PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Gina Alajar, napabilib kay Yasmien Kurdi sa Start Up PH

Direk Gina Alajar, aminadong kinilig sa onscreen chemistry nina Alden at Bea
by PEP Troika
Published Aug 27, 2022
Yasmien Kurdi
Start Up PH director Gina Alajar, bumilib sa level-up acting ni Yasmien Kurdi sa bagong Kapuso teleserye: “Inaral niya talaga, kasi fan siya ng Start Up. Meron siyang ginawa sa role niya na hinangaan ko siya nang husto, dahil she took one step forward."

GORGY RULA

Hindi makukuwestiyon ang galing ni Gina Alajar sa pag-arte at kahit sa pagdirek, pero aminado ang batikang aktres na kinabahan siya at ang laking challenge sa kanya itong ginampanan niyang role bilang si Lola Joy sa Start Up Ph.

Sa mga nakapanood ng Korean drama series na ng Start Up, alam nilang ang laki ng role doon ng lola na si Mrs. Choi sa kabuuan ng kuwento. Kaya ang laking pressure din nito kay Direk Gina.

Pero ang isa sa ikinatuwa ng actress/director, ang galing daw ng mga co-stars niya lalo na ang mga bidang sina Alden Richards at Bea Alonzo.

Ang isa raw sa ikinagulat niya nang husto ay si Yasmien Kurdi na gumaganap bilang si Katrina ‘Ina’ Diaz, ang ate ni Bea.

Sabi ni Yasmien, talagang pinag-aralan daw niya ang role niya rito, dahil fan daw siya talaga ng Start Up, kaya inulit-ulit daw niya na ang panonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Okay lang daw sa kanya na gumanap bilang ate ni Bea kahit mas bata siya ng dalawang taon.

“Nag-ate naman ako nun, Kuya Gorgs, kay Jennylyn [Mercado] sa Rhodora X. Magka-age po sila ni Bea,” pakli ni Yasmien.

Kaya nagulat daw si Direk Gina na talagang kinarir ng StarStruck 1 1st runner-up ang role niya rito.

“Nagulat ako sa kanya,” bulalas ni Direk Gina.

“Nakita ko siya na nakaayos na naka-suit, ang gandang-ganda ng make-up niya, plakadung-plakado ang hair. Wow! Sabi ko ‘Yas, you’re so beautiful!’” dagdag niyang pahayag.

Yasmien Kurdi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yasmien Kurdi

Ang isa pa raw sa ikinatuwa niya kay Yasmien, may ginawa raw ito kung ano ang magandang atake sa role niya. Doon siya lalong bumilib.

“Inaral niya talaga, kasi fan siya ng Start Up. Siya na lang siguro ang magkuwento. Pero meron siyang ginawa sa role niya na hinangaan ko siya nang husto, dahil she took one step forward.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung saan siya mahina, pinalakas niya yun. Siya na lang magkukuwento. Ayokong i-preempt siya. Pero nagulat ako na ginawa niya yun,” sabi pa ni Direk Gina.

NOEL FERRER

Ang measure mo kung effective ang mag-tandem ay kung ang mismong kasama nila sa shoot ay kinikilig, at ganun nga ang nararamdaman ni Gina Alajar.

“Talagang ako, nag-observe lang ako. Tinanong ko ang sarili ko, kinikilig ba ako sa kanila? You know, ang sagot, oo.

“Nahihiya lang ako mag-joke sa kanila, because in respect to Bea’s boyfriend, si Dominic na mahal na mahal ko na bata.

“You know, Bea and Alden, they have good chemistry. I keep to myself, pero kinikilig ako sa kanila.”

JERRY OLEA

Agosto 26, Biyernes, huling araw ng Ghost Month ginanap ang Zoom mediacon ni Direk Gina para sa promo ng Start Up Ph.

Hindi katatakutan ang Start Up Ph kaya hindi na kailangang uriratin kung nagparamdam kay Direk Gina si Cherie Gil, na sister ng estranged husband niyang si Michael de Mesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-i-start nang uminit ang promo ng Kapuso primetime series nina Bea Alonzo at Alden Richards, ganundin ang promo ng pelikula nina Julia Barretto at Carlo Aquino na Expensive Candy.

Setyembre 14 ipapalabas sa mga sinehan ang expensive movie ni Julia. Puwede bang tagurian siya bilang Bagong ST Queen dahil sa mapangahas na pagganap niya rito?

Perfect ba ang pagsasabay ng promo ng TV series ni Bea, at movie ni Julia, lalo pa’t mag-i-streaming na sa Netflix sa Setyembre 9 ang pelikulang My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach?

My Perfect You

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oh, My Ghost!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Start Up PH director Gina Alajar, bumilib sa level-up acting ni Yasmien Kurdi sa bagong Kapuso teleserye: “Inaral niya talaga, kasi fan siya ng Start Up. Meron siyang ginawa sa role niya na hinangaan ko siya nang husto, dahil she took one step forward."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results