PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alexa Miro kinantiyawan tungkol kay Sandro Marcos sa LoL

Kumusta ang back-to-back pasiklab ng Lunch Out Loud at It’s Showtime?
by PEP Troika
Published Jul 16, 2022
Alexa Miro
Si Alexa Miro nga ba at si Sandro Marcos? Isa ito sa mga inusisa during the "Maritest" segment of Lunch Out Loud.
PHOTO/S: @alexamiro.m on Instagram

GORGY RULA

Hindi nakaligtas si Alexa Miro sa kantiyaw at tukso sa kanya ng mga co-hosts niya sa Lunch Out Loud na napaaga na ang airing dahil sa back-to-back pasiklab sa It’s Showtime umpisa ngayong Hulyo 16, 2022, Sabado, ng 11:00 am.

LoL and It's Showtime on TV5

Nagsimula ito sa "Maritest" segment, kung saan si Matteo Guidicelli ang naglaro. Halatang hindi nila pinahirapan si Matteo sa mga tanong, pero ang cute ng singer/actor kapag sinasagot ang mga tsismis na tanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matteo Guidicelli on Maritest segment of LoL

At lumabas ang pagka-Marites ni Matteo sa pangatlong tanong tungkol sa singer/actress na-link sa first son at ang kongresistang si Sandro Marcos.

Walang patumpik-tumpik na sinagot ni Matteo si Alexa Miro, pero deretsahan niya itong tinanong kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Congressman Sandro.

Nagtanong din si Billy Crawford kung aamin na ba ang singer/actress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Walang aaminin, Daddy Bils,” diretsong pakli ni Alexa.

“Magkaibigan kami na matalik. Matalik kaming magkaibigan,” dagdag niyang sagot.

Pero hindi pa rin siya tinantanan ng kantiyaw, na pati si Matteo ay tila may alam kung ano talaga ang namamagitan kina Sandro at Alexa.

Masaya ang segment na ito, pero hindi na nangahas si Matteo na sagutin ang PHP75,000 jackpot question. Naka-P50,000 siya na ipinangako niya ito sa mga magsasaka sa Paete, Laguna.

Kapansin-pansin din na lalong sumeksi si Alexa, lalo na sa opening dance number niya kasama si Labuching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo, baka last day na natin ito, kaya ituloy na natin ang next question,” awat ni Billy sa pangungulit nila kay Alexa.

JERRY OLEA

Sa presscon ng Cinemalaya 2022 filmfest noong Hulyo 6 sa CCP Main Lobby, kinumusta ko kay Direk Jose Javier Reyes ang pakikipagtrabaho kay Alexa sa pelikulang Cheat Day.

Sagot ni Direk Joey, “Mabait siya. Matalinong bata siya…At lagi siyang may kausap sa telepono noon!”

Hindi alam ni Direk Joey kung sino ang madalas kausap ni Alexa sa phone.

Dagdag ni Direk Joey, "Pero mabait siya. I found out she’s one really smart girl. Talino niya! Matalino siya! Which makes her a good actress, and makes me excited because I might do a series with her sa Regal.”

Gaano kaya kadalas makipag-usap si Alexa sa kanyang matalik na kaibigan?

At any rate, exciting itong back-to-back payanig ng Lunch Out Loud at It’s Showtime. Ang saya-saya! Kaabang-abang ang mga ihahatid pa nilang surpresa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre, hindi matutulog sa pansitan ang mga taga-Eat Bulaga!

NOEL FERRER

Dalawang segments lang ang 1 hour and 45 minutes na LOL. Mas siksik at mas masaya. Pagkatapos ng "Maritest" na nilaro ni Matteo, sumunod ang "H.O.P.E." o Hindi, Oo, Pwede, Ewan.

Madam Inutz and Tantan

Special guests nila rito si Madam Inutz at ang boyfriend niyang macho dancer ng 690 na si Tantan, a.k.a. Edward.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilig-kiligan si Madam Inutz sa ipinahayag na pagmamahal ni Tantan. Nangako sila ng pagmamahal sa isa’t isa. Nag-trending ang hashtag nilang #TropangLOLSanibPwerSAYA.

Pero hanggang ngayon ay consistent na top trending ang #ShowtimeLiveSa5.

Next weekend, lalong magiging makulay dahil makikipagsabayan naman ang back-to-back airing ng pambato ng GMA-7 na TiktoClock at ang pader nang Eat Bulaga!. Katulad ng lagi kong sinasabi, sa tapatan ng mga programang ganito…ang panalo ay tayo, ang audience.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Alexa Miro nga ba at si Sandro Marcos? Isa ito sa mga inusisa during the "Maritest" segment of Lunch Out Loud.
PHOTO/S: @alexamiro.m on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results