GORGY RULA
Kung open na si Elijah Canlas sa lovelife nila ni Miles Ocampo, lihim na lihim naman ang partner niya sa Gameboys na si Kokoy de Santos.

Inamin ni Kokoy na in-love siya ngayon, pero “secret” ang sagot niya nang sinundan ko siya ng tanong kung sino ito.
Sabi niya, “Kaya ako sobrang proud kay Elijah, e."
Nakatsikahan namin ang Kapuso actor sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes, August 26. Pero mahirap siyang pigain kung taga-showbiz ba o non-showbiz ang karelasyon niya sa ngayon.
“Now, I’m very happy. Yes. May inspirasyon, ganyan,” pakli niya.
“Pag sa right time po,” napapangiti niyang sagot kung kailan niya ipakilala sa publiko.
Hindi naman niya itinatangging nagbibigay ito ng inspirasyon sa kanya.
“Sa ngayon, sobrang happy po ako sa lahat na dumadating sa akin.
“Sa akin, kailangan lang ng inspiration, siyempre pamilya ko, aso ko. Kailangan yun e, para maging driven at productive din tayo sa mga ginagawa natin.
“Kasi, ang hirap din namang grind tayo ng grind sa work… aabot ka sa point na parang pagod ka na. Ito pala ang matagal ko nang hinihintay.
“Naabot ko na yung pangarap ko -- yung gumigising ka sa umaga na wala ka nang iniintindi na utang.
“Dati kasi ang pamilya ko talaga… hindi naman kami ganun ka-okay noon,” saad ni Kokoy.
Sa mediacon ng bagong reality show ng GMA-7 na Running Man Philippines na ginanap sa Lugang Café nitong Sabado, August 27, nakantiyawan si Kokoy dahil ang dami raw sumundo sa kanya sa airport.
Hindi lang niya nasagot kung nandun din ba ang babaeng nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.
“Nagulat din po ako parang buong barangay na. Anong oras na kami nakauwi, ang pamangkin ko, tumakbo papunta sa akin, e.
“First time ko po kasi nakaalis ng ganun katagal,” kaswal na pahayag ni Kokoy.
Sa September 3 na magsisimula ang Running Man Philippines, at naka-focus si Kokoy sa promo nito.
Ipina-partner sila ni Angel Guardian, dahil bagay sila at may chemistry ang kanilang tambalan sa naturang reality show.
JERRY OLEA
Totoo bang Kapamilya actress ang karelasyon ni Kokoy?
Pero mas gusto nilang tahimik lang, dahil mas naka-focus si Kokoy sa kanyang showbiz career bilang Kapuso.
Mukhang binubuo ang tandem nila ni Angel na kasama niya sa Running Man Philippines.
Si Kokoy ba ang “guardian angel” ni Angel sa programa?
At totoo kaya ang naulinigan natin na si Angel ang runaway winner ng paligsahan?!
Abangan!!!
NOEL FERRER
Kahit doon sa naging karelasyon ni Kokoy sa Master Showman ay never din niyang inamin sa publiko.
Ok naman yun, para may mystery at open siya maipares sa lahat!
Kokoy, like Elijah, has always been a reliable actor na talaga namang kahanga-hanga.
