JERRY OLEA
OMK! Inilabas ng TV5 ang majastic trailer ng sitcom ni Maja Salvador na Oh My Korona nitong Hulyo 27, Miyerkules ng 7:00 p.m.
Agad itong nag-trending sa Twitter.
Co-stars ni Maja sa sitcom sina Joey Marquez, RK Bagatsing, Kakai Bautista, Pooh, Christine Samson, Jai Agpangan, Queenay Mercado, Guel Espina, Jessie Salvador, at Thou Reyes.
Kuwento ito ni Lavinia o Lablab, isang out-of-work hotel manager. Pangarap niyang makagpag-manage ng five-star hotel sa Amerika.
Nagbago ang mundo ni Lablab nang manahin niya sa kanyang yumaong ina ang isang dorm na pinamamahayan ng limang “stars” na gustong sumikat sa showbiz.
Na-discover si Lablab ng talent manager na si Louie Galang, kaso, isinumpa niyang hindi papasukin kailanman ang showbiz dahil ito ay nagpapaalala sa kanyang kinamumuhiang ama.
Ang sitcom na ito ay proyekto ng Crown Artist Management na pinamumunuan ni Maja at ng fiancé na si Rambo Nuñez.
Ang pilot telecast ng Oh My Korona ay sa Agosto 6, Sabado ng 7:30 p.m.
Read: Maja Salvador renews contract with TV5; gives teasers about upcoming project
NOEL FERRER
There are truly a lot of things to celebrate kay Maja these days.
1. Toprating pa rin ang Eat Bulaga! at bongga ang ibinigay na segment sa kanya na nagtatak sa kanya bilang dyosa ng sayaw sa bagong panahon;
2. Ito ngang bago niyang sitcom na siguradong magpapakita ng versatility niya;
3. Ang FAMAS nomination niya as best actress para sa Arisaka at sa husay naman niya yun sa drama;
4. At huwag nating kakalimutang engaged na sila ng mabait niyang partner na si Rambo;
at 5. Happy birthday din sa kaibigan nating si Rambo Nuñez ngayon. Today, we celebrate Maja… and Rambo, too!
GORGY RULA
Makakatapat ng Oh My Korona ang Tols nina Kelvin Miranda, Shaun Salvador, at Abdul Raman sa GTV.
Pero ang alam ko, isang season lang itong Tols, kaya ilang linggo na lang ay matatapos din ito. Wala pang balita kung mae-extend sila.
Pero nagti-taping na kasi ngayon si Kelvin ng Unica Hija.
Base sa trailer nitong Oh My Korona, parang ibang konsepto ito ng comedy kaya tingnan natin kung okay ang pagpapatawa nito.
Mahirap kasi talaga gumawa ng sitcom, dahil dapat magaling ang mga artista sa timing at swak ang buong cast.
Okay rin na sa weekend ang timeslot nito dahil nasa bahay ang buong pamilya, at magandang light at natatawa lang sila sa pinapanood nila sa TV.
Sa GMA-7 ay magkakasunod ang comedy tuwing Sabado: ang Pepito Manaloto nina Michael V at Manilyn Reynes, ang Jose and Maria’s BonggangVilla nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza.
Sa Linggo naman ang HappyTopGetHer ni John Lloyd Cruz, at sa lahat ng sitcoms, ito ang may pinakamataas na rating.
Curious akong panoorin itong OMK ni Maja Salvador. Nakuha na kaya ni Maja ang style ng pagpapatawa ng mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga? Tingnan natin!
