PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sino sa Top Class trainees ang tatanghaling new P-pop sensation?

Regine, Gary, Moira, at Chito, nag-standing ovation sa Top 12 Idol PH hopefuls.
by PEP Troika
Published Aug 19, 2022
Top Class
LIma sa kanila ang papalaring maging miyembro ng bagong P-pop group na bubuuin ng Kumu, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment.

GORGY RULA

Pinili noong nakaraang Sabado, Agosto 13, 2022, sa Top Class: Rise To P-Pop Stardom ang dalawang trainess na makakabalik mula sa wild card.

Si trainee Dean ang pinili ng mentors na sina KZ Tandingan, Shanti Dope, at Brian Puspos. Si trainee Niko naman ang pinili ng Kumunity.

Kaya pasok ang dalawang ito sa Final 12 Top Class Trainee kasama sina Gilly, Jai, Jascel, JC, Jeff, Joshuel, Lex, Roj, RZ, at Timothy.

Sa Sabado, August 20, na ang #TopClassTheFinale at pipiliin sa 12 trainees ang Top Class Final 5. Sila ang magiging members ng bagong P-pop group na bubuuin sa pagsasanib ng Kumu, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment.

Isa sa highlight sa finale nito sa Sabado ay ang collaboration performances ng Top 12 sa kilalang P-pop group na VXON at 1st.one.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pa sa kapansin-pansin dito ay si Albie Casiño na Campus Jock sa Top Class Boot Camp. Nagiging emotional siya kapag may nagpapaalam na trainee. Mas emotional kaya siya ngayon sa pagtatapos ng naturang talent-reality search?

Abangan ang finals nito live sa PETA Theater Center sa Quezon City, at mapapanood ng 5:00 p.m. sa TV5 at Kumu. Mapapanood din ito sa ibang bansa via iWantTFC at Myx Global.

Maaari niyo ring sundan ang mga activities ng Top Class sa Top Class YouTube at Top Class Kumu. Puwede rin silang i-check sa Facebook, Instagram, Twitter.

NOEL FERRER

Bukod sa Top Class, heto at magla-live na ang Season 2 ng Idol Philippines sa ABS-CBN. Excited ako sa napili nilang 12 finalists at may malaking potential for me yung Anthony Gabe Meneses.

Wagi ang pagho-host ni Robi Domingo. Ang ganda at iba’t iba ang backgrounds at insights na naibibigay nina Gary V, Regine, Moira, at Chito Miranda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa dami ng mga sumasali at nananalo sa mga talent shows na ganito, ibang pagsubok pa rin ang paghahanap ng venues for them to really shine. Kasi, limitado pa rin ang work at exposure kahit sa mga established singers na.

Kayod, kayod, kayod at sipag at tiyaga pa rin talaga.

Idol Philippines

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related stories:

JERRY OLEA

Good luck sa mapipiling Magic 5 ng Top Class. Hopefully, pumailanlang paitaas ang kanilang career at huwag agad bumulusok pa-bottom.

Samantala, raratsada na this weekend ang Live Gala shows ng Top 12 hopefuls sa ikalawang season ng Idol Philippines.

Noong nakaraang linggo, napatayo at napaiyak ang Idol judges sa performances nina Nisha Bedaña, Ann Raniel, Misha de Leon, Trisha Gomez, Delly Cuales, Anthony Meneses, Kice, PJ Fabia, Khimo Gumatay, Drei Sugay, Bryan Chong, at Platinum Ticket holder na si Ryssi Avilakaya.

Sa Live Gala shows, maaring makilahok ang viewers para ipakita ang kanilang suporta sa paborito nilang hopefuls sa pamamagitan ng voting credits sa Uplive. I-download ang Uplive at gumawa ng sariling account.

I-click ang banner landing page at Idol account profile. Mag-log on para makakuha ng libreng voting credits, o bumili ng nasabing credits. Maari lang gamitin ang voting credits sa mismong show. Magbubukas ang voting lines tuwing live shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilabas din ng programa nitong nakaraang linggo ang kanilang rare digital collectibles sa pakikipagtulungan nila sa Theta Network. Ang Idol Philippines ang kauna-unahang programa magkaroon ng digital collectibles, o tinatawag na NFTs sa bansa.

Ang NFTs ay mga natatanging kopya ng bagay sa digital world na walang ibang kopya o limited ang kopya sa buong mundo. Dahil nag-iisa lang ang mga ito, mabenta ang NFTs sa mga collector ng digital art o kaya dahil sa iba't ibang benepisyo kasama nito tulad ng live access sa shows, meet and greet, at marami pang iba.

Available na ang first batch ng rare digital collectibles ng Idol Philippines logo sa halagang PHP50 at "Golden Ticket" NFT na may LIVE show access sa halagang PHP999 sa ThetaDrop. Maaring makanood ng live shows ang Golden Ticket NFT owners mula Agosto hanggang Setyembre.

Available na rin ang "Finalist Pack" na may mukha mismo ng hopefuls sa presyong PHP899. Sa mga gustong mapanood ang finals ng ikalawang season ng Idol Philippines sa Setyembre 17 at 18 at makilala nang face-to-face ang grand winner ng season na ito, abangan ang paglabas ng Platinum Ticket NFTs sa halagang PHP1999.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matutunghayan ang Live Gala Shows ngayong weekend sa “Idol Philippines” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LIma sa kanila ang papalaring maging miyembro ng bagong P-pop group na bubuuin ng Kumu, TV5, Cignal Entertainment, at Cornerstone Entertainment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results