JERRY OLEA
Nabulabog ang mga sirena at diwata sa dukutan nina Kristof Garcia at Kurt Kendrick sa trailer ng pelikulang Adonis X, na idinirek ni Alejandro “Bong” Ramos.

May naramdaman ba sila sa eksenang iyon?
“May naramdaman ka ba?” tanong ni Kristof kay Kurt sa mediacon ng AQ Prime noong Agosto 8, Lunes sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.
Mapanukso ang ngiti ni Kurt, “Parang meron, e!”
Pagmamatuwid ni Kristof, “Bilang isang aktor, hindi mo dyina-judge yung karakter na pino-portray mo.
“Feeling ko, nakatulong naman siya nang malaki sa pelikula, at inalagaan po kami ni Direk Bong. Ayun, sobrang safe po ang pakiramdam sa set.”
Sambot ni Kurt, “Honestly speaking po, even though na first time ko sa ganitong klaseng role, naging madali siya for me because of the staff, the directors and even the actors.
“They made me feel na it’s easy even though radically it’s not. So yun, naging malaking tulong sa akin as a first timer in this kind of movie, na ganito yung mga naging katrabaho ko.
“They made me feel safe and secure na, ‘Gawin natin ‘to for the sake of the movie.’
“And sabi ko nga sa sarili ko, since first time kong ginawa ito, kailangang mabigyan ko ng justice yung karakter.
“Ganun naman ako, e. I try to be the character because the secret to acting is to not act, but to make it you. Believe it’s you, then portray it the best way you can.”
Dagdag ni Kristof, “Sobrang naging madali po para sa akin na gawin yun dahil na rin kay Kurt. Kasi, napaka-professional niya at hindi siya maarte.
“Ginawa lang namin siya na ganun. Kasi, pag nag-inarte ka, uulit-ulitin mo. Mas mapapatagal, e. Kapag ginawa mo na siya, one take lang, di ba? Walang delay.”

Kilig-kiligan ang mga sireyna at diwatala sa maaalab na paghihinang ng kani-kaniyang mga labi, at pagsasanib ng kanilang katawang lupa.
Salaysay ni Kristof, “Hindi lang po si Kurt ang naka-scene ko. Meron din kay Jaycee [Domincel], pati kay Grace [Vargas].
“Pero mas palaban po si Jaycee sa scene nila ni Grace kesa dun sa scene namin. Kasi, yung scenes ko dito, yung role ko, mas into Kurt talaga, saka kay Grace.”
Kumusta namang ka-love scene si Grace?
“Ay! Ano siya, napaka-professional saka wala siyang arte sa katawan. Sobrang madali para sa akin na ginawa ito,” tugon ni Kristof.
Yung ibang AQ Prime studs, palaban sa frontal nudity. Keri rin ba niyang mag-frontal?
“Sa ngayon, hindi pa po. Parang hindi pa siya kailangan. Pakonti-konti lang muna,” katwiran ni Kristof.
“Pero pag kailangan na siyang gawin, gagawin ko po. So far, wala pa naman pong nag-offer sa akin ng project na may frontal. Puro may butt scene lang.”
Streaming na ang Adonis X umpisa Agosto 8 sa AQ Prime. Nasa cast din nito si Mark McMahon.
Coming soon sa AQ Prime ang iba pang movies ni Kristof na Sosyal Medya with Brenda Mage, at Z Love with Devon Seron.
Streaming naman sa Vivamax Plus ang Pinoy BL series niyang Love at the End of the World (na sa GagaOOLala unang ipinalabas) at Kumusta, Bro?
GORGY RULA
Tilam-tilam ang mga juding at tukling sa Instagram post ni Kristof noong Mayo kung saan bakat ang kanyang Easter eggs sa short na suot sa may swimming pool.
“Easter eggs ba yun? Hahaha!” pagtawa ng BidaMan finalist na nagdiriwang ng kaarawan ngayong Agosto 13, Sabado.
“Ang hirap kasing itago, e. Parang… minsan, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin napapasin na lumalabas siya. Hahahaha!”
