GORGY RULA
Sa totoo lang, hindi naman kataasan ang special shows kagaya ng beauty competition o awards night. Pero itong katatapos lang na Binibining Pilipinas 2022 ay maraming nakuhang audience.
Obvious na inaabangan si Binibini 8 Herlene Nicole Budol kung magkaka-title siya sa naturang timpalak. Naka-2.1% ang combined ratings ng grand coronation ng Binibining Pilipinas 2022, na magkakasabay na napapanood sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.
Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022
Matindi naman kasi ang katapat nito, ang last part ng Kapuso Mo Jessica Soho na naka-15.6%, at ang The Boobay and Tekla Show na naka-4.6%.
Samantala, nagulat ang mga taga-Family Feud na tinaasan sila ng Apoy Sa Langit nung nakaraang Biyernes, July 29, 2022. Naka-9.7% kasi ang Apoy Sa Langit at tinalbugan ang Family Feud na naka-9.5%.
Ang Raising Mamay naman ay naka-8.8% sa finale episode nito.
Narito naman ang rating ng primetime nung nakaraang Sabado, July 30, 2022:
Ang 24 Oras Weekend ay 13.6%, at 2.1% naman ang TV Patrol Weekend.
Medyo tumaas ang Pepito Manaloto na naka-12.4%, at 4.9% naman ang Idol Philippines. Ganundin ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na 13.1%, na nakatapat ang Maalaala Mo Kaya na 2.7%.
Nung Linggo, July 31, naman ay naka-3.8% ang All-Out Sundays, at 2.7% naman ang ASAP Natin ‘To.
Consistent pa ring mataas ang combined ratings ng FPJ Da King na 4%, at 3.3% ang GMA Blockbusters.
Medyo bumaba naman ang Regal Studio Presents na naka-3.6%, at ang Amazing Earth ay 5.5%. Ang 24 Oras Weekend ay 11.9%, at 2.1% naman ang TV Patrol.
Medyo tumaas ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.3%, at 3.9% ang Idol Philippines.
Ang Happy ToGetHer ay 12.6%, at 1.2% ang He’s Into Her.
JERRY OLEA
Naghakot si Herlene Budol aka Hipon Girl ng special awards mula sa sponsors ng 58th Bb. Pilipinas.
Pero batid naman natin na ang importanteng special awards ay best in swimsuit at best in evening gown na parehong nakamit ni Gabrielle Basiano, na itinanghal na Bb. Pilipinas Intercontinental 2022.
Puwedeng blessing-in-disguise para kay Herlene na first runner-up lang siya sa timpalak.
Totoo bang may binubuo nang isang show ang GMA-7 para kay Hipon Girl? Kung nakakuha ng title si Herlene ay hindi niya agad masisimulan ang show dahil kailangan niyang maghanda para sa competition sa ibang bansa.
Bilang first runner-up ay wala siyang sasalihang kumpetisyon. Kaya hopia at asado tayong matutuloy itong binubuo ng GMA-7 para sa kanya. Di ba, swak na swak ang tambalan nila ni Buboy Villar bilang si Malakas at si Maganda sa prime-time series na False Positive? Solid!
Sa ngayon ay nasa South Korea pa si Buboy para sa taping ng Running Man Philippines. Nawa’y magpatuloy ang tandem nila ni Hipon Girl pagbalik ni Buboy sa bayang magiliw!

READ MORE:
- Herlene Budol vows Binibining Pilipinas 2022 to be her last
- May "Steve Harvey moment" ba sa announcement ng winners ng Binibining Pilipinas 2022?
- Winning answers of Binibining Pilipinas 2022 queens
- Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022
NOEL FERRER
Napanood ko ang Binibining Pilipinas pageant kagabi. Oo nga’t humakot ng special awards si Hipon Girl, pero mas marami pang mas maganda at mas handa sa kanya.
Baka next year, puwede pa siyang sumali uli. At least, mas gamay na niya siguro.
In the meantime, mukhang aariba muna siya sa mga showbiz commitments and endorsements. Go lang nang go!!!
