Watch Now

Bayani Agbayani dedma sa bashers at pagkukumpara sa Tropang LOL at It's Showtime

by PEP Troika
Jul 24, 2022
Bayani Agbayani
Kesa pansinin ang bashers, sa work at pag-i-scrabble nila ng pamilya niya mas nakatuon si Bayani Agbayani.
PHOTO/S: PR

GORGY RULA

Hindi na pinansin ni Bayani Agbayani ang ilang netizens na nag-react sa sinabi niya sa Tropang LOL na hindi sila nag-o-overtime.

Inabot siya ng panlalait sa Twitter, pati ang programa na sinabing boring naman daw ang show niya kaya tama lang na hindi sila mag-overtime. May nag-comment pang ibigay na lang daw sana sa It’s Showtime ang oras nila.

Hindi na sila sinagot ni Bayani. Isang linggo pa lang ang back-to-back ng dalawang noontime show sa TV5, nakukumpara na sila at posibleng maiintriga.

Pero ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Bayani at hindi na raw niya pinagpapapansin ang mga harsh comments laban sa Tropang LOL.

Hiningan ko pa rin ng reaksyon si Bayani, at tinext siya ng PEP Troika ngayong Linggo, July 24, 2022.

“Hindi na hahaha!” kaagad niyang text sa tanong namin kung may sagot siya sa mga nam-bash ng Tropang LOL.

“Ilaan ko na lang sa pamilya ko ang oras ko. Masyadong maraming work ngayon, e. Kaya pag free ang time ko, masaya kami ng pamilya ko kahit dito lang sa bahay. Nag-scrabble kami, sobrang saya namin,” dagdag niyang text sa PEP Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inasahang lalong maiintriga ang LOL kapag natapatan na ito ng TiktoClock nina Pokwang, Kim Atienza, at Rabiya Mateo sa GMA-7.

NOEL FERRER

Kakaibang kumbinasyon daw ang kinuhang hosts ng TiktoClock.

Ang dami raw nilang pinagpilian at ayon sa production manager ng naturang programa na si Charles Ko, sa tingin nila ay magandang kumbinasyon ang magkakaibang personalidad nina Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, at Pokwang.

“Maiba lang! Parang magandang idea to combine three very unique personalities.

“Siyempre lahat naman na mga programs dumaan sa pitching.

“Yung umisip po ng idea na pagsama-samahin ang tatlong characters na iba-iba ang personalities…

Naisip lang namin na dahil iba-iba sila, iba-iba ang dala nila sa table.

“Dahil iba ang dala nila sa table, for sure kung ano man ang ibato namin ready kami. Kahit ano man po ang ibato, itong line-up that we have right now, handang-handa po kami sa kahit ano pa yun.”

JERRY OLEA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na namamayagpag ang mga programa ng GMA.

Mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali, panalo sa game of ratings ang Eat Bulaga.

Kung Linggo, wagi naman ang All Out Sundays. Kaya hindi kailangang maging patola si Bayani o ang Tropang LOL sa mga parunggit at pang-uurot.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kesa pansinin ang bashers, sa work at pag-i-scrabble nila ng pamilya niya mas nakatuon si Bayani Agbayani.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results