PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boyfriend ng magandang aktres, kinikilig sa poging volleyball player

Poging volleyball player, textmate ang female singer.
by PEP Troika
Published Jul 19, 2022
blind item, two men
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Nagtagpo kamakailan sa isang TV show ang poging volleyball player at female singer na winner sa isang singing competition.

Hindi masyadong nagpapansinan sa set ang dalawa, at parehong abala sa pagte-text o pagme-message sa cell phone.

Nahalata ng staff na kilig-kiligan ang female singer habang nakikipag-text. Parang kiliting-kiliti si female singer sa kanyang mga ngiti.

Nabuking ng staff na ang textmate ng female singer ay ang poging volleyball player na naroon din sa set, kaya tinuksu-tukso ang dalawa.

Mistulang kiti-kiti si female singer na kunwari’y pa-tweetums na dalaginding habang binibiru-biro at tinutudyu-tudyo.

Ang nakakalokah, lumutang ang history is like tsismis na kesyo kinikilig din kay poging volleyball player ang bro niyang atleta na nali-link sa magandang aktres.

Noon pa pala pinagdududahan si bro ng kanyang mga kapwa atleta. Mahina ba ang gaydar ni magandang aktres o nabola-bola siya ni bro?!

NOEL FERRER

Wow, talaga, achievable pala si bro?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabait naman talaga at accommodating si poging volleyball player!

Mas interesting ang plot twist na ito kaysa sa maraming kuda na relasyon kuning-kuning ni bro kay magandang aktres?

Ano kaya ang susunod na kabanata sa pag-ikot ng bola, Tito Gorgeous?

GORGY RULA

Parang hindi kapani-paniwalang pagdudahan itong si ‘bro’ dahil wala naman kaming naaamoy sa kanya, kahit reliable na rin ang gaydar natin, di ba?

Pero may ganoon pala siyang isyu, at itong si katilam-tilam na volleyball player pa ang pinagnasaan, na mabait pa naman sa kabadingan.

E, baka naman friends lang talaga at namamalisyahan lang?

Sa totoo lang, ang hirap na talagang kilatisin ang mga bading sa bagong henerasyon.

Subukan ninyong silipin ang TikTok. Ang daming gay couples na ang babata pa at ang guguwapo!

Ganoon na sila ka-open sa kanilang kabadingan kahit nakakatanso pa sila.

Naintriga nga ako sa hanash ng isang bortang bading na TikTokerist na tipong ginagawa raw siyang parausan nitong pamintang personality. May sex scandal itong bortang TikTokerist na ito, at wala siyang pakialam kahit nalalait siya minsan sa ilang posts niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas naiintriga lang ako sa kuda niya kamakailan tungkol sa pamintang personality na ginagamit lang ang katawang lupa niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results