JERRY OLEA
Inilunsad ng Rana Pharmaceutical si Ellen Adarna bilang endorser ng Xmeal nitong Agosto 27, Sabado ng gabi sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City.
Balak na ba ni Ellen na bumalik sa pag-akting sa TV o pelikula?
“No, not yet. I made a promise to myself na tutok muna ako kay Elias until he is seven,” walang pag-aalinlangang tugon ng sexy actress.
Apat na taong gulang pa lamang si Elias, na anak nina Ellen at John Lloyd Cruz.
Mahirap para kay Ellen na mag-lock in taping at mawalay sa pamilya nang humigit-kumulang isang buwan.
Hindi nami-miss ni Ellen ang pag-aartista. If ever, matagal pa bago pagtuunan niya muli ito ng pansin.
Ang gusto ni Ellen, mabuntis siya next year para ang isisilang niya ay pasok sa Year of the Dragon (Pebrero 10, 2024-Enero 28, 2025).
Pareho kasing Dragon si Ellen at asawang si Derek Ramsay sa Chinese zodiac, at maswerte raw kung Dragon din ang kanilang supling.
If ever, that’s another seven years na rest sa showbiz!
“Honestly, hindi ko nami-miss yung umuwi nang 5:00 am. Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Ellen, na lumabas sa dalawang season ng TV5 sitcom na John en Ellen (Enero-Agosto 2021).
“At saka iba na, di ba? I want to be with my son. Kasi, magkatabi kaming matulog. He sleeps with us. So, hindi pa ako ready.”
Ano ang preparation niya para magkaroon ng another baby?
“Nothing. Hopefully hindi ako hirap. When I had Elias, parang ambilis-bilis. So, hopefully ano, it’s going to be easy. That’s why I take care of my health,” diin niya.
Sabi ni Derek, babalik siya sa showbiz work kung si Ellen ang kasama niya.
“Ayoko siyang kasama! Ayoko!” bulalas ni Ellen. “Feeling ko, walang mangyayari.
Magtatawanan lang kaming dalawa. No! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
Lahad niya, “Ang daming offers actually. Hindi, hindi ko kaya.”
Nasa point sila ngayon na hindi pa nila kailangang magtrabaho talaga? Pareho naman silang… rich!
Natawa muli si Ellen at ilang sandaling natigilan bago sumagot, “Ahhhmmm… stable. Hindi pa naman. I can ano… ahhhm… provide or I get the things that I need—not want, but need.”
Ano ang biggest change ng pagiging married kumpara noong dalaga pa siya?
Aniya, “Biggest change? Parang wala. Walang difference… Ang biggest change siguro, may extra na nag-aalaga kay Elias. Ha! Ha! Ha! Ha!
“May extra siyang kalaro. I get a lot of like rest. Clingy kasi si Elias, e. So, before I met Derek, ‘Mama, mama’ lang. Mama, mama.
“Of course you need your time, your space. And then now, OK, if I want my me time, bato ko kay Derek.”
Anong ginagawa niya sa me time?
Saad niya, “I just want to be alone in the bathroom. I meditate a lot. For now, yun lang ang kaya kong i-me time.
“Hindi pa ako pwedeng magbakasyon. Hanggang banyo lang ang me time ko na wala, walang mang-iistorbo sa akin.”
Nagluluto ba siya para kay Derek?
“I only cooked for Derek once. Paksiw na Cebu lechon. I don’t wanna cook because our kitchen at home is very expensive.
“And he’s very OC. If he sees a scratch, he goes… so, no. Ako na nga magluluto sa yo, tapos, ma-scratch ko yan, mai-stress pa ako.
“So, no! OK naman yung luto ng yaya so OK na tayo. There’s peace. We’re peaceful like this,” pagpapasalamat niya.
Kung merong nakaka-stress sa kanila, ano iyun?
“I don’t really stress out much, honestly. I’m very calm now. Si Derek ang mahilig sa stress. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagsisiwalat ni Ellen.
“Hindi ako. Siya, very OC. But I think it’s a good balance because I am the opposite. We’re opposites when it comes to that.”
NOEL FERRER
Pansin ng publiko na pareho sina Ellen at Derek na ayaw pang sumabak sa matagalang lock-in taping.
Di ba’t pinalitan ni Rocco Nacino si Derek sa Kapuso primetime series na To Have and To Hold (Setyembre-Disyembre 2021)?
Agreement ba nila ni Derek na huwag din muna siyang magtrabaho sa showbiz?
Paglilinaw ni Ellen, “For me, that’s my decision, yeah. And whatever his decision is, sa kanya na yun. We don’t control each other.”
Ano kaya ang makakapagpabalik agad sa kanya sa showbiz, kahit sa pagho-host lang or what?
Pagklaro niya, “I’m open to like guesting if it’s just a day, or two. But if it’s lock-in, even one week, no.”
Seksing-seksi ngayon si Ellen, pero hindi niya masabi kung gaano kalaki ang nabawas sa timbang niya. Hindi raw niya iyon mino-monitor.
“I’ve always had issues with my weight before I had Elias. But after Elias, I stopped… I don’t really drink anymore,” pagtatapat ni Ellen.
“My lifestyle changed. So yeah, hindi. Dapat healthier, more taking care of myself.”
Better-looking now si Ellen kahit meron na siyang anak at asawa.
“You know why? Kasi, naiba na yung lifestyle, hindi na ako maalak! Dati, lasengga ako, party-party.
“Of course, wala akong responsibility, I was living my life. Iba ang mental state. Changes. Ang laki ng difference,” giit niya.
Kahit yung skin niya ngayon, ang ganda.
Pagmamalaki niya, “Hindi na siya dry! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Hindi niya kine-crave yung alak?
Pag-amin niya, “Hindi talaga. I think I’m done. Because when I was young, tinodo ko na rin. Sinagad ko talaga. All out!
“You get tired of it.”
Choice nina Derek at Ellen iyan because they can afford to take a momentary break to take care of their family. Hindi naman one size fits all ang scenario sa mundo lalo sa showbiz. Kanya-kanyang realidad at to each his/her own course of action.
Support at intindihin na lang natin sila.
GORGY RULA
Kahit si Derek Ramsay ay wala rin sa plano niya ang magbalik-akting.
Sobrang na-enjoy nila ni Ellen ang kanilang pagsasama, at meron din silang ilang negosyong inaasikaso.
May construction business si Derek, at si Ellen naman ay balak gumawa ng sarili niyang produkto at makaka-partner daw niya ang Rana Pharmaceutical, Inc.
“Me ang Rana are working on something for my brand, because their products are so good, and I decided to partner with them,” pakli ni Ellen.
Mukhang mahirap nang makabalik si Ellen sa pag-arte lalo na’t kung mabubuntis na siya next year.
Sana nga matuloy ito, dahil year of the dragon talaga ang tinatarget nilang mag-asawa. Kung magkakataon, magiging “House of Dragons” ang Ramsay family.
Boy uli o girl naman ang gusto niyang next baby?
“I want a girl. One last na lang,” dasal ni Ellen. “One last. Hopefully it’s a girl.”
