PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Brylle Mondejar on exploitation in showbiz industry

Brylle Mondejar, aktibo pa rin sa pag-arte hanggang ngayon.
by PEP Troika
Published Aug 11, 2022
brylle mondejar la traidora
Brylle Mondejar on exploitation and indecent proposals in the showbiz industry: "Honestly, may mga nagbibitaw ng salita. May mga nag-o-offer pero ang kagandahan lang nung time ko, andiyan ang papa ko, e! May bantay ako. Daddy ko, nandidiyan. So, naalagaan naman ako. Nadadaan na lang sa tawa."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

User-friendly si Direk Darryl, ang karakter ni Brylle Mondejar sa pelikulang La Traidora na streaming sa AQ Prime umpisa Agosto 8, 2022, Lunes.

Pasabog ang mga talakitok nila ng all-around assistant na si Bubbles (OJ Arci), maging ang pagpapasasa niya sa dalag ng baguhang aktor na si Miguel (Juan Calma).

Chinarot pa ni Direk Darryl na mag-threesome sina Miguel, Shiela (Joni McNab), at Dina (Mia Aquino) for the sake of Art.

Take note na gamiterong gay director din ang ginampanan ni Brylle sa 2017 stage play na Solo Para Adultos (For Adults Only), na kagaya ng La Traidora ay idinirek ni Alejandro “Bong” Ramos.

“Iyong Solo Para Adultos, parang naging pelikula, e,” napangiting sambit ni Brylle sa mediacon ng AQ Prime noong Lunes sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

“Pero may twist itong La Traidora. Iba rin yung istorya niya.

“So, nakakatuwa. Siguro para hindi na rin mahirapan si Direk Bong, kaya siguro naisip niya na ako ang gagawa para yung concept niya, mas madali na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Payag pa rin siya sa mga mapangahas na eksena?

Humugot muna ng malalim na buntong-hininga ang beteranong aktor, “Aaahhh, hmmnn… siguro, nagtiwala lang ako kay Direk Bong.

“Kasi, may respeto rin si Direk Bong sa akin. So, mas maingat pagdating sa mga ganoong scene. We’ll see.”

Ano ba ang maaasahan ng mga manonood sa La Traidora?

“Hindi lang po siya sexy film. Kasi, Director’s Cut nga, so, alam mo na what to expect, di ba?” pagmamatuwid ni Brylle.

“Ahh, ang nakakatuwa dito, e, may comedy part din siya. Hindi siya puro hubaran. Kumbaga, may istorya siya.

“At maaaliw kayo, kasi, meron talaga siyang light moments na mae-entertain kayo.”

Dinalirot ng La Traidora ang gamitan at exploitation sa movie industry. Meron ba siyang ganoong personal na karanasan noong kabataan niya na nasa That’s Entertainment siya? May nabalitaan siya?

“Yung balita, maraming mga kumakalat, di ba? So, pupulutin mo na lang kung ano yung puwedeng mapulot na maganda or pangit,” salaysay ni Brylle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Katulad nitong film na ito, magre-research ka ulit how to do your character. I mean, kung may something new na maio-offer.

“So, mamumulat ka rin sa mga naririnig mo, sa mga nababalitaan mo, para magkaroon ka ng maliliit na nuances. Yung mga ganun.

“And yun nga, dahil showbiz industry ito, ahh, nandudun din yung mga… it’s either power trip, or taking advantage of the little ones, yung mga ganun.

“Not naman yung buong showbiz industry, pero siyempre, dahil may mga ganun nga, may mga actors na gustong maging artista na sumikat.

“Meron naman na mga luku-luko na nagte-take advantage. So, panoorin niyo po ang La Traidora para malaman niyo po ang ins and outs of the showbiz industry.”

Meron siyang personal experience sa ganun?

“Honestly, may mga nagbibitaw ng salita. May mga nag-o-offer pero ang kagandahan lang nung time ko, andiyan ang papa ko, e!

“May bantay ako. Daddy ko, nandidiyan. So, naalagaan naman ako. Nadadaan na lang sa tawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yung mga ganun. Pero alam mo na may mga pasaring but everything’s OK. Siguro, depende na lang kung paano mo iha-handle ang situation,” sabi pa ni Brylle.

GORGY RULA

Marami sa taga-That’s Entertainment (1986-1996) ang nawala na sa showbiz. Isa si Brylle sa mga graduate ng nasabing TV program na nag-aartista pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit nagtagal siya sa showbiz industry?

“Actually, tanong ko rin yun, e. Pero again, nagpapasalamat talaga ako kay Lord dahil up to now, nabibigyan ako ng mga pagkakataon tulad nito,” lahad ni Brylle.

“So, once you love your work, di ba, talagang hahanap-hanapin ng katawan mo, e.

“And ito yung mga venues na nagagawa ko yung acting. Ako, talagang thankful ako.

“Wala akong sinasabi na I’m good, or I’m better than the others. Basta thankful lang po ako na nabibigyan pa rin ako ng pagkakataon, and I’m still here.

“I’m still here, and I’m learning, and I’m trying to do my best.”

Kumusta ang pakikipag-bonding niya sa mga kasamahan sa That’s Entertainment?

“We’re good. Actually, meron kaming Viber group ng mga taga-That’s. And madalas dun nagkukumustahan, nagbabatian ng happy birthday,” tugon ni Brylle.

“Kung meron mang nawalan ng someone, or merong pumanaw, dun din nagko-condolence.

“Regarding naman sa mga kagrupo ko sa Tuesday Group, yung mga boys, once in a while, we get to see each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sina Jeffrey Santos, sina Ryan Soler, sina Mikee Espinosa. Minsan pag puwede si Billy [Crawford], nakakapunta si Billy.

“Mga ganun, sa Tuesday Group. So, nagsasama-sama pa rin kami once in a while.”

Recently ay naka-bonding ni Brylle ang mga ka-Tuesday group din niyang sina Raffy Romillo at Jigo Garcia.

Anu-ano ang napapag-usapan nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Brylle, “Siyempre, una yung health. Ha! Ha! Ha! Ha! Mukhang umabot na rin kami sa ganun, e. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Parang, ‘Kumusta ka na? Meron ka na bang…?’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“Merong mga nawala na rin, lalo na itong pandemic siyempre. Yung concern mo saka yung fear.

“Na lahat kayo talagang, ‘Kumusta ka na?’ Yung iba, may mga tinamaan, e. So, kukumustahin mo.

“And you’re also worried na baka one day, ikaw naman ang matamaan. Yung mga ganun. So, kumustahan talaga.

“But at least, karamihan sa grupo namin, medyo mahilig silang mag-exercise. Yung iba, into biking na nga, e.

“Ako na lang yata yung hindi nakakasama sa kanila, e. Yung biking, dinadahan-dahan ko na.

“Pero hindi ko sila masamahan dun. Kasi, batak na sila, e. Malayo na ang nararating nila. So ako, mga short trips lang muna, mga within the area lang.”

NOEL FERRER

Welcome back sa pagiging active muli sa show business, Brylle Mondejar!!! You should make Kuya Germs proud!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brylle Mondejar on exploitation and indecent proposals in the showbiz industry: "Honestly, may mga nagbibitaw ng salita. May mga nag-o-offer pero ang kagandahan lang nung time ko, andiyan ang papa ko, e! May bantay ako. Daddy ko, nandidiyan. So, naalagaan naman ako. Nadadaan na lang sa tawa."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results