PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga's The Entitled edges out The Gray Man on Netflix

Kabogera si Alex!
by PEP Troika
Published Aug 1, 2022
the entitled the gray man netflix
Alex Gonzaga's The Entitled is currently the No. 1 movie on Netflix Philippines, while the $200-M movie The Gray Man, starring Hollywood superstars Ryan Gosling and Chris Evans, dropped to No. 3.

JERRY OLEA

$200M ang production budget ng Netflix film na The Gray Man, kung saan umaatikabo ang habulan at bakbakan nina Ryan Gosling at Chris Evans.

Nag-umpisa ang streaming nito noong Hulyo 22, 2022, Biyernes. As expected, kinabukasan ng gabi, Hulyo 23, ay nanguna na ito sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.

Nakaisang linggo sa trono nito ang nasabing action-thriller film na nagtampok din kina Ana de Armas, Jessica Henwick, Rege-Jean Page, Dhanush, Alfre Woodard, at Billy Bob Thornton.

Noong Hulyo 30, Sabado, ay kinabog na ito ng The Entitled na pinagbidahan nina Alex Gonzaga at JC de Vera, sa direksiyon ni Theodore Boborol.

the entitled

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa ako sa ilang eksena sa movie, lalo pa’t kaswal na kaswal si Alex sa mga linyang barubal at eksenang bardagulan.

Naaliw ako sa reenactment nina Alex at Melai Cantiveros ng iconic scene nina Lavinia Arguelles (Cherie Gil) at Dorina Pineda (Sharon Cuneta) sa pelikulang Bituing Walang Ningning (1985).

Patok din ang hirit ni Alex patungkol kay JC sa ending ng movie, “Lulumpuhin ko ‘to!” Di ba, iyon ang banta ni Alex matapos silang ikasal ni Mikee Morada?

As we write this ay number 1 pa rin ang The Entitled sa Netflix Philippines, pumangalawa na ang Purple Hearts, at pangatlo iyong The Gray Man.

Ang pito pang pelikula sa Top 10 Movies list ay Recurrence, Bad Boys For Life, Spider-Man: No Way Home, Orphan, The Sea Beast, Molly’s Game, at Incantation.

netflix top 10 movies

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Opo! Ligwak na sa Top 10 Movies ang 366 nina Bela Padilla at Zanjoe Marudo, kaya iyong The Entitled lamang ang pelikulang Pilipino na nasa Top 10.

Sa Agosto 12 ay dalawang Pinoy films ang mag-i-streaming na sa Netflix, ang Regal movie na Northern Lights: A Journey To Love (2017) nina Piolo Pascual at Yen Santos, at ang Vivamax film na You and Me and The Ending/Ikaw at Ako at ang Ending (2021) nina Kim Molina at Jerald Napoles.

Nag-streaming sa Netflix ang The Entitled umpisa Hulyo 29, Biyernes, ang unang araw ng Ghost Month.

Kasabay niyon na ipinalabas sa Netflix ang Kapuso primetime series na First Yaya/First Nanny nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Waley pa sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang nasabing serye.

Sa listahan ay pito ang K-drama — Extraordinary Attorney Woo (1), Alchemy of Souls (3), Backstreet Rookie (5), Sell Your Haunted House (6), Police University (7), Dali & Cocky Prince (8), at Ghost Doctor (9).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa lamang sa Top 10 TV Shows ang gawang-Pinoy, iyong KathNiel series na 2 Good 2 Be True (2).

Gawang-Kano ang limited series na Keep Breathing (4), maging ang sci-fi horror drama na Stranger Things (10) na may apat na seasons.

netflix top 10 tv shows

Siyanga pala, noong Hulyo 29, Biyernes din nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax ang erotic thriller na Scorpio Nights 3 nina Christine Bermas, Mark Anthony Fernandez, at Gold Aceron, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Usap-usapan na prosthetic ang sex organ na ibinuyangyang dito nina Mark Anthony at Gold.

Kung gayon, official members na sila ng Dildo Boys na kinabibilangan nina Marco Gomez (Silab), Paulo Avelino (Fan Girl), Kit Thompson (Sarap Mong Patayin), Paolo Gumabao (Silip Sa Apoy), Vince Rillon (Kaliwaan), at Mon Confiado (Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili).

Nag-frontal si Marco Gomez sa Silab pero syempre, prosthetic iyong ari na pinutol at nginata ni Cloe Barreto sa climax ng movie.

Gaya ng inaasahan, nanguna sa Top 10 Movies of the Week ang Scorpio Nights 3, at pumasok din sa sampu iyong Scorpio Nights (1985) nina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Daniel Fernando. Nasa ikaanim na puwesto ito!

