JERRY OLEA
Parehong multi-awarded ang mga bida sa movie-serye ng TV5 na Suntok Sa Buwan—ang 52 anyos na si Aga Muhlach at 21 anyos na si Elijah Canlas.
Paano ang dynamics nila bilang mag-amang boksingero na humarap sa maraming pagsubok?
"Ay! Nakikinig lang ako kay Elijah dito!” napangiting bulalas ni Aga sa Zoom mediacon nitong Hulyo 14, 2022, Huwebes.
Sambit ni Elijah habang natatawa si Aga, “Ako po, nakikinig lang ako kay Kuya Aga dito.”
Sabi ni Aga, "Wala namang ganun sa amin. Parang ano lang, hindi namin iniisip yun. I mean, maraming salamat, we’re grateful naman sa mga nakaraang taon sa lahat ng tropeo na nakuha namin.
"Pero more than anything, ang iniisip namin parati is the project, not the award.
"Now, as an actor naman, never naman kaming bumilib sa sarili namin. Parati kaming kinakabahan, parati kaming nagpapaturo pa rin sa direktor namin.
"At naniniwala pa rin kami na kahit anong galing mong artista, kung pangit ang proyekto mo, pangit din lalabas ang arte mo.
"So, I’m just happy that working with Elijah who I just met noong storycon ba yun? Anong tawag dun?
"Look test, nung look test…Napakabait na tao!"
Singit ni Elijah, "I’m gonna say the same thing! Kasi hindi ko alam kung alam mo ito, Kuya Aga, pero siyempre nung nalaman kong ikaw, sobra yung pressure. Sobra yung kaba, and, of course, ang first reaction ko, it’s a big challenge, and, siyempre, I wanted to deliver.
"Pero when I met Kuya Aga—the most humble guy, the most grounded, sobra!
"It’s always fun to do scenes with him."
Ikinalugod din ni Aga na baguhan ang direktor—si Geo Lomuntad—sa movie-serye.
Pahayag ni Aga, “Knowing that you have a new director, parang… yung feeling ko talaga kasi, sa tagal ko na rin sa industriya, pag may bagong direktor, parang alam mong gagalingan niya talaga, e. Gagalingan niya talaga.
"Hindi siya yung nagkakampante, yung ganun. Which… iyon na nga yung nangyayari dito.
"So, Geo, in front of all of them, I just wanna thank you. Thank you for your good direction. Maraming salamat.”
Sabi naman ni Direk Geo, “Ahhm, I think iyong paglalabas ng chemistry nilang dalawa is not really all about my direction, it’s not about me.
“It’s about the two of them. Kasi silang dalawa, kahit pagtabihin mo lang silang dalawa sa isang upuan, lumalabas talaga yung chemistry nila.
"Hindi nila kailangang magsalita, e. Let me tell you a story, iyong sa car scene namin na ano, first scene siya sa Episode 1 namin.
"Parang nag-uusap sila about pag-aaral, ganyan, about boxing, about dreams. Hinayaan ko lang sila na gawin yung scene nila.
"One take. And then, napakaganda! Hindi namin kailangang ulitin. Kasi lumalabas talaga yung chemistry nila kahit magtinginan lang silang dalawa.
"Ayun, so I guess, very little help lang talaga iyung ginawa ko."
Ang pilot episode ng Suntok Sa Buwan ay sa Hulyo 18, Lunes, ng 7:15 p.m. sa TV5. Matutunghayan ito tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng gabi.
GORGY RULA
Malaking karangalan para kay Elijah Canlas na mabigyan ng pagkakataong makatrabaho si Aga Muhlach sa movie-seryeng Suntok Sa Buwan ng TV5.
"I’m really grateful that I’m part of this," masayang pahayag ni Elijah. “I get to work with all these people. I mean, bata pa lang ako, Mr. Aga Muhlach! Hahahaha! And the entire team, the entire cast.
"I’m really grateful. And, of course, sa role ko naman, yung I had to train for boxing, to be a boxer.
"And being in Baguio, honestly. Being in Baguio is such a blessing to me and to all of us."
Ang love interest ni Elijah sa movie-serye ay si Maris Racal.

"She’s a lot of fun! Sobrang saya pong ka-work ni Maris. Walang halong bola iyan!” sabi ni Elijah.
"And she really takes her work seriously. Pag may ganun, kapag nalaman mong naka-focus din talaga yung co-actors mo, mas nacha-challenge ka na mas galingan pa, e.
"The first time I met Maris, magsu-shoot kami, she was showing me her graph. Parang meron siyang emotional continuity graph na ginawa, na in-encode niya talaga with the help of her sister.
"'Tapos sabi ko, ‘Ako nga, wala akong ganyan, e.’ So, kailangan kong mag-step up. And every time, si Maris, mahusay.
"Napakahusay umarte rin. I mean, hindi matatagalan, ayokong i-spoil, pero may ginawa kasi kaming scene recently na sabi ko, gusto kong ulitin, gusto kong tapatan yung ganung energy ni Maris.
"Pero it’s a lot of fun and she’s really open, di awkward. Kahit anong eksena, yakapan or kilig scene, hindi awkward at all. She’s really open.”
Kumusta ang pakikipagbakbakan kay Albie Casiño, na boksingero rin ang papel sa movie-serye?

"Si Albie, boxer na kasi talaga iyan. Magaling na boxer na talaga si Albie. And I’m just thankful, I have to do those boxing scenes with him,” pagsisiwalat ni Elijah.
“Kasi, para nga siyang boxing consultant na rin, e. First day of shoot, ang dami niyang itinuturo sa akin na, ‘Hey, you should do this like this,’ mga stuff like that.
“And pag nagba-boxing kami… yung ibang mga boxers na nakakalaban ko, minsan hindi sila nakakaalalay, e.
“Yung pag sumuntok sila, aray! Matindi ang suntok na yun, ah?! Pero si Albie, nakaalalay.
“So, I appreciate that. Grateful na he wants to keep everything safe. And yung mga ideas talaga ni Albie, sometimes parang, ‘Ganda nun!’ Kahit si Direk Geo, biglang, ‘Uy, OK nga yun. Gawin natin yun.’”
NOEL FERRER
Excited ako sa kalalabasan nitong movie-seryeng ito nina Aga at Elijah.
Alam natin kung gaano katutok si Aga dito na bawa’t detalye, kahit sa pagpili ng theme song at pati na ang pagta-talent coordinator, pinasok na niya para sa ikagaganda ng project.
Sa ating panayam sa kanya sa Level Up sa Radyo Katipunan, nasabi ni Aga na may tatlong proyekto siyang gustong mangyari: 1) ang matagal nang pinaplanong reunion film nila ni Lea Salonga, 2) ang pagtatambal nila ni Coco Martin sa isang pelikulang pang-Metro Manila Film Festival sana, at 3) ang makapag-produce ng mga pelikula para sa mga baguhan o batang mga direktor.
Lubhang naging masaya at ine-enjoy talaga ni Aga ang pagte-taping niya ng kanyang teleseryeng Suntok Sa Buwan na ipapalabas na sa Lunes, at 7:15 p.m., sa TV5. We only wish Aga, Elijah, and whole team the best!!!
