PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrew Ramsay, hinihikayat magbalik-showbiz si Derek

Andrew, pangarap makasama sa pelikula ang kanyang Kuya Derek
by PEP Troika
Published Aug 14, 2022
Andrew Ramsay
Andrew Ramsay, kinukumbinse ang kanyang Kuya Derek na magbalik-showbiz: “I’m always trying to convince him to come back. Kasi, I dream to do a film with him, e. You know, brothers in the same screen.”

JERRY OLEA

Hinihikayat ni Andrew Ramsay ang kuya niyang si Derek Ramsay na magbalik sa pag-aartista.

“I’m always trying to convince him to come back,” pagtatapat ni Andrew bago ang gala premiere ng Cinemalaya film niyang Ginhawa noong Agosto 9, Martes sa CCP.

“Kasi, I dream to do a film with him, e. You know, brothers in the same screen.”

May mga naipadala nang script si Andrew sa kanyang kuya noon pa para sa project na puwede nilang pagsamahan.

“But at that time, I think, or right now he’s still in that love phase with Ellen [Adarna]. So, nag-e-enjoy siya muna sa married life niya ngayon,” nakangiting tugon ni Andrew.

Takot ba sa COVID-19 si Derek kaya ayaw mag-shooting?

“Hindi naman. Hindi naman siya takot. But I think he just wants to cherish as much time as he has with Ellen.”

Tumulong ba si Derek sa paghahanda ni Andrew sa pagganap bilang boksingero sa Ginhawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andrew Ramsay in Ginhawa movie

Andrew Ramsay in Ginhawa movie

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yeah, during the training sessions of Ginhawa, we would have some friendly sparring sessions where we can’t hit the head,” kuwento ni Andrew.

“So, yung shoulders lang ang puwedeng suntukin. So yeah, it was quite competitive.”

Dati na ba siyang nagboboksing?

“Even before as a kid, for fun lang. I think that’s why Christian [Paolo Lat] chose me for the role. Kasi, may boxing background na ako,” lahad ni Andrew.

Ano ang advice sa kanya ni Derek nang magpasya siyang mag-artista rin?

“Ahhm, yung sinasabi ni kuya sa akin is, ‘Always be yourself. Try not to be someone else because there’s no one else better than you.’

“It’s very simple and cliche but it’s very effective. Like yeah, just be yourself,” malumanay na saad ni Andrew.

Hinahayaan na lang ni Andrew yung mga nang-iintriga sa kanya sa Instagram, na kesyo hindi sila magkamukha ni Derek at ampangit niya.

“I don’t mind it. Kasi malamang, may mga haters, may mga lovers. I just don’t mind.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-suffer ba siya na naikukumpara siya kay Derek?

“Hindi naman. Kasi, ever since before, people compare me to him, e. And it’s fine. Like it is what it is,” pagbuntong-hininga ni Andrew.

“Hindi ako na-offend. Kasi, it’s who I am as a person. It’s the truth. What I want to focus talaga is I want to showcase yung talent.

“Kasi, alam kong may talent ako and I want people to acknowledge that.”

Sabi ni Ruby Ruiz, mas magaling na aktor si Andrew kesa kay Derek. Nakatrabaho ni Ruby ang magkapatid kaya may basehan siya. Sumang-ayon si Derek sa obserbasyon ni Ruby.

“But I learned a lot of stuff from him. If it wasn’t for him, I wouldn’t be here right now,” pagpapakumbaba ni Andrew.

Noong ten years old pa lang si Andrew ay sumasama na siya sa mga taping ni Derek ng teleserye.

“Parang dun nag-start yung curiosity ko sa acting. And then I decided to take acting for college,” sambit ni Andrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then parang ripple effect. I just wanted to keep doing it.”

Natsitsismis si Derek noon pa na isang binatang ama. Napagkamalan ba siyang anak ni Derek?

“Minsan may nagsasabi, ‘Anak mo pala?’ ‘O sige, anak na lang.’”

Sa mga pelikula ni Derek, pinakapaborito ni Andrew ang English Only, Please (2014) at Kasal (2018).

NOEL FERRER

Hindi naman nawala sa pag-aartista si Derek Ramsay.

Sa katunayan, may nakatakda siyang gawing international film—mula nang makapanayam natin siya.

Naghihintay lang talaga siya ng tamang proyekto to get him out of his comfort place, na ngayo’y ang kanyang tahanan kasama ang kanyang wifey.

Dapat kung tatanggap siya ng protekto, iyung buhos ang puso at diwa niya sa proyektong iyun.

Sana nga, makatulong sa pagkumbisi ang nakababatang kapatid ni Direk sa pagsasama nila sa pelikula. What do you think?

GORGY RULA

Wish din ni Derek na makasama ang kapatid niya sa isang movie project. Gusto rin daw niyang gumanap ng character role, kagaya ng ginagawa ni Andrew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado siyang mas magaling umarte ang bunso niyang kapatid kesa sa kanya dahil talagang nag-aral daw ito.

Pero sa ngayon ay kinu-consider ni Derek na semi-retired na siya dahil mas gusto niyang mag-focus na muna sa binubuong pamilya nila ni Ellen Adarna.

Kung meron magandang material na matsa-challenge siya bilang aktor, baka gagawa naman daw siya ng pelikula.

Posibleng sa movies daw siya mapapabalik, hindi raw muna sa TV series.

Ani Derek, “Sinabi ko na sa inyo ito, di ba? Pag nandiyan na, nahanap ko na ang tamang babae, gusto ko nang magkapamilya, ang hirap na umiba ang focus ko, kundi sa pamilya ko.

“I’m really bonding with Elias, with Ellen. When that beautiful script comes and gets my juices going, I’m not closing my doors on showbiz.

“I love my craft. Pero kapag meron akong nabasang script na bubuhayin ang dugo ko…”

Sa ngayon ay mahirap pa sa kanyang iwan ang pamilya niya. Kaya mukhang malabo na niyang gawin ang movie project na gagawin niya dapat sa Puerto Rico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dapat may gagawin akong pelikula sa Puerto Rico. But… nagpakasal kami ni Ellen, and ahhh… I have to prioritize my family.

“Most likely I can’t. I cannot be away from my family for three months,” saad ni Derek.

Next year ay baby na ang target nila ni Ellen, para pare-pareho raw silang Year of the Dragon lahat.

“Dragon ako, dragon si Ellen, dragon yung pamangkin ko. So, punung-puno kami ng dragon sa bahay.

“Fire dragon ako. Si Ellen, earth, and then next year, I think it’s water, I’m not sure….” sabi pa ni Derek na naniniwala pala sa Chinese zodiac.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrew Ramsay, kinukumbinse ang kanyang Kuya Derek na magbalik-showbiz: “I’m always trying to convince him to come back. Kasi, I dream to do a film with him, e. You know, brothers in the same screen.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results