PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Team Hidilyn, Team Juday, super saya ng bonding sessions!

Ryan at Juday, ninong at ninang sa kasal nina Hidilyn at Julius
by PEP Troika
Published Jul 31, 2022
Ryan Agoncillo
Julius Naranjo
Hidilyn Diaz
Judy Ann Santos
Super saya ng bonding sessions nina (L-R) Ryan Agoncillo, Julius Naranjo, Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at Judy Ann Santos. Sina Hidilyn at Julius ay inaanak sa kasal nina Ryan at Juday.

NOEL FERRER

Hindi nakadalo ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo sa kasal nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo noong Hulyo 26, Martes, because of their family trip to Malaysia para suportahan ang anak na si Lucho Agoncillo and his Team Arayat in the La Liga Youth Tournament.

The Philippines’ placed 3rd in this International Competition. Not bad for a starter!!! First time nga iyong mapasali ang Pilipinas sa Top 3!!!

Ryan Agoncillo
Lucho Agoncillo
Judy Ann Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Hulyo 31, Linggo, nagkaroon ng surprise victory celebration for the kids by their parents.

And it was graced by no less than our Olympic gold medalist and her coach husband. It was also a good time for Ninong and Ninang to bond with their inaanaks.

Nakakatuwa lang, kasi buhay ang pinag-uusapan, hindi trabaho. Kung saan titira, ano ang magandang investment. Na-miss nina Haidie at Julius na kumain sa Angrydobo Taft kung saan sila nakatira noon malapit sa Philippine Sports Commission.

Ngayon, nagpaplano ang dalawang couples na mag-spend ng oras sa Batangas sa resort ng mga Agoncillos at mag-camping sa Jala-Jala with the Naranjos.

Gusto ni Haidie na matutong magluto, na game namang gawin ni Juday. Samantalang si Julius, maraming tanong tungkol sa sasakyan at business na si Ryan naman ang sumasagot.

Nang tanungin kung ano ang masasabi ng mga Agoncillos sa bagong kasal, ang sabi ni Ryan, “Kinikilig kami sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbibiro ni Juday, “Imagine ang mga inaanak namin, nakakayanig, lumilikha ng lindol.”

Ang sagot naman ni Julius, “We’ll make things more earthshaking for them.” Ani Haidie, “Basta sama-sama tayong pamilya.”

Ang huling retort ni Julius, “Basta, follow the leader.”

At nagtapos sa endless tawanan at kantiyawan ng dalawang sikat na personalities na walang keber sa kanilang stature, basta masaya at natural lang sila talaga!

JERRY OLEA

Heto ang pahayag ni Hidilyn sa Team Arayat ni Lucho na nanalo sa La Liga Youth Tournament sa Malaysia, “Nakikita ko ang sarili ko sa inyo! Noong bata ako, sali lang ako nang sali sa mga laro.

“Buti nga kayo, nanalo kayo agad ng Bronze. Ako, noong bata ako, panay ako talo, pero tuluy-tuloy lang ako.”

Hidilyn Diaz with Team Arayat including Lucho Agoncillo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaki ang pasalamat ni Hidilyn sa mga magulang ng mga batang ito— kasama na ang Ninang Juday at Ninong Ryan niya.

Dagdag ni Hidilyn, “Ituloy niyo lang ang pangarap niyo. Magsanay. Mag-training. Matuto pang lalo. Gagalingan niyo.

“Walang pangarap ang hindi matutupad basta gagalingan niyo at may tulong ng pamilya at Diyos at oo, ng bansang Pilipinas na nire-represent nating lahat!”

GORGY RULA

Sa totoo lang, malaking bagay ang role mo sa kanila, Sir Noel.

Pinagbuklod mo ang mga alaga mo na naging maganda naman ang samahan nilang lahat.

Malamang, mas marami pang maibibigay na magandang payo si Juday para kay Hidilyn kung paano gampanan ang pagiging isang ulirang misis.

Mabuhay ang mga mabubuting misis!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Super saya ng bonding sessions nina (L-R) Ryan Agoncillo, Julius Naranjo, Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at Judy Ann Santos. Sina Hidilyn at Julius ay inaanak sa kasal nina Ryan at Juday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results