JERRY OLEA
Balik-TV si Tito Boy Abunda sa huling quarter ng taon!
Sinigurado ito ng ating King of Talk sa mediacon ng Rana Pharmaceutical nitong Agosto 27, Sabado ng gabi sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City.

“I wanna go back to television. Ako’y paalis dahil I host Ten Outstanding Filipinos in America ngayong taon,” lahad ni Tito Boy.
“And I’ve been doing that for like eight, nine years. So pagbalik ko, I’m hoping to do television.”
Dalawa o tatlong linggo na mananatili sa Amerika si Tito Boy sa Setyembre.
“And I’m hosting Olivia Quido’s beauty product launch in New York with the current Miss Universe. I’m hosting that,” dagdag niya.
Saang TV network malamang mapanood siya sa kanyang pagbabalik?
“Hindi ko pa alam pero marami akong kausap,” mabilis na tugon ni Tito Boy.
Nag-host si Tito Boy kamakailan ng round-table discussion ng Kapamilya teleseryeng Flower of Evil. Posible bang mag-host siya ng kaparehong ganap para sa GMA-7?
“Anything is possible,” nakangiting sambit ni Tito Boy.
Meron na bang negotiations?
“Kung magugustuhan nila ako. Hindi! May mga pag-uusap. May mga pag-uusap, hindi lamang sa Channel 7,” pag-amin ni Tito Boy.
Naramdaman ba niya na parang hindi na siya gusto ng mga taga-GMA 7?
“Ay! Wala naman. Wala naman akong naramdaman na hindi ako gusto ng GMA-7,” pagngiti ni Tito Boy.
“I have remained very good friends with the bosses, even the staff, the people I worked with in GMA-7. Napakaganda ng relasyon ko.”
Bali-balita na lilipat sa bubuksang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) sina Korina Sanchez at Kabayan Noli de Castro. May offer ba sa kanya ang AMBS?
“Ay! Wala akong offer from… ahh… from the Villar group? Wala. I have had no conversations with them,” paglinaw niya.
So, may definite offer na ang GMA-7 sa kanya?
“Nag-uusap. Nagpaalam ako niyan sa ABS dati kung puwede akong makipag-usap.
Pinayagan naman akong makipag-usap,” saad ni Tito Boy.
“Pero andun pa lang, lumulutang. Sa ngayon, wala talagang kasiguraduhan pa. Pero ang alam ko lang, I’m back on television pagbalik ko.
“Tatlong taon na po akong walang trabaho. Tatlong taon na po akong jobless. Nakiusap? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Tatlong taon na ho akong walang trabaho.”
Yung paghu-host niya para sa Flower of Evil ay pahiwatig na maganda pa rin ang relasyon niya sa mga taga-ABS-CBN.
Diin niya, “There is no reason why my relationship with ABS-CBN should be affected. Oo naman.
“Pag tinatawagan naman ako, at kung ako’y puwede, ginagawa ko. Pero nami-miss ko ang TV. Mag-tatatlong taon na.”
Ano ang nami-miss niya sa TV? Ano ang gusto niyang gawin sa pagbabalik-telebisyon?
Lahad niya, “That whole experience. That whole experience. Walang isa, e, but iba. Iba yung ilaw. Iba yung bilang. Iba yung indayog. Iba yung rhythm.
“Iba yung… iba lahat. Na hindi ko nararanasan sa social media, sa YouTube for example. Iba.
“Iba ang kinang. Iba ang telebisyon. Fulfillment din siguro. Kasi napakaliit ng YouTube operations, e.
“Nagagawa namin, isa, dalawa, kami lang, kaya na namin iyan. Ako nga minsan, mag-isa, e. I mean, you know, I do my commentaries for example.
“Yun ang nakaka-miss.”
GORGY RULA
Hindi lang endorser si Kuya Boy Abunda sa may-ari ng Rana Pharmaceutical kundi naging kaibigan na niya. Kaya matagal-tagal na niya itong sinusuportahan.
Nilinaw niyang mga health products o supplements ang mga produkto nito, at malakas ang tawa niya sa paglilinaw ni Dondon Sermino ng Abante na hindi ito beauty products.
“Talagang meron siyang emphasis… not beauty products, ha?” natatawang pakli ni Kuya Boy.
“Rana is a happy home of health. Iyun ang tawag namin,” dagdag niyang pahayag.
Kabilang sa mga produkto ng Rana ang Rapido na para sa virility ng mga lalaki. Kailangan na ba niyang mag-Rapido?
Natatawang sagot ni Kuya Boy, “Ah, hindi pa. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi pa pero maganda ang naghahanda. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Di ba? Lahat tayo ay pumupunta doon sa bandang bahagi ng buhay na yun.”
Ka-Rana ni Kuya Boy si Ellen Adarna, na nag-eendorso ng Xmeal multigrain & beans.
Napag-usapan na nila ni Ellen ang “ganda” noong nagkasama na sila sa Rana event sa Cebu.
Na-threaten si Ellen…?
“Na-threaten ako nang konti! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagbibiro pa ni Kuya Boy.
Sa totoo lang, maganda ang pakikitungo ni Kuya Boy sa lahat ng mga nakatrabaho niya.
Kahit noong nasa ABS-CBN siya, maayos pa rin ang relasyon niya sa mga taga-GMA.
Ngayong may mga pag-uusap sila ng Kapuso network, hindi siya nagsunog ng tulay sa ABS-CBN.
At kung ano man ang magiging desisyon niya, alam niyang maiintindihan siya ng mga kapamilya niya sa ABS-CBN.
Ang isa pa ngang gustong malaman ng marami kay Kuya Boy ay baka pasukin na rin niya ang pulitika.
May mga usap-usapan kasing posibleng siya ang pumalit sa kapatid niyang si Cong. Maria Fe Abunda ng Eastern Samar.
Pero wala rin siyang final na sagot pagdating sa politics.
“Hindi ko talaga alam what’s gonna happen on the next two years,” safe na sagot ni Kuya Boy.
NOEL FERRER
At least, ito ang hinuha ng PEP Troika… malamang sa malamang, magbabalik-Kapuso ang ating mahal na si Tito Boy Abunda.
Wanna bet?
