GORGY RULA
Ang hirap paaminin ng YsaGuel love team na sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix nang nakatsikahan ng PEP Troika sa press preview ng bago nilang drama series na What We Could Be, na collaboration ng Quantum Films at GMA-7.
Ginanap ang press preview sa Trinoma Cinemaa nung Lunes, July 25, 2022.
Dinaluhan ito ng dalawa kasama ang iba pang bahagi ng cast na sina Yasser Mata, Vince Crisostomo, Joyce Anne Burton, Joel Saracho, Pamela Prinster, Soliman Cruz, at Lia Salvador.

The cast of What we Could Be with GMA-7's Joey Abacan and Quantum Films's Atty. Joji Alonso
Dito muna sa What We Could Be unang susubukan ang kanilang love team, dahil next year pa ang airing ng Voltes V: Legacy na bida sila.
Itong bagong drama series nila ay sa August 15 na ang playdate pagkatapos ng Bolera.
Ayon kay Miguel, “Yun talaga ang mauuna before ang Voltes V.
"At alam naman natin na maraming kailangang tapusin muna yung Voltes V, maraming kailangang paghandaan. Test, siguro in a way.
"Pero hindi naman naka-focus yung love team sa Voltes V, e. Hindi siya yung main story.
“Ito, ibang story itong What We Could Be. Hindi siya preparation para sa Voltes V.”
Dagdag naman ni Ysabel, “Ito, it’s entirely different take compared sa Voltes V. Nakakapanibago din.”
Lalo raw naging close sina Miguel at Ysabel dito sa What We Could Be, na ang duda ng ilang co-stars nila ay parang sila na.
Sabi ni Miguel, “Kami ni Ysabel, we’re very close. Kung tatanungin natin yung relationship namin, as in smooth. Kumportable kami sa isa’t isa. Nagtutulungan kami before the scene, and after the scene, pinag-uusapan namin.
“Pero yung personal relationship namin, okay din. Ahh… masaya.”
Natatawa na lang si Ysabel kapag kinukulit namin kung talagang sila na ba ni Miguel.
Read: Ina ni Ysabel Ortega, kinumpirmang nanliligaw sa anak si Miguel Tanfelix
Hindi naman ma-describe ni Miguel kung anong klaseng relasyon meron sila, pero kumportable raw sila sa isa’t isa.
Saad ng Kapuso young actor, “Parang walang words, e, para mag-describe ng relationship namin.
"Pero okay kami. Happy kami together. Comfortable kami sa isa’t isa.”
Sabi naman ni Ysabel, “Yung label is ‘what we could be’ showing na sa August 15.”
Si Jeffrey Jeturian ang director ng What We Could Be. Puring-puri niya ang mga artista niya rito, lalo na si Ysabel na siyang nagdala ng pilot week ng bagong drama series na ito.
JERRY OLEA
Ang dating magka-love team ay sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
Na-link si Bianca kay Ruru Madrid, at hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pag-amin sa kanila. OK lang iyon dahil hindi naman sila magkatambal sa ano mang Kapuso project.
Read: Ruru Madrid on relationship with Bianca Umali: “It's not that gusto naming ilihim ito sa mga tao.”
Baka mauna pang umamin ang JulieVer tandem nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, di ba? Balitang mahigit isang buwan na ang pagiging magkasintahan ng JulieVer, at welcome na welcome si Julie Anne ng mga kamag-anak ni Rayver.
Read: Julie Anne San Jose posts sweet message for Rayver Cruz; Rayver replies, "Mahal kita."
Bagamat noon pa ang bali-balitang magkasintahan na sina Miguel at Ysabel, ang pralala nila ay open pa lang sila sa possibility na mag-level up ang kanilang relasyon.
Pahayag ni Miguel, “Open naman ako sa mga possibilities. I’m single. She’s single. Puwede mangyari…. hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari in the future.”
Pag-ayon ni Ysabel, “Parang part na rin kasi yun sa… yun nga, for example sa Voltes V. We always talk about this. We’re very close with everyone there.
“So, we make it a point talaga to develop our relationship outside of work. Kasi nakakatulong naman talaga sa project namin.
“Basta right now, we’re just enjoying the moment. We will have working with each other. Nae-enjoy namin kung ano man yung ginagawa namin together, and one of that is this show and Voltes.
"Siguro that’s it. We’re just enjoying our time."
Oh, well… Basta, namamayagpag ngayon sa TV ratings ang Lolong na pinagbibidahan ni Ruru. Abangan natin kung mapupukaw rin ang interes ng televiewers sa love team nina Miguel at Ysabel.
Mas mataas kaya ang itatalang ratings ng YsaGuel series kesa sa ratings ng papalitan nitong Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos?
Andaming bagong love teams o Sparkle sweethearts sa Kapuso Network. Abang-abang tayo kung aling tambalan ba ang lubusang magniningning.
Pasok sa Ghost Month ang pag-uumpisa ng What We Could Be, pati na iyong panghapong serye na Return To Paradise na kapalit ng Apoy Sa Langit.
NOEL FERRER
Sana, alagaan na ni Miguel ang bagong ka-love team niya ngayon dahil lagi na lang siyang naa-outgrow ng kanyang mga kapartner.
In fairness, he’s got the looks and he has the talent. Maybe kailangan lang ng luck, Tito Gorgy?
