GORGY RULA
Nasa huling linggo na ang sportserye ng GMA-7 na Bolera, at humarap ang ilang main cast nito sa mediacon ngayong Lunes, August 22, 2022.
Tinanong ng PEP Troika ang dalawang leading men ni Kylie Padilla na sina Rayver Cruz at Jak Robert kung ano ang mga ibinilin nila sa kanilang "ka-love life" na nagsimula nang pumasok sa lock-in taping ng Maria Clara at Ibarra.
Ang tinutukoy namin ay sina Barbie Forteza at Julie Anne San Jose, na kasama ni Dennis Trillo sa bagong historical fictional portal fantasy series na ito.
Nasa Vigan, Ilocos Sur na raw sila na mala-lock in nang ilang linggo.
“Every day nga po silang magkasama na magkumare,” pakli ni Jak.
Noon pa man ay close na raw sina Barbie at Julie. Sina Jak at Rayver naman ay lalong naging close sa lock-in taping ng Bolera.
Ayon pa kay Jak, “Hindi ko alam ang bonding nila, pero kami ni Rayver, automatic pag nagkita kami sa umaga, nagtuturuan pa kami kung sino ang may signal sa delivery ng inu-order namin.
“Ganun ka-tight ang relationship namin sa set. Yung dalawa, siguro ganun din.
"Si Barbs, kasi first time niyang mag-lock-in, e, na straight na isang buwan.
“Sabi ko ngayon, mararamdaman na niya. Pinapadala ko nga sa kanya ang mga dala ko sa lock-in, e. Mga portable washing machine, lahat.
“Lagi kong sinasabi sa kanya, 'Ganito yung lock-in. Kung hindi mo gusto ang pagkain, magdala ka ng induction.' Yun ang pinakamalaking bagay at nagpasaya sa aming lahat, yung lutuan.
“Ngayon, tuluy-tuloy sila, na-enjoy niya naman.”
Naalangan pang sumagot si Rayver, at natatawa siya sa sinabi kong ka-love life niya.
“Yun naman talaga ang nararamdaman ko for her,” sagot niya sa tanong ko kung may nabuong magandang relasyon sa kanila ni Julie Anne.
“Siguro, alam ko na sobrang saya nila dun. Kasi bago pa naman sila mag-lock-in, super close na sila, magkumare nga sila, e.
“Kami nga ni Jak, naging close kami sa set. Pero sila, way, way back close na sila.
"So, I’m sure itong lock-in nila, sobrang saya yun. Di ko lang alam ang style ng bonding nila. I’m sure masaya sila dun.”
Samantala, ayaw pang sagutin ng tatlong bida kung kanino mapupunta si Joni Fajardo Jr. (Kylie). Kay Toypits (Jak) ba o kay Miguel (Rayver)?
Abangan na lang daw sa final episode nito sa Biyernes, August 26.
JERRY OLEA
Medyo nautal si Rayver sa tanong uli ng PEP Troika kung para kanino niya pinaglaanan ang bagong bahay at ang bagong biling BMW.
Read: Rayver Cruz finally gets his dream car
“Wala naman. Kumbaga, parang… for me siguro parang ano…” natigil sandali si Rayver at nag-isip.
Singit ni Kylie sa usapan, “Ready for the future. Wala namang masama dun, di ba?”
Pagpapatuloy ni Rayver, “I’m never afraid of the future.
"Siguro, yun nga, gaya ng nasabi ko, parang parehas lang siguro si Miguel at saka si Rayver, e. May perseverance, e. There’s no let up, e. Always hungry.
“Kumbaga, nakikita mo na yung pinaghihirapan mo. Kahit papano, blessed, and every day hindi mo tini-take for granted yung mga nangyayari sa buhay mo. Kasi, yung mga dating mga pinapangarap mo lang, nakakamit mo na.
“Iyon yung sinasabi ko, thankful for my work, thankful for GMA, thankful for my family, and sa lahat na sumusuporta, kasi it keeps me going every day. Yun talaga.”
Para na rin ba sa inspirasyon niya ngayon?
“Oo naman, siyempre!" mabilis na sagot ni rayver.
"Parte na siya sa mga nangyayari sa buhay ko. Makikita mo namang ang saya-saya ko every day. Yun naman po ang dahilan.
“Inspired to be better! Yeah! Let’s go!”
NOEL FERRER
Mukhang iba-iba talaga ang sked ng mga taping nila.
Sabi ni Rayver, baka sa darating na Linggo, August 28, ay magkikita sila uli ni Julie Anne kaya wala naman daw siyang naibilin dahil alam niyang magkikita sila.
Kailangan daw kasi si Julie Anne sa All-Out Sundays sa Linggo dahil live sila. At aminin natin, dun naman nagtatak si Julie Anne, sa pagkanta, samantalang si Rayver naman sa pagsayaw.
“Wala ako masyadong naibilin kasi ngayon pa lang siya magla-lock-in after ng Heartful Café,” sabi ni Rayver.
“Sabi ko lang mag-enjoy siya, masaya naman talaga pag nagla-lock-in. I don’t think na magtatagal siya sa lock-in kasi kailangan bumalik siya for All-Out Sundays, e.
“I think this week, magkikita kami sa All-Out Sundays, kasi live na kami. Si Barbs kasi, nandun siya [Vigan] talaga, e. Iba-iba schedule nila, e.”
Pero ang gusto nating mangyari, magkahawahan ng galing ang dalawang couples na ito at kilalanin sila bilang mahuhusay na artista na hindi lang dumaraan ang mga projects na pinakakakitaan nila, kundi nagmamarka ang kahusayan nila sa pagganap.
Nagawa na ni Barbie yun, sana all!!!
