PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jovani Manansala nanigas sa kissing scene nila ni Alice Dixson

Pero may respeto pa rin daw si Jovani kay Alice. Hindi katulad ng isang aktor...
by PEP Troika
Published Jul 23, 2022
Jovani Manansala, Alice Dixson
First-ever onscreen kiss ni Jovani Manansala si Alice Dixson. Malaki raw ang respeto niya sa aktres. Hindi katulad ng blind item namin na isang aktor na kita sa body language ang pagnanasa sa kaeksenang fortysomething na aktres na gumaganap na ina niya.
PHOTO/S: Jerry Olea / @alicedixson Instagram

JERRY OLEA

Nanigas ang newbie actor na si Jovani Manansala sa kissing scene nila ni Alice Dixson sa pelikulang The Big Boyz.

“Siyempre, first time, e!” tila nahihiyang sambit ni Jovani sa launch ng Juanetworx app noong Hulyo 21, Huwebes sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

“Nangyayari talaga yan sa first time. First time kong makipag-kissing scene sa film.

“Saka veteran actress na si Miss Alice Dixson. Pero ano naman yun, yung umpisa lang.

“Nagkagaanan naman kami ng loob. Naging close na kami. Nawala na yung ilang, pero syempre, nirerespeto ko pa rin siya.

“Ayokong mag-take advantage. Kasi, professionalism lang naman. It’s all about work lang.”

Alice is turning 53 on July 28, Thursday. Kinabahan siya sa halikan nila?

“Siyempre! Siyempre, ikaw ba naman, makakaeksena mo ang isang Miss Alice Dixson, di ba?” napangiting pag-amin ni Jovani.

“Parang kahit sino yata. Kumbaga, siguro sobrang excitement din kaya nangyari yun. Nanibago ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Biruin mo, veteran actress. 'Tapos, ahh makaka-pair ko siya dito sa movie, nabigyan ako ng opportunity kaya sobra akong thankful.

“Dahil sa film na The Big Boyz, naka-experience ako ng ganito, nabigyan ako ng magandang role. Kasi, isa ako sa mga lead.”

Ang dalawa pang bida sa The Big Boyz ay sina Joaquin Domagoso at John Gabriel. Co-star din nila si Gardo Versoza.

“Itong The Big Boyz ay tungkol sa tatlong magkakaibigan. Iba-iba ang istorya sa buhay, iba-iba ang trabaho,” lahad ni Jovani.

“Ako po dun si Ford, isang masahista na breadwinner sa pamilya, tumutulong sa nanay ko. Pinag-aaral ko yung kapatid ko dito. Responsable.”

Sabi ng manager nilang si Daddy Wowie Roxas, maski sa totoong buhay ay “big” talaga sina Jovani, Joaquin, at John. As in gifted, blessed, dakilang tunay!

“Siguro, pagdating diyan, no comment ako! Ha-ha-ha-ha!” paghalakhak ni Jovani, na aminadong merong non-showbiz girlfriend.

If ever, handa ba siya sa bold and daring roles?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako kasi, sobra kong minamahal ang akting. Tinuturing ko siya as art. I mean, hindi ako mapili sa role,” pahayag ni Jovani.

“Any role na ibato n’yo sa akin, basta kaya kong gawin, gagawin ko.”

Hanggang saan ang kaya niyang gawin sa maseselang eksena?

“Ako kasi, ibinabase ko sa istorya. Pag napamahal ako sa story, pag binasa ko yung script na ipinasa sa akin, nagustuhan ko, kahit anong role pa yan, gagawin ko,” tugon ni Jovani.

OK sa kanya ang butt exposure?

“Kung kailangan po sa eksena, kung mas mapapaganda ang eksena dahil dun…

“I mean, kung need ko talaga yung gawin, why not? Work ko yun, e. Hindi po yun problema.”

E, ang pagpo-frontal?

“Hindi ko pa yun napag-iisipan sa ngayon,” pakli ni Jovani.

GORGY RULA

Nanaig ang respeto kay Jovani kaya kinakabahan siya sa mga eksena nila ni Alice Dixson.

Hindi katulad ng isang aktor na isa na ring pulitiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa halip na kaba ang naramdaman niya sa fortysomething actress na gumaganap na nanay niya ay nag-init ang buong kalamnan niya nang niyakap siya nitong aktres.

Namalisyahan ang eksenang magkayakap silang “mag-ina” dahil nakikita sa body language ni Aktor ang matinding pagnanasa kay Aktres.

Sa totoo lang, ang mga kabataang lalaki ngayon ay mas type nila ang mga babaeng malaki ang agwat ng edad sa kanila.

Maganda at sexy pa rin si Alice, pati itong fortysomething actress. Kaya hindi maiwasang pagnasaan pa rin sila ng mga kabataang aktor.

NOEL FERRER

Be careful what you say and wish for. Kasi, malakas ang power of words and suggestion.

So, ready si Jovani to take the brave and sexy route to stardom.

I hope he trains hard to be a good and sensitive actor. I hope he succeeds.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
First-ever onscreen kiss ni Jovani Manansala si Alice Dixson. Malaki raw ang respeto niya sa aktres. Hindi katulad ng blind item namin na isang aktor na kita sa body language ang pagnanasa sa kaeksenang fortysomething na aktres na gumaganap na ina niya.
PHOTO/S: Jerry Olea / @alicedixson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results