Cloe Barreto "laban kung laban" sa mapupusok na eksena sa Tahan

by PEP Troika
Jul 17, 2022
Cloie Barretto lead star of Silab
Cloe Barreto on working with Jaclyn Jose and JC Santos in Tahan: “Dun ko nga po na-realize na ang dami ko nga po pala talagang matutunan nang naka-work ko sila, kasi sobrang gagaling po nila."
PHOTO/S: Gerry Olea

JERRY OLEA

Bumilib si JC Santos sa tapang ni Cloe Barreto sa splatter film nilang Tahan.

"Thank you po! Sobrang thank you!” bulalas ni Cloe noong Hulyo 15, 2022, Biyernes sa isang mall sa Quezon City.

Poster pa lang ng pelikula ay wala nang saplot si Cloe, at hindi siya nag-plaster. “Laban kung laban!” aniya.

Kumustang kaeksena si JC, pati si Jaclyn Jose na gumanap bilang ina niyang si Nora sa Tahan?

Tugon ni Cloe, “Sobrang saya po. Napakalaking opportunity po yun. Siyempre, sobrang idol ko po si Miss Jaclyn.

"And si Kuya JC, sobrang galing na aktor kaya napakasaya ko po na naka-work ko sila."

Nadala siya sa husay nina JC at Jaclyn sa mga eksena?

Napatango si Cloe, “Opo, sobra. Sobra! Kaya thank you sa kanila talaga. Ang dami pong in-advise ni Ms. Jaclyn lalo na po pagdating sa love scenes.

"Sabi niya, 'Gawin mo na lahat para hindi ka na magti-take 2!' Kasi, mahirap po, e, kapag yung love scene, di ba? Hubo’t hubad ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi niya, 'Para hindi ka na mag-take nang marami, isang take lang, gawin mo na kung ano yung gagawin mo para hindi ka mahirapan.'"

Naka-sex scene ni Cloe sa Tahan sina Mercedes Cabral, Jet Delgado, Karl Medina, Francis Mata, at AJ Oteyza na palaban sa pagpo-frontal nudity.

Idinirek ito ni Bobby Bonifacio Jr., mula sa panulat ni Quinn Carillo, na gumanap bilang best friend ni Cloe sa movie.

Matatandaang inilunsad si Cloe sa pelikulang Silab, na idinirek ni Joel Lamangan.

Nag-viral ang climax ng Silab kung saan supposedly pinutol niya ang ari ni Marco Gomez, at kapagkuwan ay nginuya-nguya iyon habang naglalakad siya sa dalampasigan.

Dito sa Tahan ay may mas matitinding eksena si Cloe na dahilan para mag-walk out sa screening ang isang beteranang kolumnista.

"Nanghina ako! Hindi ko kayang panoorin!” sambit ng female scribe, na humigit-kumulang apat na dekada na sa showbiz industry.

Mag-i-streaming ang splatter film na Tahan umpisa Hulyo 22, Biyernes, sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Malaki ang nagawa ni Jaclyn Jose sa Tahan.

Kung hindi si Jaclyn iyon, baka iba ang dating ng pelikula. Nakikitang sinuportahan ng premyadong aktres si Cloe kaya kahit paano ay nakaarte nang maayos ang sexy star.

Kung ikukumpara sa ibang Vivamax sexy stars, ang layo ni Cloe na naka-deliver nang maayos sa pelikulang ito.

Ang hirap pa naman ng role, pero nakasabay siya kay Jaclyn.

Kuwento nga ni Direk Bobby Bonifacio Jr., nung nagsimulang mag-shoot si Jaclyn, kinausap daw niya ang aktres na sana’y alalayan niya si Cloie dahil natatakot daw ito nang nalamang Jaclyn Jose ang makaka-eksena niya.

Napaka-cooperative naman ni Jaclyn lalo na sa mga baguhan, kaya nawala ang takot ni Cloe sa magaling na aktres.

“Dun ko nga po na-realize na ang dami ko nga po pala talagang matutunan nang naka-work ko sila, kasi sobrang gagaling po nila,” pakli ni Cloe.

Hindi lang kasi siya kay Jaclyn may natutunan kundi pati kay JC Santos na sumuporta rin nang maayos kay Cloe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas okay sana kung mapapanood ito sa mga sinehan. Pero ewan kung ilang percent ng pelikulang ito ang matatanggal bago maaprubahan ng Movie Television Reciew and Clasification Board o MTRCB.

Pagkatapos ng Silab, maganda itong follow-up movie na ibinigay kay Cloe ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions.

NOEL FERRER

Sana, bukod sa paghuhubad ay may ipakita pang iba si Cloe sa kanyang susunod na projects. Ano pa kaya ito, kung sakali?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cloe Barreto on working with Jaclyn Jose and JC Santos in Tahan: “Dun ko nga po na-realize na ang dami ko nga po pala talagang matutunan nang naka-work ko sila, kasi sobrang gagaling po nila."
PHOTO/S: Gerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results