Ang iba pa sa Top 10 Movies of the Week ng Vivamax ay Tahan (2), Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (3), Virgin Forest (4), Kitty K7 (5), Biyak (7), Kaliwaan (8), Secrets (9), at Island of Desire (10).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

vivamax top 10 movies

Coming soon sa Vivamax ang mga pelikulang Purificacion (Agosto 5), Influencer (Agosto 12), Lampas Langit (Agosto 19), Sitio Diablo (Agosto 26), Bula (Setyembre 2), at Babaylan (Setyembre 16).

Nitong Hulyo 31, Linggo naman nag-pilot sa Vivamax ang unang episode ng seryeng Wag Mong Agawin Ang Akin, sa direksyon ni Mac Alejandre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palaban sa hubaran at lampungan ang mga bida rito na sina Angeli Khang, Jamilla Obispo, at Felix Roco.

Lahat ng mga palabas na ito ng Vivamax ay mapusok, mapangahas, makamundo!

NOEL FERRER

Hooked kami sa bahay sa Extraordinary Attorney Woo, na tungkol sa isang autistic lawyer (Park Eun-bin) na nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya.

Mataas ang IQ ni Atty. Woo, matalas ang kanyang memory at creative siyang mag-isip, pero mababa ang kanyang emotional intelligence at mahina siya sa social skills.

Nakakamangha ang storytelling nito!

extraordinary attorney woo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hahanap din ako ng panahon para sa pagpapanood ng Scorpio Nights 3.

Parang mananatili muna ang mga kababayan natin sa online platforms habang papaakyat ang mga kaso ng COVID.

But wait, walang makakapigil sa mga cineastes sa pagsuporta sa mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise.

Read: Mga direktor ng Cinemalaya 2022 entries, tinapos ang mga pelikula sa gitna ng pandemya

Inaabangan ko ang opening film na Leonor Will Not Die, sa direksiyon ni Martika Ramirez Escobar. Ipapalabas ito sa Agosto 5, Biyernes ng 6:00 p.m., sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).

Libre ang tiket sa opening film, pero first come, first served basis. Ipamimigay ang free tickets sa Biyernes mismo ng 4:00 p.m. sa CCP Main Ramp.

Tampok si JC de Vera sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?, na isa sa labing-isang full length features na nagko-compete sa Cinemalaya 2022.

Katambal dito ni JC si Janine Gutierrez, at ang gala premiere ng kanilang pelikula ay sa Agosto 6, Sabado ng 3:30 p.m., sa Tanghalang Nicanor Abelardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaparehong venue gaganapin ang gala ng iba pang movies ng Cinemalaya 2022, pati na ang pagpapalabas ng closing films at ang gabi ng parangal.

Dalawang documentary ang closing films ng Cinemalaya 2022 sa Agosto 13, Sabado — ang Delikado (3:30 p.m.) at We Don’t Dance For Nothing (6:15 p.m.).

Ang awards night ay sa Agosto 14, Linggo ng 6:15 p.m.

P250 ang tiket sa mga pelikula.

Agosto 10-16 ang pagpapalabas ng mga ito sa Ayala Cinemas (Glorietta, Trinoma, Manila Bay, Capitol Central, Centrio) at SM Cinemas (Megamall, Baguio, Clark, Dasmariñas, Legaspi).

GORGY RULA

Tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng mga pelikulang pang-streaming kagaya nitong sa Vivamax.

Hopefully ay rumatsada na ang AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ umpisa Agosto 8, Lunes. Tuluy-tuloy sila sa paggawa ng mga pelikula para sa streaming app na ito.

Kagaya nitong The Entitled, may iba pang pelikulang ginagawa para sa malalaking streaming app.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw lang muna ipabanggit pero interesado ang malalaking streaming app sa pelikulang Ang Pangarap Kong Oscars ng MAVX Productions na pinagbibidahan nina Paolo Contis at Joross Gamboa. Si Jules Katanyag ng GMA-7 ang nagsulat at nagdirek nito, na mukhang nakakaaliw ang takbo ng kuwento.

Exciting ding magsama sa isang nakakatuwang pelikula sina Paolo at Joross na alam natin kung gaano sila kagaling umarte.

paolo contis joross gamboa movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Paolo, ibang-iba raw ang konsepto nito.

“Parang ang gago lang namin dito!” natatawang pakli ni Paolo.

Nagagalingan daw talaga siya kay Joross, kaya natutuwa siyang magsasama na sila sa isang movie project. Ang gaan pa raw katrabaho ni Joross kaya nag-enjoy sila sa shooting.

Sa totoo lang, puring-puri rin ni Joross si Paolo kaya wala silang problema.

Kinunan ang ilang bahagi ng pelikula sa Catanduanes at malapit na raw nilang matapos ang shooting.

So far, hindi pa nila alam kung may theatrical release ito. Pero sa ngayon ay pang-streaming muna ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga's The Entitled is currently the No. 1 movie on Netflix Philippines, while the $200-M movie The Gray Man, starring Hollywood superstars Ryan Gosling and Chris Evans, dropped to No. 3.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results