GORGY RULA
Nakakatuwa ang suporta ni Ellen Adarna sa bunsong kapatid ni Derek Ramsay na si Andrew Ramsay, na pinasok na rin ang pag-aartista.
Kasama si Andrew sa short film na Living in the Dead of Night, na iprinodyus ng kinabibilangan niyang production house, ang Cutaway Productions.
Nagkaroon ng press preview ang pelikulang ito nung Biyernes, July 29, sa Cinema 76 sa Quezon City. Ang grupo ni Ellen, kasama ang manager niyang si Danel Louise Calixto, ang nag-asikaso kay Andrew.
Wala ang mag-asawang Derek at Ellen sa press preview ng Living in the Dead of Night, pero nangako silang darating at susuportahan ang Cinemalaya movie ni Andrew na Ginhawa.
SabI ni Andrew, alam ng kanyang kuya na noon pa man ay hilig na niya ang pag-aartista.
Nag-aral siya ng Bachelor of Fine Arts and Acting for Film sa New York Film Academy. Nag-training din siya ng acting sa Liverpool Institute for Performing Arts, the Royal Academy of Dramatic Arts, at sa PETA o Philippine Educational Theater Association.
Pagbalik niya ng Pilipinas ay napagdesisyunan niyang mag-focus sa pag-arte. Nung nagsimula ang pandemya ay nabuo niya ang Cutaway Productions kasama ang ilang partners.
Hindi raw ipinaalam ni Andrew sa kanyang Kuya Derek ang plano niyang pag-aartista at pagtatayo ng isang film production company, pero ina-update naman daw niya ito at alam niyang susuportahan siya ng kapatid.
Ani Andrew, “To be honest, hindi naman ako nagpaalam sa kanya.
“Ever since I was young, alam niya na pangarap ko is to become an artist. Pero alam niya na that I was starting my own company, and alam niya na I wanted to pursue this my own journey.
“Maybe I didn’t make paalam. I just keep him up to date na, 'This is what I’m doing, Kuya.' Hopefully we can work together sa future.”
Si Andrew ang bida sa pelikulang Ginhawa na entry ni Christian Paolo Lat sa Cinemalaya 2022. Ibang experience din daw ito sa kanya at excited siyang nakagawa ng pelikulang Pinoy na Pinoy.
“Sarap sa pakiramdam, kasi first time ko mag-feature length film sa Cinemalaya. Dati ko pa gusto mag-act sa tunay na Pilipino na concept,” pahayag ni Andrew.
NOEL FERRER
Mga bagets na filmmakers ang partner ni Andrew Ramsay sa binuo nilang Cutaway Productions.
Kasama ang direktor at writer nitong Living in the Dead of Night na si David Olson, at ang executive producers na sina Warren Carmen at Mike Stamati.
Sabi ni Andrew, may mga gagawin silang pelikulang mag-aangat ng mga Pinoy sa ibang bansa. Hindi raw kagaya ng ilang international films na ginagawang domestic helpers ang mga Pinoy.
“Isa po ako… isang owner ng Cutaway. Nung nagsimula yung pandemya, I started a production company, cause I’ve always to start young.
“Kasi, as much as I love acting, I also want to produce my own content here. Kasi, halos lahat na mga Filipino actors who get cast sa Hollywood projects, nata-typecast sila as the maid.
“I want Cutaway to be that pioneering company that will push out more content that’s outside of that typecast world.
“I think, just the fact that we wanna be the first company to do it, siguro I know a lot of films, a lot of concepts aren’t up to date, but we want to keep the Philippines up to date. We wanna be the company to do that.”
JERRY OLEA
Nasa cast ng Ginhawa si Ruby Ruiz, na nakatrabaho na rin si Derek Ramsay. Ayon kay Ruby, mas magaling si Andrew kesa sa kuya niya.
Ang gala premiere ng sports drama na Ginhawa ay sa Agosto 9, Martes, 6:15 p.m. sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).
Ang buod ng Ginhawa, “Anton is an aspiring boxer. He hopes to continue the legacy of his older brother Saul who was given a chance to escape poverty by joining a competition in the city but later faced tragedy.
“Against his mother’s wishes, Anton leaves their small fishing town to pursue boxing in Manila where he unravels the ugly truth of the brutal sport.”
Co-stars din sa Ginhawa sina Duane Lucas Pascua, Rolando Inocencio, Dido de la Paz, Kiko Matos, at Chanel Latorre.