JERRY OLEA
Trending worldwide sa Twitter ang unang pag-ere ng It's Showtime sa TV5 nitong Hulyo 16, Sabado, ng 12:45 pm.
“Maraming zenkyooooow Madlang People!!!!” tweet ni Vice Ganda nitong Sabado ng 3:20 pm.
Sabi pa ng Unkabogabol Star, dahil sa patuloy nilang pagdarasal ay natupad ang panalangin na lumawak ang nanonood sa kanila.
Pinasalamatan ni Vhong Navarro ang TV5 sa pagbibigay nito ng oportunidad sa kanila na mas marami pang Pilipino ang kanilang mapasaya araw-araw.
"Maraming salamat TV5 dahil hindi kayo nag-atubiling pagbuksan kami ng pintuan para mas maging pangmalakasan ang pagpapalaganap namin ng good vibes sa ating mga madlang pipol!” bulalas ni Vhong.
Excited si Anne Curtis sa mga pasabog nila sa mga na-miss niyang viewers.
Sey ni Anne, “Sa mga na-miss kami, isang virtual hug at isang nice to see you again. Alam mo, excited na talaga ako sa mas funmalawakan, harutan , tawanan, at bonding kasama kayo."
Lubos din ang kasiyahan nina Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, at Ion Perez sa pagpapalabas ng kanilang programa sa TV5.
Kinapitan din ng viewers ang semifinals ng "Showtime Sexy Babe." Labing-apat na sexy babes ang naglaban-laban para makakuha ng puwesto sa unang grandfinals ng Showtime pageant.
Nagtagisan ang mga ito sa "Ooh La Lakad” at "Hot Tanungan" para ma-impress ang mga huradong sina Kylie Verzosa, Ruffa Gutierrez, at Jameson Blake.
Nanaig sina Jubilyn Sabino, Sam Coloso, Kim Velasco, Maxine Abliter, at Zoe Cameron na makuha ang kani-kanyang spot sa nalalapit na finals ng "Showtime Sexy Babe." Simula Lunes, Hulyo 8, abangan naman ang Wildcard week ng "It's Showtime Sexy Babe."
Mapapanoid ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado, 12:45 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app.
Samantala, raratsada ang best-of-the-best kantahan at sayawan, pati na ang mainit-init na sorpresa mula kay Gloc-9 sa ASAP Natin ‘To this Sunday, July 17, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Ipagdiriwang ng rapper na si Gloc-9 ang ika-25 taon niya sa industriya ng OPM, kasama si Yeng Constantino.
Sunud-sunod ang best-of-the-best P-Pop pasabog ng SB19, BGYO, at BINI.
May throwback sa techno hits kantahan at sayawan sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Kyla, Jason Dy, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Elha Nympha, Jeremy G, iDolls, Janella Salvador, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Jameson Blake, Charlie Dizon, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Edward Barber, Enchong Dee, Janine Gutierrez, Robi Domingo at Luis Manzano.
Balikan din ang senti jamming nina Martin Nievera, Gary Valenciano at Moira dela Torre, pati na ang divas-only biritan nina Zsa Zsa Padilla, Gigi de Lana at Regine Velasquez.
GORGY RULA
Mas na-appreciate ko ang opening number ng Lunch Out Loud kesa sa opening paandar ng It’s Showtime.
Halos 20 minutes ang buong production number ng LOL na bukod sa sexy dance number nina Labuching at Alexa Miro, nagpapatawa lang ang ibang hosts.
Sinolo ni Wacky Kiray ang mala-Ms. Gay beauty contest na segment niya na nagpapatawa lang.
Ang gaan lang nila panoorin na maaaliw ka, pati sa black light theater na number nina Bayani Agbayani at Billy Crawford.
Pagdating sa It’s Showtime, hindi na bago ang pasabog na opening number, pati ang part ni Vice Ganda.
Sobrang in-effort nila ang dating sa akin, na nagawa na nila dati.
Hindi ko na natapos ang buong episode dahil inilipat ko na sa Eat Bulaga na parang hindi naman sila nasindak sa pa-back-to-back ng LOL at Showtime.
Nag-grand finals lang sila ng Dancing Kween ni Maja Salvador.
Tatlong international choreographers mula sa Amerika ang nag-judge via zoom at live naman sa studio sina Rayver Cruz, Miss International Queen Fuschia Anne Ravena at Maja.
Pero pagdating sa pa-trending, hindi pa nagsimula ang It’s Showtime, nasa number one na ito sa Twitter.
Kung replay ang ASAP Natin ‘To ngayong Linggo, naka-tape naman ang All-Out Sundays.

Pasabog na birthday bash naman nina Rayver at Barbie Forteza ang hatid ng AOS sa GMA-7.
May surprise ang pamilya Cruz na sina Sunshine, Geneva at Rodjun Cruz kasama ang wife niyang si Dianne Medina.
Ano kaya ang pa-birthday ni Julie Anne San Jose kay Rayver na lagi naman silang nakikitang ang sweet sa mga Tiktok post nila?
Ang dami rin nilang Tiktok kasama sina Rodjun at Dianne. Parang bahagi na talaga ng pamilya Cruz si Julie Anne.
Magkakaaminan na kaya sa AOS?
NOEL FERRER
Ako rin, parang same-same lang naman ang mga noontime fares.
Na-COVID na’t lahat, nag-branch out na rin sa digital pero parang ang content at form ng variety show ay walang naiba.
Does that mean ok lang sa audience ito, or wala na lang tayong magawa sa mga choices?
Sana, makahanap ng bagong pang-aliw ang mga Pinoy—yung mas masustansya pa kaysa sa same-same lang.
