PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cast ng Ang Probinsyano, Darna, special guests sa ASAP Natin 'To

John Estrada, saludo sa work ethic ng Ang Probinsyano production team
by PEP Troika
Published Aug 14, 2022
ASAP Natin 'To
Ang Probinsyano
Darna
Kaabang-abang ang mga production numbers at iba't iba pang pasabog mula sa cast ng Ang Probinsyano at Darna, na special guests sa August 14 episode ng ASAP Natin 'To.

GORGY RULA

“Pahinga muna, anak!”

Ito raw ang gustong sabihin ni John Estrada sa sarili pagkatapos niyang ma-lock in nang halos pitong buwan sa Ilocos Sur at Ilocos Norte para sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Gusto raw niyang makabawi sa pamilya niya dahil sa tagal niyang hindi nakasama at naka-bonding ang mga ito.

“I’ll give time to my family,” pakli ng aktor nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules, August 10.

Pagkatapos ng taping niya sa Ilocos, kaagad na umuwi siya sa kanyang pamilya, at nung nakapanayam namin ay medyo bitin pa raw siya dahil hindi pa niya naka-bonding nang mabuti ang kanyang asawa’t anak.

“Hindi pa nga. Magpapasukan na naman. Papasok na ang anak namin sa eskuwela. Ang asawa ko, busy rin sa anak namin sa preparasyon, sa pasukan.

“Siyempre naman, tuwing umuuwi naman ako rito, pag break namin after lock-in namin ng isang buwan, I make it a point na ilalabas ko naman ang mag-ina ko, and mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Babawi talaga ako ng malaking bawi, kasi halos 7 months yata ako na hindi nakita. Patalun-talon naman yun.

“Yeah, seven months din akong wala dito sa bahay. Akala nga namin, Ilocano na kami,” natatawa niyang pahayag.

Pero sabi ni John, sulit dahil naging bahagi siya sa teleserye ni Coco Martin.

“Isang karangalan talaga. It’s a privilege to be part of the longest running TV series, ‘no? Ang FPJ’s Ang Probinsyano nga. I’m sure, lahat kami, iyan ang nararamdaman.

“Meron ngang biru-biruan, e. Sabi nga e, hindi makumpleto ang pag-aartista mo pag hindi ka nag-guest sa Ang Probinsyano,” sabi pa ni John.

Hindi pa masabi ng aktor kung kailan siya makakabalik uli sa isang drama series, pero ang gusto raw sana niya ay masunod ang set-up ng teleserye ni Coco na alagang-alaga silang mga artista.

Ani John, “Isa sa pinaka na-appreciate ko, at hindi ko alam kung kailan ko uli maranasan, ang work ethics na katulad sa Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakaganda kasi ng work ethic sa Ang Probinsyano. Pag sinabing 12 hours, 12 hours lang. Hindi ka puwedeng sumobra dun.

“Grabe! Talagang… sorry to say. No offense to any network. No offense to any production. Dito, pakiramdam mo, talagang artista ka talaga.”

NOEL FERRER

Puring-puri ni John si Coco na ang laki raw ng ipinagbago bilang aktor, at napabilib din siya sa pagdidirek nito.

Bale pang-apat na project na itong pagsasama nilang dalawa.

“Co is always close to my heart. Matagal ko nang sinasabi sa taong ‘yan, hindi pa siya Coco Martin. Hindi pa siya ganito ka-superstar, sinabi ko, ‘Alam mo, sa ugali mo at sa kung paano mo binibigay ang puso’t damdamin mo sa isang project ay malayung-malayo ang mararating mo.

“Ito na nga, isang Coco Martin meron tayo ngayon. I’m just really proud of him.

“Ang laki ng talagang… you know, from our last teleserye which is Ikaw Lamang to now, nakita ko yung growth ni Coco, hindi lang as an actor, you know.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ano siya talaga, talagang all-around siya. Henyo siya sa larangan ng series, pelikula, talagang siya na. Matindi ang maiambag pa ng isang Coco Martin sa industriya natin.

“For me, bilang artista, I’m so glad that we have somebody like Coco Martin in the industry.”

Hihintayin natin ang mga susunod na projects nila after FPJ’s Ang Probinsyano na mahirap talagang pantayan at masundan.

JERRY OLEA

Mission accomplished!

Umabot sa 563,543 ang concurrent online viewers ng finale ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Agosto 12, Biyernes ng gabi.

Ang Probinsyano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALL-TIME HIGH ito ng adventures ni Cardo Dalisay.

Nag-multiple top trending din ang topics kaugnay sa FPJ’s Ang Probinsyano sa Twitter.

Ang Probinsyano

This August 14, Sunday, live na magpapasaya ang all-star cast ng FPJ's Ang Probinsyano at Mars Ravelo's Darna sa ASAP Natin 'To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ang Probinsyano
Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May thanksgiving treat ang long-running Kapamilya action serye na FPJ's Ang Probinsyano, tampok sina Coco Martin, John Arcilla, Lorna Tolentino, Rowell & Raymart Santiago, John Prats, Michael de Mesa, John Estrada, Geoff Eigenmann, Marc Solis, John Medina, Smugglaz, Bassilyo, Sancho delas Alas, Jay Gonzaga, CJ Ramos, Jimboy Martin, MJ Flores, Marvin Yap, Malou Crisologo, Whitney Tyson, Nonong Ballinan, Raymond Bagatsing, Roi Vinzon, at Sharon Cuneta.

May special messages mula kina Bela Padilla, Yam Concepcion, Arjo Atayde, Jhong Hilario, Charo Santos-Concio, at iba pa.

Abangan din ang madamdaming musical tribute para kina Fernando Poe Jr. at Susan Roces mula kina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, KZ, Angeline Quinto, Jed Madela, Klarisse de Guzman at Ang Probinsyano stars John Arcilla, Michael de Mesa, at Sharon Cuneta.

Lalarga na ang welcome pasabog ng Mars Ravelo's Darna, tampok ang tapatan ng New Gen Birit Idols na sina Sheena Belarmino, Fana, Elha Nympha, Lara Maigue, kasama si Regine Velasquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susundan ito ng mapangahas na performance mula sa bagong Valentina na si Janella Salvador, at ang bonggang sorpresa mula sa bagong Darna na si Jane de Leon.

Maki-lipad din sa P-Pop performance ng BGYO na sasabayan ng pagrampa ng all-star cast ng Mars Ravelo's Darna na sina Jane, Janella, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Paolo Gumabao, Simon Ibarra, Richard Quan, Eric Fructuoso, Dawn Chang, Levi Ignacio, Young JV, Jeffrey Santos, Mark Manicad, LA Santos, Zeppi Borromeo, Joj Agpangan, Viveika Rabanes, Marvin Yap, Gerard Acao, Yogo Singh, at Rio Locsin.

Huwag palampasin ang bigating all-star Kapamilya treat na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, live sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaabang-abang ang mga production numbers at iba't iba pang pasabog mula sa cast ng Ang Probinsyano at Darna, na special guests sa August 14 episode ng ASAP Natin 'To.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results