV5 kaya hindi na muna matutuloy si K.
Si Conrad Onglao na lang ang inaasahan ni Zsazshing na dumating today para samahan siya sa wedding ni Zia this week, at ang bilin niya kay Conrad ay magdala ng tea dahil iba raw ang tea sa Serbia.
Alas tres ng hapon pala ang lunch with the family kaya nag-take muna si Zsa Zsa ng snacks sa hotel room at excited siyang ma-meet ang pamilya ni Aleksa, na ang tatay pala ay may pangalang (sounds like Zasa)!!!
Kakaiba, di ba, pero masaya!!!
GORGY RULA
Touching ang mensahe ni Zia para sa kanyang Papa Dolphy na ipinost sa kanyang Instagram account.
Naalala ko nang nakapanayam namin si Ina Feleo bago siya nagpakasal. Lagi raw niyang naaalala ang daddy niyang si Johnny Delgado, na kung buhay sana ito, kumpleto ang kasiyahan niya dahil ang kanyang ama ang maghahatid sa kanya sa araw ng kanyang kasal.
May nag-suggest kay Ina na ilagay ang picture ng daddy niya sa bouquet na hawak niya para maramdaman niyang kasama pa rin niya ito sa paglalakad sa altar. Hindi ko lang sure kung ginawa niya ito sa wedding niya kay Giacomo.
Read: Ina Feleo weds Italian boyfriend in Antipolo with 18 guests
Sana mabasa ito ni Zia para magkaideya siyang ilagay ang litrato ni Mang Dolphy sa dadalhin niyang bouquet, para bahagi pa rin ang papa niya sa kanyang wedding day. Pero huwag itong bouquet ang gamitin sa ihahagis ng bride!
Sa mga ganitong selebrasyon, bumabalik ang mga alaala natin sa mga namayapang mahal sa buhay.
Lalo na si ZsaZsa, na kahit masaya siya sa piling ni Architect Conrad Onglao, bahagi na sa buhay niya si Mang Dolphy, pati ang pamilya Quizon. Kahit ang ibang close friends ni Mang Dolphy ay kaibigan na rin ang turing niya.
JERRY OLEA
Abang-abang din tayo sa wedding nina Hidilyn Diaz at Coach Julius Naranjo sa Baguio City.
Inaasahan natin na mangyayari iyon before July 29 na umpisa ng Ghost Month. Ngayon pa lang ay ipinagbubunyi na natin ang soon-to-be wedded couple!
Read: Olympic gold medalist Hidilyn Diaz engaged na sa kanyang coach na si Julius Naranjo
