PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pops Fernandez continues to produce concerts amid pandemic

Nonoy Zuniga at Hajji Alejandro, nagka-COVID habang na sa U.S. tour.
by PEP Troika
Published Aug 12, 2022
four kings and a queen
Four Kings And A Queen, a concert featuring OPM hitmakers Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Hajji Alejandro, and Marco Sison and Concert Queen Pops Fernandez, will be staged at the Newport World Resorts on August 26 and 27.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ang laki ng pasasalamat ni Pops Fernandez na naging successful ang U.S. tour ng iprinodyus niyang concert, ang Four Kings and A Queen.

Kasama ng original Concert Queen ang hitmakers na sina Rey Valera, Marco Sison, Hajji Alejandro, at Nonoy Zuñiga.

Sa Northern California sila unang isinalang nung June 25, 2022. Nasundan ito sa Los Angeles nung June 26 at sa Atlantic City nung July 9.

Dapat ay sa Las Vegas sila nung July 1, pero nagka-COVID sina Hajji at Nonoy pati ang ilang staff ng production kaya na-postpone ito at na-reschedule nung July 10.

Awa ng Diyos, sabi ni Marco, sold-out lahat ang apat na shows na ito.

Ang DSL Events and Production ni Pops ang nag-produce, kasama ang Amore Entertainment, ng Four Kings and A Queen sa Amerika.

Itong COVID experience ang isa sa challenges na hinaharap ng mga nagpu-produce ng concert.

“Hindi madali ang mag-produce, ha? It’s very difficult,” bulalas ni Pops sa mediacon ng concert sa Mesa Restaurant, Tomas Morato, Quezon City, nung Huwebes, August 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pakay ng mga producer, there’s always a risk in investing, di ba? Hindi natin alam. 'Takot pa ba ang mga taong lumabas? Kaya ba nila…' It’s really not about the show. 'Are they still scared?'

“They always say it’s easy to produce, to come up with something like this. It is not.

"It is very challenging. It’s very difficult. But, yun na nga… there’s always… why do we keep doing it?

“Ang sabi nga… I will speak for other producers. Why? Because there’s something about... there’s that joy that gives us... lalung-lalo na pag successful siya. Pag nakikita namin na, ‘Uy! Ang dami naming napaligaya!’

“Of course, nakakatulong pa kami sa production team, sa production namin and sa aming mga artist. And it makes a lot, di ba? It’s very important,” dagdag niyang pahayag.

Dahil sa success ng concert nila sa Amerika, tinawagan daw si Pops ng Newport World Resorts, ang dating Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, kung puwedeng gawin nila ang Four Kings and A Queen sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naka-schedule na ang Four Kings and A Queen sa Newport World Resorts sa August 26 at 27.

Kasama ni Pops na mag-produce dito ang Dreamwings Production nina Ms. Flor Santos at Ms. Cora de Guzman.

Nagpapasalamat ang original Concert Queen na kahit nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, may gusto pa ring mag-produce at nag-sponsor ng concert ng ating mga local artists para tuluyan na ring makabalik ang live entertainment.

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagtitiwala. Hindi lang sa amin, kundi sa iba pang mga artist. Because, again, it’s not easy to come back.

“Maraming salamat po sa lahat na mga producers. Hindi lang dito kundi sa ibang bansa. Kasi kung walang producers, papa'no naman kami kakanta?” saad ni Pops.

NOEL FERRER

Sa simula pa lang ng presscon nung Huwebes, nakangiti pa si Hajji na ibinalitang sila nga ni Nonoy ang tinamaan ng COVID sa gitna ng kanilang U.S. concert tour.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang nangyari, dun sa U.S. tour namin. napakasaya! Na-COVID kami.

"Kalahati ng crew, kalahati ng ano… kami ni Nonoy, dun kami nadale.

“Ang schedule na-push back kasi nag-quarantine kami,” nakangiting pakli ni Hajji.

Isa raw sa jokes nila sa concert, sina Marco, Hajji, at Nonoy ang mga guwapo. Si Rey ang masuwerte.

Kaya biro ni Rey, “Yung mga COVID na 'yan, problema ng guwapo 'yan. Hindi problema ng mga masuwerte 'yan.”

Pero sana nga, suwertehin itong produksiyon na ito dahil malapit na ito at sana nga, lumabas na ang mga tao at feeling safe na sila.

Paano pala ang safety protocols nito?

JERRY OLEA

Tila dumarami muli ang bagong kaso ng COVID-19. Nakakatakot pa ring pumunta sa mga face-to-face event na maraming tao.

Sa isang recent TV mediacon, mabuti at may antigen test. Dalawang asymptomatic ang nag-positive sa coronavirus.

Sa isa pang mabituing event kung saan daan-daan ang dumalo, sandamukal ang na-COVID, kabilang ang ilang sikat na personalidad na senior citizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaghihinalaan na ang spreader sa walwalan ng gabing iyon ay isang baguhang aktres.

Kaya ibayong ingat dapat kung dadalo sa mga face-to-face event, or else…

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Four Kings And A Queen, a concert featuring OPM hitmakers Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Hajji Alejandro, and Marco Sison and Concert Queen Pops Fernandez, will be staged at the Newport World Resorts on August 26 and 27.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results