PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC de Vera Alex Gonzaga The Entitled, patok sa Netflix viewers

Kissing scene nina Alex at JC, wala sa script?
by PEP Troika
Published Aug 7, 2022
JC de Vera
Alex Gonzaga
Patok sa masang Pinoy at Netflix viewers ang bardagulan nina JC de Vera at Alex Gonzaga sa comedy movie nilang The Entitled, na nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines nang ilang araw mula noong simula ng streaming nito noong July 29.

JERRY OLEA

Nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines nang ilang araw ang pelikulang The Entitled na pinagtambalan nina Alex Gonzaga at JC de Vera.

JC de Vera
Alex Gonzaga

Maging sa iba’t ibang bansa ay rumatsada ang nasabing comedy movie na nag-umpisang mag-streaming noong Hulyo 29, Biyernes, unang araw ng Ghost Month.

As of this writing ay pangalawa sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang The Entitled.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng naka-appreciate and na-surprise dun sa tambalan namin ni Alex,” sabi ni JC nitong nakaraang Sabado, Agosto 6, sa cocktails area ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

“Ako man, na-surprise ako dun sa outcome pero well, shooting that film, definitely tawa lang kami nang tawa the whole time.

“Kaya siguro yung outcome ng movie, talagang masaya siya panoorin!”

Nakaka-surprise yung kissing scene nila ni Alex!

Napangiti si JC, “Basta ang masasabi ko lang, kaming dalawa, very careful kami sa lahat ng ginawa namin dun.

“And kailangan ng approval ng isa’t isa, and kailangan ng understanding.

“So, we came up with that scene and made the movie very beautiful.”

Patok sa masang Pinoy ang mga barubalan at bardagulan nila ni Alex.

“Si Alex yun!” pagmamatuwid ni JC. “Hilarious! As in ang hirap hindi tumawa kapag kaeksena siya.

“Kasi, alam mo yun, we all know na si Alex talaga ay very funny pagdating dun sa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patok sa masang Pinoy ang mga barubalan at bardagulan nila ni Alex.

“Si Alex yun!” pagmamatuwid ni JC. “Hilarious! As in ang hirap hindi tumawa kapag genre na yun.

“Pero nung pinakita niya dito sa The Entitled, parang ni-level up niya nang another notch pa.

“Kaya nga ang hirap-hirap umarte kasama niya. Kasi, yung character ko, I have to portray someone na very straightforward and strict.

“E di ba, paano nga naman ako magiging seryoso kung yung kausap ko at kaeksena ko, ganun palagi, di ba?”

Alex Gonzaga
Andrea Abaya

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tawang-tawa rin siya kay Alex sa mga paandar at pasiklab nito sa shooting?

Pagtatapat ni JC, “May mga couple of times na nagka-cut na, kasi, hindi na talaga kayang pigilan, e! Hindi na kayang pigilan ang tawa.

“Pero naitatawid namin and yun pa naman talaga yung nature ng trabaho namin.”

Ang ganda ng chemistry nila ni Alex. Bitin ang ending ng The Entitled, kung saan nagbanta si Alex na “lulumpuhin” si JC.

Alex Gonzaga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyon din ang pangako noon ni Alex matapos silang ikasal ni Mikee Morada.

“Gustung-gusto kong makatrabaho ulit si Alex. Actually, maraming nagsasabi na bitin yung movie. I agree,” sambit ni JC.

“Pati ako, nabitin ako and I would love again to work with Alex anytime.

“Nung in-offer sa akin yung The Entitled, hindi ako nagdalawang-isip. Kasi, gusto ko talaga siyang makatrabaho.”

Second time na nila itong pagtatrabaho ni Alex.

Ang una, sa iWant original movie na Everybody Loves Baby Wendy (2018). Iyon ang huling pelikula ni Direk Wenn Deramas.

Ibang-iba yung dynamics nila ni Alex sa The Entitled kumpara sa aktingan nila ni Janine Gutierrez sa Cinemalaya 2022 film na Bakit Di Mo Sabihin?

Napatango si JC, “Yes, yes, very different and I hope you guys get to watch this film. Kasi, this is for, you know, the deaf community.

“And we made sure na all of your senses will be open kapag napanood ninyo ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ang suwerte in JC de Vera na mga magagandang projects ang napupunta sa kanya.

Isipin mo na ang ganda pala ng role ni Kit Thompson sa Flower of Evil na napunta na sa kanya.

Nasusubaybayan ko rin ito at mabigat din ang role niya rito na nakipagsabayan din sa major support nina Joross Gamboa at Joem Bascon.

Mai-in love kaya ang role niya rito kay Lovi?

Na-enjoy ko rin ang The Entitled sa Netflix, at meron na naman siya ngayon sa Cinemalaya na Bakit Di Mo Sabihin?

Congratulations, JC! Sana, mag-Best Actor ka sa Cinemalaya!

NOEL FERRER

Tama ka, Tito Gorgy, may kasamang luck siguro si JC dahil sunud-sunod ang work niya and he simply delivers.

Magamda rin na tinatawag siyang lalakeng walang anggulo dahil maganda talaga ang vista kapag si JC de Vera.

Simpleng tao lang siya talaga, walang big actions at flamboyance ala Alex Gonzaga.

OK na iyan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patok sa masang Pinoy at Netflix viewers ang bardagulan nina JC de Vera at Alex Gonzaga sa comedy movie nilang The Entitled, na nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines nang ilang araw mula noong simula ng streaming nito noong July 29.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results