JERRY OLEA
Some good things never last…
Nagpaalam na ang Queen Mother na si Karla Estrada sa episode ng programang Magandang Buhay ngayong Hulyo 22, Biyernes.
Read: Karla Estrada officially bids goodbye to Magandang Buhay after five years
"Nag-uumapaw ang puso ko sa pasasalamat. Babaunin ko sa bagong yugto ng aking buhay ang mga itinuro ng kwento ng aking Magandang Buhay,” madamdaming hanash ni Karla.
“Thank you, Momshie Jols and Momshie Mels, dahil sa journey natin na may pare-pareho tayong hinarap. Alam ko na hindi ako nawala sa isip niyo, at kayo naman dalawa ay hindi nawala sa isip ko.”
Niyakap ni Karla nang bonggang-bongga sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na limang taon niyang naka-bonding sa nasabing TV show, at nakasama sa pelikulang Momshies! Ang Soul Mo’y Akin (2021).

Full support sina Jolina at Melai sa bagong career ni Karla lalo pa at alam nilang iyon ang matagal nang hangarin ng kaibigan.
Sabi ni Jolina, "Very, very happy kami, Momshie Karls. Kasi, mula umpisa ito na yung kinuwento mo sa amin. Nakikita namin na isinasabuhay mo yung pinagdaanan mo dati na itinuro mo sa mga anak mo.
“Isinasabuhay mo yung pagtulong. Hindi na yun puwede tanggalin sa iyo at hindi na yun mananakaw. Very proud kami sa iyo na nagagawa mo ito freely and very happy kami kasi nandito ka na sa mundong gusto mo."
Susog ni Melai, "Ito kasi yung gusto niya, yung makatulong sa iba hindi lang dito sa Magandang Buhay kundi sa labas pa. Kami dito sa Magandang Buhay, kaibigan mo kami dito.
“Kahit ayaw ka namin umalis ka rito, pero ang hangad mo yung kabutihan ng tao, so ito ibibigay namin sa iyo. Nandito lang kami para sa iyo."
Nakasama rin sa programa ang mga anak ni Karla na sina Magui at Carmella Ford, at ang mga malalapit niyang kaibigan na sina Negi at Kaladkaren.
Kahit bumabu na si Queen Mother, the show must go on para sa Magandang Buhay sa panibago nitong oras na 10:00 a.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.
Kung may nagsasarang pinto, may nagbubukas na bintana. Kung meron mang umaalis, meron ding dumadating.
Balik-ASAP Natin ‘To sa Hulyo 24, Linggo, ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo who’s turning 34 years old on Monday.
Kaabang-abang ang espesyal na solo act ni Sarah G. na may pa-tribute ng New Gen Birit idols na sina Janine Berdin, Lara Maigue, Fana, Reiven Umali, Sheena Belarmino, at JM Yosures kasama ang Asia's Songbird Regine Velasquez.
Tutukan din sa ASAP stage ang senti kantahan nina Yeng Constantino, KZ at Adie, at ang Christopher Cross hits kantahan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Jolina Magdangal, at Nina.
Bigatin din ang musical tribute para kay Lea Salonga mula kina Gary V., Martin, Zsa Zsa, Erik, at Regine sa "The Greatest Showdown."
Napapanood ang longest-running musical variety show sa bansa tuwing Linggo, 12:00 ng tanghali, sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
GORGY RULA
May ilang katanungang nakalutang itong desisyon ni Karla Estrada na pasukin ang pulitika, at ngayon ay tuluyan nang nilisan ang regular show niyang Magandang Buhay.
May naririnig kasi kaming mahigit P100M na involved sa mga pagbabago ng desisyon ni Momshie Karla. Ewan ko kung gusto niyang sagutin ito.
Pero kung ano man itong desisyon ay natitiyak naming hindi lang ito para sa kanya kundi sa kanyang pamilya.
Balang araw ay magkakaroon na ng sariling pamilya si Daniel Padilla, kaya kailangan na rin niya itong paghandaan.
Kaya kahit naba-bash siya noon, hindi puwedeng kuwestiyunin ang kanyang pasya, dahil hindi lang ito pansariling desisyon.
Good luck kay Momshie Karla!
Ang pananaw ko naman dito sa pagbabalik ASAP ni Sarah Geronimo ay hindi ibig sabihing forever Kapamilya na siya. Marami pang mababago riyan, sa totoo lang.
Kung totoo mang tuloy na tuloy na ang pagiging Kapuso ng mister niyang si Matteo Guidicelli, at ang collaboration ng Viva sa GMA-7, may posibilidad pa ring magkaka-show si Sarah sa Kapuso network. Lahat ay posible.
Pero tingnan natin kung magka-baby na sina Sarah at Matteo, baka may mababago.
Ang pantapat naman ng All-Out Sundays ay ang 72nd anniversary celebration ng GMA 7 na pangungunahan ng mga Kapuso big stars, kagaya nina Alden Richards at Bea Alonzo.
Si Bea mismo ang nagsabi sa teaser ng, “Sabay sabay nating i-celebrate ang 72 years ng GMA kasama ang inyong favorite Kapuso stars!”
Isang all-out GMA Anniversary party ito tampok ang mga bigating Kapuso drama stars, at ang grand promo ng TiktoClock nina Pokwang, Rabiya Mateo, at Kim Atienza na magsisimula na sa Lunes, July 25.
May big revelation daw sa kanilang AOS Lounge at send-off party kay Garret Bolden.
NOEL FERRER
Show business, parang life, is a series of beginnings and endings. Of hellos and goodbyes.
So, goodbye Karla sa Dos, welcome back Sarah naman.
Malay mo naman, may mag-welcome din na iba kay Karla, di ba? Hindi malayo.