Kumusta si Kurt nung daklutin nito ang kanyang harapan sa isang eksena sa Adonis X?
“OK naman siya. Kasi, OK naman si Kurt, e. Wala namang malisya. Hawak ko tapos, sa scene, hahawakan niya. Dinukot niya yung akin.”
Si Kurt lang ang “mandurukot” sa eksena iyon. Kaya ba OK lang kay Kristof, dahil lalaki ang nandukot sa kanya?
“OK lang kahit hindi basta hindi magte-take advantage. Parang… with respect pa rin saka work lang talaga,” tugon ni Kristof.
“Tiwala naman po ako dito kay Kurt. Kasi kami ni Kurt, nilalaro lang namin. Hahaha! Parang trip-trip lang, mga ganun.
“After shooting the scene, tawanan lang kami. Saka ano naman, with respect and consent naman.”
Parang mas matindi yung ginawa niya sa Love at the End of the World kesa sa Adonis X?
Pag-amin niya, “Opo, parang dun ako nabinyagan talaga. 'Tapos, parang… mas madali na yung ibang sumunod na movies.
“Parang OK pala yung bigla, biglain mo na agad. Para hindi na masyadong mahirap sa susunod.
“Pero sana, may mai-offer pa ako sa mga susunod na projects na ibigay sa akin.”
Ano ang reaksyon ng mga kapamilya, kaibigan o kakilala niya matapos matunghayan ang kapangahasan niya sa Love at the End of the World?
Aniya, “Halos nagulat sila, kasi yung pagkakakilala nila sa akin—ganito, pormal, sobrang… nababaitan sila sa akin.
“Parang hindi nila expected na gagawin ko. Kasi, mukha daw akong mabait. Mukha daw akong hindi ko gagawin yun.
“Pero may side daw po akong ganun. E, ako naman kasi, yung goal ko talaga as an actor… i-challenge ko yung sarili ko na maging versatile ako.
“Yung parang kahit anong role ang ibato sa akin, kaya kong gawin. Yun yung goal ko talaga, e, maging character actor.
“Saka I love doing this. Parang nasa puso ko talaga, passion ko talaga ang pag-arte. Kaya china-challenge ko talaga ang sarili ko.”
Magugulat pa ba ang mga manonood sa ginawa niya sa Adonis X? O mas matindi pa rin ba ang naunang ipinakita niya sa Love at the End of the World?
“Ahh, mas matindi yung sa Love at the End pero mas madaming ipinakita dito,” pag-amin ni Kristof.
“Kasi dun, parang konti lang, e, yung ipinakitang mga parts. Pero dito, mas maraming mga ganun.”
NOEL FERRER
Kinabahan si Kristof matapos ma-preview ang Adonis X. May mga eksena roon na hindi niya inasahan na ganoon lalabas?
“Yes! Na parang, ‘Ay! Ganun pala siya.’ Ipapakita pala ito, hindi ko alam na ipapakita. Akala ko kasi, konti lang,” lahad ng birthday boy na si Kristof.
“Nagulat ako pero sana, magustuhan niyo po! I-share nyo po sa mga kakilala ninyo.”
Bakit kinabahan pa siya nang mapanood ang Adonis X, gayong mas matindi nga yung nauna niyang ginawa na Love at the End of the World?
“Siguro po, dahil iba po yung atake ni Direk Bong saka ni Direk Shandii (Bacolod). Magkaiba sila,” saad ni Kristof.
Bilang isang Adonis sa totoong buhay, ano ang maipagmamalaki niya?
Napabuntong-hininga si Kristof, “Ano po kasi ako, e, hindi ako yung nakikilala ninyo na ganito. Parang…
“Sa likod po ng nakikita ninyong ito, isa po akong public servant talaga. Barangay kagawad po ako sa Brgy. San Pedro, Guagua, Pampanga.
“Dati po akong SK, 'tapos naging kagawad po ako. At hanggang ngayon ay naghe-help po tayo sa mga student.
“Namimigay tayo ng tablets, scholarship, saka mga school supply.”
Mula sa PEP Troika… makabuluhang kaarawan, Kagawad Kristof!!!
