PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford, bukas gumawa ng programa sa GMA Network

Billy Crawford, na-enjoy na makilala sina Miguel Tanfelix at Sanya Lopez.
by PEP Troika
Published Aug 26, 2022
Billy Crawford
Billy Crawford, binansagan ang sariling "Pambansang Katrabaho" dahil sa paglabas niya sa tatlong TV networks. Napapanood siya sa Tropang Lol na umeere sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel. Habang ang The Wall Philippines ay nakatakdang umere sa GMA-7.
PHOTO/S: Sany Chua / GMA Network Online

GORGY RULA

Unti-unti nang nakikilala ni Billy Crawford ang Kapuso stars na hindi pa niya nakatrabaho noong nasa GMA-7 pa siya.

Read: Billy Crawford, nagbalik-tanaw sa That's Entertainment days pagtapak muli sa GMA Network

Sobrang tagal niyang hindi nagkaroon ng show sa Kapuso Network ky ngayon pa lang niya nakilala ang karamihan sa kanila, at hindi niya makalimutan ang ilan sa GMA stars pagkatapos nilang maglaro sa The Wall Philippines.

Sa nakaraang mediacon ng The Wall Philippines, tinanong namin ang singer-TV host kung sinu-sino sa mga naglarong Kapuso stars ang nagmarka sa kanya, at natuwa siya nang husto.

Ani Billy, "Iba-iba yung emosyon na nakuha ko sa kanila. Kaya may pagkakataon na nangangapa ako para kilalanin sila. Pero yun ang maganda sa show na ‘to, e.

"The true colors of the artista talaga, e, ay lalabas at lalabas. Kasi, more than P10 million na ang pinag-uusapan natin dito. Magpapeke pa ba tayo or what?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung totoong-totoo, lahat sila ay equally interesting and equally saya to be with."

Pero sino sa mga naglarong Kapuso stars na hindi niya makalimutan?

"Si Miguel Tanfelix. Ewan ko yung batang yun, may something, e. May something ang batang ‘yan. Gusto kong malaman. Basta, panoorin niyo na lang yung episode niya.

"At siguro yung kay Sanya [Lopez]. Kasi yung pasensiya nung batang yun ay talagang saludo ako sa kanya. Alam ni Sir Jay Montelibano kung ano yung sinasabi ko," napapangiting pahayag ni Billy.

Sa Linggo ng hapon, August 28, na magsisimula ang The Wall Philippines sa GMA-7.

Hindi lang namin sure kung ito na ba yung episode ni Miguel kung saan kasama niya rito si Ysabel Ortega, na puspusan sa pagpu-promote ng What We Could Be na magsisimula na rin sa Lunes, August 29.

NOEL FERRER

Naikot ni Billy Crawford ang iba’t ibang TV network. Naging Kapuso siya, naging Kapamilya, Kapatid, at ngayon ay balik-Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala na raw siyang label sa sarili dahil freelancer naman siya. Kaya ang tawag niya sa sarili ay "pambansang katrabaho."

Open daw siya sa posibilidad na gumawa ng isa pang show sa GMA-7. Meron na nga raw pini-pitch ang Viva kay Mr. Joey Abacan, na si Billy rin ang host.

"Kung bibigyan ako ng opportunity ng Viva at ng GMA, why not? As I said, ako ay pambansang katrabaho," pakli ni Billy.

JERRY OLEA

May puwang sa puso ni Manay Lolit Solis si Billy. Gumanap kasi si Manay Lolit bilang yaya ni Billy sa pelikulang Lost Command (1988), na prinodyus at idinirek ni Ben Yalung.

Kuwento ni Manay Lolit noong Agosto 23, Martes, nang dalawin namin sa ospital, isang eksena lang yun na tatakbo sila ni Billy na magkaakay habang may nagbabarilan.

"Ang liit-liit pa nun ni Billy. Pag-‘action’ ni Ben Yalung, takbo agad kami ni Billy at dumapa ako!" pagbabalik-tanaw ni Manay Lolit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nalokah si Ben Yalung. Bakit daw dumapa agad ako, e, hindi pa nakunan ng kamera ang mukha ko. Dadapa lang daw dapat ako pagsigaw niya ng ‘Cut!’

"Pinapaulit ni Ben Yalung ang eksena. E, ayaw ko nang mag-take 2. Wala siyang nagawa. Ginamit pa rin naman niya yung special participation ko kahit hindi kita ang mukha ko. Ha! Ha! Ha! Ha!"

Kabilang sa mga artista ng Lost Command sina Ramon “Bong” Revilla Jr., Jean Garcia, Judy Ann Santos, Paquito Diaz, Isabel Granada, Rez Cortez, ER Ejercito, Bomber Moran, Ruel Vernal, Chuckie Dreyfus, Robert Ortega, Janet Bordon, Lala Montelibano at King Gutierrez.

"Sa pagkakatanda ko, malakas sa takilya ang movie na yun!" sambit pa ni Manay Lolit.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford, binansagan ang sariling "Pambansang Katrabaho" dahil sa paglabas niya sa tatlong TV networks. Napapanood siya sa Tropang Lol na umeere sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel. Habang ang The Wall Philippines ay nakatakdang umere sa GMA-7.
PHOTO/S: Sany Chua / GMA Network Online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results