PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez, hindi Kapuso ang leading man sa susunod niyang teleserye

Sino ang magiging leading man ni Sanya Lopez sa next teleserye niya sa GMA-7?
by PEP Troika
Published Jul 21, 2022
sanya lopez
Sanya Lopez on her next teleserye on GMA-7: “Ibang-iba po ito. Maganda po ito. Maganda po ang story niya, at yun po, baka gawin na po namin sa August or sa September po.”
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

GORGY RULA

Naintriga kami sa sagot ni Sanya Lopez tungkol sa susunod na drama series na gagawin niya sa GMA-7.

Nagpu-promote muna siya ngayon ng bagong single niyang "Hot Maria Clara" under GMA Music. Available ito sa iTunes, Spotify, at ibang digital streaming apps.

Sa kanyang mediacon para sa single na ito na ginanap ngayong Huwebes, July 21, 2022, tinanong namin kay Sanya kung ano ang susunod niyang gagawing drama series pagkatapos ng First Lady.

“Bawal pa pong sabihin e,” sagot niya.

Pero excited daw siya dahil ibang-iba ito sa First Yaya at First Lady.

“Ibang-iba po ito. Maganda po ito. Maganda po ang story niya, at yun po, baka gawin na po namin sa August or sa September po,” pakli ng Kapuso actress.

Ingat na ingat si Sanya sa mga sagot niya, at baka mapagalitan daw siya.

Ang nakakaintriga lang sa sagot niya ay kung sino ang magiging leading man niya rito. Hindi pa raw niya ito nakatrabaho, at hindi pa raw ito Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagkita lang po kami before,” sagot niya sa amin pagkatapos nag-isip nang matagal-tagal.

Sinundan ko ng tanong kung nakatakda bang lumipat sa Kapuso network ang magiging leading man niya.

“Wala po dun. Nasa kabila po,” nakalilitong sagot ni Sanya.

Hindi lang niya maipaliwanag nang maayos dahil maingat siya sa kanyang sagot para hindi namin mabuking kung sinong aktor ang tinutukoy niya.

Tinanong ko uli kung hindi pa magiging Kapuso sa ngayon ang leading man niya.

“Yes po. Parang may collab naman po… di ba, uso naman po ngayon ang collaboration sa GMA?” makahulugan niyang sagot.

Kung collaboration project ito, hindi kaya isang project ito na collab sa Viva Communications at posibleng si Matteo Guidicelli ang tinutukoy na ka-partner? Di ba, matagal nang napapag-usapan ang pagiging Kapuso ni Matteo?

O puwede rin si Xian Lim dahil nasa Viva rin naman siya.

Meron pa kaming nasagap ang posibleng paglipat ni JM de Guzman, pero wala pang nag-confirm sa amin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Posible ring si John Lloyd Cruz dahil bukod sa Happy ToGetHer ay may isa pa raw siyang gagawing project na co-production sa GMA-7.

Abangan na lang natin kung sino itong makakatambal ni Sanya sa susunod niyang drama series.

Sa ngayon ay excited si Sanya dahil natupad na ang matagal na niyang pangarap na makapag-record ng kanta, at bagay na bagay naman sa kanya ang "Hot Maria Clara."

Para raw sa makabagong dalagang Pilipina ang "Hot Maria Clara."

“I dedicate po sa modern dalagang Pilipina natin… sa henerasyon ngayon. Because itong song na ito, dapat ipinapakita na dapat meron tayong boses.

“Pag kailangan lumaban, lumaban lang tayo. Lumaban lang tayo nang tama,” pahayag ni Sanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Excited daw si Sanya sa pagsisimula ng First Yaya (The First Nanny) sa Netflix. Marami na raw nangungulit sa kanya kung kailan nila ulit mapapanood ang First Yaya.

“Excited po ako ngayon. Kasi maganda naman po ang resulta ng First Yaya, e.

“I’m sure matutuwa sila rito sa Netflix na ipapalabas na po sa July 29. Puwede niyo nang balik-balikan dito sa Netflix ang mga episodes.”

At excited ako sa next steps ni Sanya sa pagiging artista dahil bukod sa may kahusayan siya, mabait din siya.

And if good things happen to good people indeed, lubos na pinagpala si Sanya Lopez!

JERRY OLEA

Exciting din kung maging leading man ni Sanya si Marco Gumabao, di ba? O kaya… si Enrique Gil?!

In due time, mababalitaan din natin kung sino ba talaga ang bagong leading man ni Sanya.

Sana, ma-promote nang lubos ang single ni Sanya at tumatak ito sa masa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on her next teleserye on GMA-7: “Ibang-iba po ito. Maganda po ito. Maganda po ang story niya, at yun po, baka gawin na po namin sa August or sa September po.”
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results