JERRY OLEA
Mula pa noong 2020, nakabase na si JC Santos sa Angeles City, Pampanga, mula noong naging ganap siyang ama.

“Dun ako nag-elementary, high school, and two years of college,” kuwento ni JC bago ang screening ng splatter film na Tahan nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 15, sa isang mall sa Quezon City.
“I think I’m gonna be staying there. Kasi may bahay na ako dun since 2014 pa, after me being an OFW before. So, naipundar ito.
“Noong kasagsagan ng pandemic, it was the safest place for my daughter.”
Co-stars ni JC sa Tahan sina Cloe Barreto at Jaclyn Jose. Sa Biyernes, Hulyo 22, mag-uumpisa ang streaming ng Tahan sa Vivamax.

“Si Cloe, first time kong makatrabaho. I’ve worked with Miss Jaclyn Jose before sa Magpakailanman, pero 2014 pa yun,” sambit ni JC.
“So, ngayon ko lang siya nakita ulit. And same, still respect the work and the presence and the work ethics.
“Si Cloe, I’m glad I worked with her, lalo na yung team nila, yung nagma-manage sa kanila, our producers.
“Kasi I really wanna work with them. Kasi bihira itong gumagawa ng ganito. I mean, they say it’s erotic, it’s sexy and bold.
“I think it’s brave. I’m glad na nakasama ako dun sa process nila. And Direk Bobby [Bonifacio] is… CRAZY! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Medyo intense itong ano niya. Kasi first time kung magkaroon ng ganitong psychological thriller.
“First time kong maka-experience ng, ‘Oh, this is your idea of killing, ha?!’ Yung ganun.”
Ang Tahan ay sinulat ni Quinn Carrillo, na gumanap bilang best friend ni Cloe sa movie.
Kasama rin sa cast nito sina Mercedes Cabral, Karl Medina, Jet Delgado, Mac Cardona, Francis Mata, at AJ Oteyza na nag-frontal nudity.
Ngayong Sabado, Hulyo 16, ay tampok sina JC Santos, Jelai Andres, Sanya Lopez, Enchong Dee at Ryle Santiago sa grand opening ng Beautederm branch sa The Event Center ng SM City Lipa.

Hosts ng event sina Alma Concepcion, Sherilyn Reyes-Tan at Alynna Velasquez.
Endorser si JC ng Beautehaus, ang 20-room state-of-the-art clinic ng Beautederm sa Angeles City. Pag-aari iyon ni Ms. Rei Anicoche-Tan.
Lahad ni JC, “Love ko yun, si Ms. Rei. Ako pa ang nag-offer. Sabi ko, ‘Can I be a part of your mall shows?’
“Ako na ang nag-offer. Gusto ko kasing kumakanta. And I miss singing live.”
Sa Setyembre ang third wedding anniversary ni JC at ng kanyang wife. Sa month na iyon din ang opening ng Beautehaus—pagkatapos ng Ghost Month.
NOEL FERRER
Intact ang kredibilidad ni JC Santos bilang aktor dahil alam niyang lumugar.
May mga projects na gagawin niya dahil sa pakikisama, meron namang gusto mo lang, meron ding to pay the bills, meron for prestige. Maganda kung sama-sama lahat ng mga rason na iyun—but through it all, the good thing about JC is that, he always delivers.
At maayos siyang katrabaho kaya tuluy-tuloy ang mga projects niya, at pati endorsements, ha!
All the best, JC!!!
GORGY RULA
Mas panatag si JC sa Pampanga na madalas niyang nakaka-bonding ang asawa niya sa skin care sa Beautehaus ni Ms. Rei Anicoche-Tan.
Kapitbahay ni JC si Ms. Rhei sa isang subdivision sa Angeles City.
“Iyong Beautehaus ang pinakamalaking beauty clinic sa Central Luzon,” sabi ni JC.
Na-try na siyempre ni JC ang ilang products at procedures ng Beautederm.
“Ang project ko ngayon is to lose weight for a role in August. And yeah, sobrang nakakatulong,” pagngiti ni JC.
Ilang pounds o kilograms na ang nabawas sa timbang niya matapos ang isang buwan na pag-avail ng Beautederm services?
“Sabihin na lang natin na nagkasya ako ulit sa pantalon ko noong 2018!” tugon ng simpatikong aktor.
Nasa Netflix na ang pelikulang 366, kung saan sumuporta si JC kina Bela Padilla at Zanjoe Marudo. Si Bela rin ang nagsulat at nagdirek niyon.
“I’m proud of Bela!” bulalas ni JC.
Meron na bang sinusulat si Bela na script para idirek siya nito muli?
“Wala pa, but I’m waiting. Sana ako naman yung bida sa susunod na pelikula niya. Ha! Ha! Ha!
“I think nagsusulat siya. Hindi naman napapagod yun, e. She’s always working,” pakli ni JC.
Marami-rami na ring movies ni JC ang streaming sa Vivamax, pero hindi siya mina-manage ng Viva.
“I’m a freelance actor. Kasi I still want to do indie films and theater. So, nagbibigay pa ako ng space.
“As much as possible, hindi pa ako nagsa-sign to anything. But I signed with Viva for a ten-picture contract.”
Sa Agosto ay magla-lock in taping na si JC sa Kapamilya series na Dirty Linen, kasama sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo at Christian Bables.
Exclusive ba siya sa Kapamilya?
“Not really. I can work with anyone naman,” paglilinaw ni JC.
Nakapag-work na si JC sa Kapuso Network. Noong 2015, ilang beses daw siyang kinuha ng GMA News and Public Affairs para sa Karelasyon at Wagas.
Puwede ba siyang tumanggap ng drama series sa GMA-7?
"Of course! I wanna be a villain for Ruru Madrid or whoever, Dingdong Dantes, di ba? Gusto ko silang makatrabaho, e.
“Kasi lagi ko silang parang nakikita na lang sa events, hindi ko sila nakakatrabaho sa pelikula.
“At siyempre, hindi ko sila makakatrabaho sa ABS-CBN,” sabi pa ni JC.
